Saturday, May 19, 2007

Isang Buwan,Dalawang Haligi


Dear Kuya Cesar,

Noong isang araw lang ay pinaguusapan namin kayo ni Meimei.Nakakalungkot naman po na mawawala na pala kayo.Gusto po naming magpasalamat sa pagpapatawa at pagpapasaya nyo sa amin simula noong bata pa kami.Kuya Cesar,tingnan nyo po yung video ng balita tungkol sa inyo sa TV Patrol...





Na-extra pa ang mga natalong politiko na nilalait namin.Habang pinapanood po namin ito ay napangiti nyo pa rin po kami kahit na malungkot na balita ang kasunod.Nanghihinayang po kami na wala na kayo.Hindi na po matutupad ang pangarap naming maka-jam ninyo si Gloc 9 at Francis M para sa isang tribute sa inyo.Kakaiba po talaga ang style ninyo.Nag-iisa po kayo Kuya Cesar.

Bago po ako magpaalam sa inyo ay nais ko pong ikwento sa inyo ang isang joke na lumang luma na pero benta pa din.

Si Kuya Cesar daw nagbebenta ng encyclopedia.Para makabenta ganito ang sinasabi nya:

Kuya Cesar:SI.GE.KA.PAG.DI.KA.BU.MI.LI.SA.A.KIN.BA.BA.SA.HIN.KO.NA.LANG.SA.YO.


Hanggang sa muli...Paalam po.










Mahal kong Yoyoy,

Hindi po ako mahilig sa novelty singers pwera lang po sa inyo.Ang dahilan:marami po akong natutunan sa inyo.Katulad po nito:



Dahil po sa inyo ay nasaulo ko ang mapa ng Pilipinas para sa isang exam noong Grade 5 ako.Palagay ko po ito ang naging inspiration ng "DV" na ginawa ng Cambio.(http://www.metrolyrics.com/lyrics/278115882/Cambio/DV)

Natuto din po ako tungkol sa History:




Physical Education:



Ang galing nyo magsulat ng kanta na tagalog version ng "Let's Get Physical" ni Olivia Newton-John.

Music:



at higit sa lahat,Chinese:



Dapat may tribute album din po sa inyo.O maka-jam nyo man lang sana ang mga astig na banda natin ngayon katulad sa NU Rock Awards.Pero huli na po ang lahat...Maraming salamat po.