Nasa chat kami ng friend kong si Bakekang (longtime readers of Domesticity will know her as Evie) at pinag-uusapan namin, as usual, ang Pinoy pop culture trivia. Nasabi ko kasi na siguro magiging cool kung gumawa ng mga kanta ang mga favorite bands namin na parang mga titles ng mga lumang pelikula. Ewan ko kung paano nag-evolve ang usapan na iyon, pero ito ang tinype ko:
(Kung hindi ninyo nagets ang joke na ito, basahin lang ninyo ang lyrics ng "Sugod." At kung kailangan pa ninyo ng more detailed explanation tungkol diyan eh harangin na lang ninyo si Raimund Marasigan at Mike Dizon sa susunod na bar gig nila... sorry, mas maganda pa kasi ang mga paliwanag nila sa history ng mga pangalang iyan, hehe.)Sandwich: RELASHAUN tapos d/w JOPET, JOPET... PAANO KA GINAWA?
Hayun, punta kami sa Internet Movie Database at naghanap ng mga filmographies ng mga artista. Nagsimula kay Vilma, Nora, Sharon, at Maricel, tapos mga pelikula ni FPJ, Erap, Lito Lapid, Dolphy, Joey de Leon... hanggang nauwi sa page ni Eddie Garcia at biglang humirit si Bakeks:
Radioactive Sago Project: LO(U)RD, BAKIT AKO PA?Gusto ko sanang sabihin na dito nabuo ang concept ng When Baduy Happens, pero sa totoo lang ay matagal na naming binabalak na gawin ito. Hindi lang naman kami ang unang team blog na dedicated lang para sa mga jologs na gawain ng mga artista (see also: Go Fug Yourself). Nagkataon lang na every time na nag-uusap kami ni Bakeks ay palagi na lang nauuwi sa jologs pop trivia ang mga usapan namin, so we thought, Why not share the message with the rest of the world?
Walang jologs na ligtas sa pagiging target ng blog na ito... pero at least ang kaibahan namin kay Mo Twister eh hindi kami interesado sa intrigahan at husgahan. (Come to think of it, pati si Mo Twister ay puwede na rin naming i-target dito...) Ang gusto lang naming gawin ay pagtripan ang mga baduy na nangyari sa buhay nila: mga loveteams na hindi dapat nangyari, mga pelikula/ kanta/music video na kailangan nilang pagsisihan, at siyempre ang pagpapatuloy ng kanilang delusion na sikat pa rin sila at interesado pa rin ang publiko sa kanilang mga ginagawa. (Gretchen Barretto, we are looking straight at you.) Of course, hindi lang naman mga Pilipino ang mahihilig sa baduy, kaya from time to time titingnan din namin ang mga jologs from other countries, lalo na sa States at sa Europe kung saan akala ng mga tao ay may taste talaga sila.
To sum it up: Walang personalan, mga repapips - laugh trip lang.
EDITED 01/16/2006 to add that this blog would not be possible without the help of our hard-working interns (like these two) who help us wade through page after page of jologs material on the Internet. WOOOO!!!!
No comments:
Post a Comment