To: Juan Miguel F. Zubiri and Aquilino L. Pimentel III
From: When Baduy Happens
Dear Migz and Koko:
Nabalitaan namin dito na deadlock kayong dalawa para sa 12th place sa Senado. Parang hindi pa rin ma-decide ng Comelec kung sino sa inyong dalawa ang talagang nanalo para sa posisyon na ito. Teka, di ba May pa yung eleksyon? Malapit nang mag-Fourth of July at na-proklama na yung 11 pero hindi pa rin nila makita kung sino sa inyong dalawa ang taga-roundup ng Final 12? ANO BA IYAN?
Alam ninyo, kung kami lang ang masusunod, dapat idaan na lang sa tie-breaker para hindi na nahihirapan ang Comelec dito. Pero hindi lang kahit na anong tie breaker, ha. Ang gusto naming makita ay yung talagang tunay na showdown - yung talagang pagpapakitang-gilas at talino na talagang matatangkilik ng sambayanan.
Marami talaga kaming naisip ni Bakeks na puwede ninyong gawin, pero nag-deadlock din kami.
Gusto sana naming idaan sa essay questions (5 pages or less - one sided, single spaced, 1 inch margin on both sides - following MLA guidelines for presentation and citation) pero nalaspag kaming bigla sa kaiisip ng mga tanong na hindi tungkol sa ikabubuti ng That's Entertainment sa lipunan, or kung sumasang-ayon kayo sa mga pahayag ni ex-Governor Mark Lapid na SAGING LANG ANG MAY PUSO! Hindi din namin alam kung sino sa inyong dalawa ang magaling sa French kasi ipapa-translate namin sana sa inyo ang lyrics ng "Angelina" para hindi na namin kakantahin yung bastos na version.
Inisip din namin na idaan sa karaoke, pero bigla din naming naalala na ex pala ni Migz si Vina Morales. Malay natin, baka alam niya ang tamang kombinasyon ng anabolic steroids at Pei Pah Koa na magpapalakas sa kanyang vocal chords pag tinaasan niya ang boses para sa "Victims of Love." Papayag ba kami na magkaroon ng Senador na gumagamit ng performance enhancing drugs na ganyan? Thought so.
So, without further ado, ito ang solusyon na naisip namin: DANCE PRODUCTION SHOWDOWN. At hindi lang kahit na anong dance-off tulad ni Justin at Britney na ubusan ng sindak sa dance floor - medyo classy pa iyan, at baka mapilitan pa si Tim Yap na pumasok sa pulitika pag yan ang naganap.
Gusto namin yung fully choreographed production number sa Broadway Centrum na may umuusok na dry ice at kumukurap na ilaw tulad ng mga napapanood namin noong araw sa Solid Gold atsaka Saturday Edition ng That's. Dapat yung talagang all-out na may headband, body glitter, tsaka costume na gawa sa makintab at hapit na spandex para hindi kayo mahirapan na magpagulong-gulong sa sahig at gumapang na parang pusang gala na may rabies. Kung kailangan pa ninyo ng back-up para sa inyong mala-VIP Dancers na routine ay puwede ninyong isama si Ralph Recto para mayroon kayong bubuhat-buhatin.
At siyempre, dapat gamitin ninyo ang mga Extended Dance Mix ng mga kanta galing sa playlist na ito. Uy, wag ninyo kaming tingnan ng ganyan! Simulan ninyo sa "Strut" para may warmup kayo, tapos karirin ninyo ng todo-todo yung "Gold," "Twilight Zone," tsaka yung "Xtasi Xtano (Asi Me Gusta a Mi)" para ma-LSS ng todo-todo ang mga nanonood. At kung talagang hindi na ninyo kaya eh daanin na lang ninyo sa live-action sabong to the tune of Ennio Morricone.
O, ano, payag na ba kayo? Magsabi lang kayo at ipapa-TV namin ito ng live! Naka-ready na sina Phil Keoghan at Michael Buffer para sa showdown na ito. Basta wag lang natin kaladkarin dito yung mga political analysts kasi baka magwala ang mga tao.
Two will enter. One will leave...
GAME NA!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment