Thursday, January 11, 2007

Tagalog Movies for OPM Rockers, Vol. 1

Simulan na natin ito sa simulang-simula – sa mga walang kupas na double features, tulad ng mga sinehan sa probinsya. Gusto sana naming isipin na hindi na kailangan ng explanation para ma-gets mo yung joke… pero kung tutuusin, mabuti na’t meron para magka-alaman na.

Sandwich: RELASHAUN (1982) d/w JOPET, JOPET… PAANO KA GINAWA? (1998)
We’re not saying na Vilmanians ang mga miyembro ng Sandwich. We’re just saying na napatawa lang talaga kami noong nakita namin ang mga titles na ito.

Radioactive Sago Project: Kapag Baboy ang Inutang (1985) d/w LOURD, BAKIT AKO PA? (1986)
Alam mo, Lourd, idol na idol na idol ka namin. Yun nga lang, sabi mo kasi gusto mo ng baboy

Pupil: Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin (1987) d/w Sana’y Wala Nang Wakas (1986)
Tinatapos namin ang research sa article na ito noong inatake sa puso si Ely Buendia. Tol, life’s too short. Para sa ikabubuti ng puso’t diwa mo, magpagaling ka na.

Orange and Lemons: Nakawin Natin ang Bawa’t Sandali (1978) d/w Makahiya at Talahib (1976)
In other words, summary ito ng mga video ng “Yakap sa Dilim” at “Heaven Knows.”

Kamikazee: Marupok, Mapusok, Maharot (1978) d/w Ben Tumbling (1985)
Masyadong obvious ba?

Rocksteddy: Alyas Pogi (1990) d/w Sabik sa Halik (1995)
Kawawa naman si Teddy, lagi na lang dinededma. "Pahipo naman, pahawak naman..."

Bamboo: Ang Alamat ni Julian Makabayan (1979) d/w Bamboo Gods and Iron Men (1973)
Just in case na may duda pa rin kayo sa pagmamahal ni Mr. Francisco Manalac sa kanyang bayang tinubuan…

Hale: Bakit Bughaw ang Langit? (1981) d/w Matukso Kaya ang Anghel? (1984)
For the answer to these questions, panoorin lang ninyo ang video ng “Blue Sky" at masdan ninyo ang kagandahang-lalaki ni Champ. Tili, fangirls, TILI!

Parokya ni Edgar: Order to Kill (1985) d/w Espadang Patpat (1990)
See above, pero ipalit ninyo lang ang “The Ordertaker” para sa “Blue Sky” at ang pangalan ni Chito sa pangalan ni Champ. Tili, fangirls, TILI!

Chicosci: De Colores (1968) d/w Dugo ng Vampira (1971)
“VAMPIIIIIIIRES NEVERRRRR DIIIIIIIIIEEEE!!!” sabi daw ni Miggy… and neither does his eyeliner, apparently.

Callalily: Menor de Edad (1979) d/w Bilangin Mo ang Bituin sa Langit (1989)
Dear Kean: Cute ka nga, pero sa edad naming ito eh mukha pa rin kaming mga nanay mo. Sorry!

Spongecola: Ganda Babae, Gandang Lalake (1989) d/w Romeo Loves Juliet… But Their Families Hate Each Other! (1989)
It’s the only other logical explanation for the “Gemini” video.

Imago: Hoy, Mister, Ako ang Misis Mo (1976) d/w Matalino Man ang Matsing, Naiisahan Din (1980s)
See also: the video for “Ewan.”

Pedicab: Lo Waist Gang (1958) d/w Binata ang Daddy Ko (1977)
Mahilig din kasi sa masikip na lonta si Diego Mapa…

Dicta License: Ako ang Huhusga (1989) d/w Atorni Agaton: Abogado de Kampanilya (1960s)
Sana pumasa na sa Ateneo Law School si Pochoy!

Mano Mano: Bata Pa si Sabel (1981) d/w Mananayaw (1997)
“O, Neneeeee, ba’t hindi ka pa umuwi?”

Cueshe: Kumander Gringa (1986) d/w Yakapin Mo Ako, Lalaking Matapang (1981)
Does this recommendation have anything to do with the rumors about Jay Justiniani being, you know, ganoown (sabay talsik ng fingers)? Kailangan pa bang tanungin iyan?

No comments: