Thursday, October 16, 2008

Kung Magwawala Ka Man Lang...

Sabi daw nila, pag humatsing ang Amerika, magkakasipon ang buong mundo. At hindi lang dahil may recession kami at tumataas na naman ang presyo ng gasolina. Marahil naiimbyerna na din kayo sa mga senior moments ni John McCain at sa pagka-bruha ni Sarah Palin. (Wag na nating banggitin si Barack dito; hindi naman siya perfect, pero hindi kami nate-tempt na sampalin siya tulad ng pagkaimbyerna namin sa Republican version ni GMA.) Marahil gusto na din ninyong sabunutan yung mga cast members ng The Hills at Project Runway. Marahil baka muntik na din ninyong batuhin ng sapatos yung TV ninyo noong binanggit ni Karen Davila ang "sikat na Jonas Brothers" na magiging co-stars ng apo ni Sylvia La Torre doon sa Camp Rock.

Sa mga oras na ito, naaalala ko tuloy yung favorite scene ko sa Temptation Island: "Walang tubig. Walang pagkain. Magsayaw na lang tayo."