Soooo..... heto na. Dahil nagustuhan namin yung girls ng Temptation Island remake (pero hindi yung guys), heto yung mga leading men na sana nakita na lang namin doon sa remake.
Joshua:
"Parang kahapon lang ay kumakain ako ng fried chicken and cold gin pomelo..."
Ricardo:
"Hoy bakla! Manood ka!" (Manood ng mga concerts, videos, telenovela...)
Umberto:
"Lead singer lang po ako ng 6CycleMind. Pero kayo po, supermodel..."
Alfredo:
Aminin na ninyo, mukhang virgin pa ito!
(Pero jack-en-poy sila ni Ned Stephenson ng Philippine Volcanoes.)
At! Special special unbilled surprise guest cameo appearance...
Kapapanood lang namin ni Bakeks doon sa remake ng Temptation Island.
Ganito sila noon:
Heto sila ngayon:
Siyempre, nothing beats the original talaga. Mas malutong ang mga hirit doon. Mas magaling umarte (at mas maangas tingnan) yung mga boys. Mas gusto pa rin namin ang word na "stariray." Ang Joshua nila ay ang walang kupas na si Jonas Sebastian, na kahit baklang-bakla siya eh hindi pa rin siya bihis drag-queen. At syempre, wala pa ring tatalo sa delivery ni Azenith doon sa "walang tubig, walang pagkain" monologue.
That's not to say na wala kaming nagustuhan doon sa bago. Nakakatuwa pa rin si Rufa Mae, kahit na walang tigil ang pag-flash niya ng cleavage doon sa mga eksena niya. Natuwa din kami kay Solenn kahit na ganoon ang accent niya. (Girlcrush ng bayan iyan, oy.) Bagay pala kay Marian ang gumanap ng "big time" na pokpok. And - unpopular opinion ahead! - mas gusto namin ang ending nito. Hindi yung part ng ending na may fasyon show churvachenes, kundi yung pinaka-ending ending mismo. Walang echapuwera!
(Nagustuhan din namin ang guest appearances nila Deborah Sun at Azenith Briones dito. OK lang na maintindihan namin kung wala si Bambi at si Jennifer - mga Binibining Pilipinas yan, oy - pero... why, DinaBonnevie, why? Namimiss ka na namin!)
To conclude: Mas gusto pa rin namin ang orig.
That said... hindi pa rin nagtatapos ang coverage namin ng Temptation Island! ABANGAN!
*Photo credits: Madali pong mahanap yung mga karatula ni Dingdong sa Internet. Itong mga pix ng Philippine Volcanoes, dinaan na lang namin sa screen captures dahil ayaw naming masabunutan. Sorry!
Don't get us wrong - we love a lot of the baduy stuff that comes from the Philippines, tulad ng mga novelty songs, melodramatic movies, at cheesetastic music videos. Pero minsan lang talaga may mga oras kung kailan talagang toxic ang mga levels ng kabaduyan sa mundong ito, to the point na naghahari ang mga jologs at nababawasan ang mga pagkakataon para makilala ng mundo ang mga tunay na astig na galing Pilipinas. Simple lang talaga ang aming layunin sa blog na ito: ang paglantad ang kabaduyan sa mundo... one person at a time. Besides, if you're going to be baduy anyway, you might as well do it right.