Sunday, July 8, 2007

When Baduy Answers Questions

Balang araw, magkakaroon kami ng sarili naming email account at sarili naming FAQ section para masagot lahat ng mga katanungan ninyo. Yun nga lang, pareho na kaming kayod sa trabaho namin (oo, totoo ngang nagkatrabaho kami pareho... hindi kami puwedeng maging senyorita habang buhay, ano?) at paminsan-minsan ay tinatangay kami ng aming mga sosyal na friends sa iba't ibang mga lakad sa iba't ibang mga exotic resort destinations. In the meantime, try na rin naming sagutin ang ibang mga questions na binabato... excuse me, tinatanong sa amin ng ilang mga readers namin.

- Paano kayo nagsimula mag-ukray ng kabaduyan sa buong mundo?
Ewan. Naging trip lang namin kasi na mag-api ng mga baduy na celebrities. Actually, matagal na kaming nag-uukray ng mga baduy na artista, magmula pa noong bata pa kami at palagi naming nire-raid ang collection ng chismis magazines ng mga katulong at yaya namin. Magkababata kami kaya pareho din kaming na-addict sa That's Entertainment at sa Mellow Touch 94.7 bukod sa aming sobrang kapapanood ng mga sitcom reruns, showbiz talk shows, at mga lumang pelikulang Tagalog na pinapalabas paminsan minsan. Kaya hanggang ngayon, trip pa rin namin.

- So, kung nasa States si Mei at nasa Manila si Bakeks, eh papaano ninyo napagkakasunduan na magsulat sa blog na ito?

Halos araw-araw kaming nagchachat sa Google at sa Yahoo! Messenger. Si Meimei ang taga-ayos ng HTML coding sa mga blog entries, at si Bakeks ang tagakuha ng pictures, pero when it comes to jologs eh collaborative effort iyan sa aming dalawa. Totoo!

- ppanu poh q kau puedeng mging frend kse parang mabait poh U tsaka wala aq friends d2 kse shy aq gus2 q poh din maging frend kau add nu q sa friendster pls!!!!!!!!
Yan na nga ba ang sinasabi namin eh. Kung gusto ninyo kaming maging friends, AYUSIN NINYO ANG GRAMMAR NINYO. Hindi dahil snob kami, ha, pero pareho kaming may professional experience sa pagtuturo ng English Language Learners at mga studyanteng may learning disability. Hindi na namin kaya ang mag-basa ng spelling errors at run-on sentences sa labas ng mga trabaho namin, parang awa ninyo na.

Also: If you're old enough to order a beer, you're old enough to make new friends without us holding your hand and walking you through every step of the way. Hindi na kayo mga batang papasok sa kinder sa first day of school at lalong hindi kami ang mga yaya ninyo. Wag nang mag-inarte na kesyo baka ma-OP kayo cheber cheber.

- ANO BA ITO NABASA KO YUNG SULAT KO SA INYONG ROCK STAR MAILBAG NOONG ISANG BUWAN?!?!?!?!! BAKIT NINYO AKO PINATATAMAAN eh wala naman akong GINAWANG MASAMA SA INYO!!!!!! HUMINGI KAYO NG TAWAD SA AKIN MGA EPAL KAYO!!!
Uy, isa pa ito. Minsan lang kami nag-sorry dahil nga nakilala tuloy ni Bakeks kung sino iyon sa totoong buhay. Otherwise, pagdating sa blog namin eh Walang Sisihan na. At bakit mo pa kailangan kaming sigawan? Hayan, pati mga kapitbahay ko dito sa Honolulu nabibingi sa ka-aabuso ng Caps Lock key mo. Kung may kailangan kang sigawan, doon ka maglabas ng galit sa principal ng school mo kasi mukhang hindi tumatalab sa amin yung pinag-aralan mo sa English. Or, for that matter, Character Education.

- May nakita akong nakakatawang picture habang nasa labas ako. Puwede ko bang ipadala sa inyo?
Aba, puwedeng-puwede iyan! Pero tingnan muna namin kung may paraan para kontakin ninyo kami. Otherwise, mag-iwan lang kayo ng contact info sa comments section at titingnan namin kung puwede naming magamit ang mga pictures ninyo.

- Tumatanggap pa ba kayo ng aplikante para sa Internship Program ninyo?
Sorry, internship positions are no longer available at this time. We will only appoint interns wheneve we deem it necessary.

- So... sino sa inyong dalawa ang manonood ng bagong pelikula ng Transformers?
Si Bakeks, kasi mas matagal na niyang inaabangan iyan. (Si Meimei kasi, kahit noong araw hindi makapanood ng Transformers kasi lalo lang lumalala yung symptoms ng kanyang ADHD... kaya hayan, Ratatouille na lang.)

No comments: