Once upon a time, mahilig akong tumambay sa The Sharper Image para magpamasahe doon sa display models ng mga massage chair sa tindahan nila. (Kung ikaw ba naman, magkaroon ka ng pagkakataong masubukan ito at makatipid sa pambayad ng masahista for 20 minutes...) Noong araw kasi, doon kasi sa Sharper Image binebenta ang lahat ng mga pinaka-high tech na regalong panindak. Kaya imagine-in na lang ninyo ako noong nagpamasahe ako sa Sharper Image at nakita ko ito sa totoong buhay:
Mga repapips, hindi ako nagbibiro. Akala ko kasi joke lang ito para sa mga taong nagbabasa ng SkyMall (aka yung magazine sa eroplano na parang mail-order catalog ng mga jologs housewares) sa sobrang kabaduyan ng concept na ito. Isipin na lang ninyo ang shock ko noong nakita ko ito sa totoong buhay: Nagsasalita si Elvis! Kumakanta! Sumasayaw! Puwede rin kayong mag-duet! Parang mannequin sa Shoemart na kinabitan ng Xtreme Magic Sing!
(Pustahan tayo: Kung meron kayo nito, kabitan ninyo ng memory card galing sa Magic Sing tapos ilagay ninyo si Elvis sa duet mode at pakantahin ninyo ng Greatest Hits ni Manny Pacquiao. Benta!)
Pero teka... Sabi nila, "lifelike" daw ito kasi kuhang-kuha daw nito yung tunay na hitsura ni Elvis Presley. Talaga? Kasi pag nakikita ko ito sa tindahan, hindi si Elvis ang nakikita ko. Ang naiisip ko, ito ang magiging hitsura ni Robin Padilla pag sabay siyang pinagtripan nila Vicki Belo at Fanny Serrano para sa photo shoot.
Para sa mga taong nagbabasa ng blog na ito na nakabili na ng kanilang sariling animatronic robot ni Elvis, I have news for you: You're caught in a trap. You can't walk out. 'Cause you've just wasted money, baby.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment