Saturday, April 7, 2007

When Baduy Happened to Philippine Politics, Part 2: Guilty Feet Have Got No Rhythm

Sabi sa akin ng tatay ko noon, pagdating sa business, walang kaibigan at walang kaaway - puro common interest lang. Kaya nga natatawa ako pag dumadating ang eleksyon dahil naglalabasan ang mga taong hindi natin inaasahan na magiging "magkapartner" sa ikabubuti ng bayan. Tulad ng dalawang ito...



Oy, pasalamat kayo at hindi ako nabilaukan habang pinapanood ko ito sa YouTube, ano? Keyboard + herbal tea + Richard Gomez campaign ad = guaranteed malfunction na hindi madaling mapaayos sa inyong suking Geek Squad.

And speaking of mga bagay na hindi madaling mapaayos, tingnan po natin ang One and Only Dancing Queen of the Philippine Senate...



Hay naku, Tessie, kahit mag-sorry ka pa nang mag-sorry eh parang naglalagay ka lang ng Band-Aid sa isang malaking sugat na hindi gumagaling. Pero if ever na feel ulit ni Tessie na magsayaw, may naisip ako na puwede niyang gamitin na kapartner. Lahat ng sayaw sa mundo kaya niya - chacha, tango, foxtrot, waltz, square dance, line dance, tinikling, singkil, pandango sa ilaw - basta hindi mo siya kinokontra. Heto siya sa kanyang bagong diskarte...



Heto ang tanong ko sa iyo, Tessie: Kung ikaw ang Presidente ng sarili mong bansa, pagkakatiwalaan mo ba ang sarili mo sa lalakeng ito? Thought so.

No comments: