Saturday, July 9, 2011

Temptation Island, Pt. 1: A Comparative Study

Kapapanood lang namin ni Bakeks doon sa remake ng Temptation Island. 


Ganito sila noon:


Heto sila ngayon:


Siyempre, nothing beats the original talaga. Mas malutong ang mga hirit doon. Mas magaling umarte (at mas maangas tingnan) yung mga boys. Mas gusto pa rin namin ang word na "stariray." Ang Joshua nila ay ang walang kupas na si Jonas Sebastian, na kahit baklang-bakla siya eh hindi pa rin siya bihis drag-queen. At syempre, wala pa ring tatalo sa delivery ni Azenith doon sa "walang tubig, walang pagkain" monologue.

That's not to say na wala kaming nagustuhan doon sa bago. Nakakatuwa pa rin si Rufa Mae, kahit na walang tigil ang pag-flash niya ng cleavage doon sa mga eksena niya. Natuwa din kami kay Solenn kahit na ganoon ang accent niya. (Girlcrush ng bayan iyan, oy.)  Bagay pala kay Marian ang gumanap ng "big time" na pokpok. And - unpopular opinion ahead! - mas gusto namin ang ending nito. Hindi yung part ng ending na may fasyon show churvachenes, kundi yung pinaka-ending ending mismo. Walang echapuwera!

(Nagustuhan din namin ang guest appearances nila Deborah Sun at Azenith Briones dito. OK lang na maintindihan namin kung wala si Bambi at si Jennifer - mga Binibining Pilipinas yan, oy - pero... why, Dina Bonnevie, why? Namimiss ka na namin!)

To conclude: Mas gusto pa rin namin ang orig.

That said... hindi pa rin nagtatapos ang coverage namin ng Temptation Island! ABANGAN!

No comments: