Wednesday, February 7, 2007

Bakeks' and Meimei's Video Okrayan A-Go-Go:THE ASAP 07 CHRONICLES

EDITED 03/21/2007: Mukhang pinatanggal na yung video na ito sa YouTube ng original poster, kaya hindi na ninyo mapapanood ito ulit. Waaahhhh! Pero OK lang yan - marami pa namang ibang pagkakataon... - Meimei

Shoutout to our friend T., who first alerted us to the presence of this horrific spectacle. Pinoy NIGHTMARE Academy, indeed!

Part 1: "Awit ng Barkada" by Itchyworms with Panky
Summary: Pinakanta nila si Panky. Ewan ko kung nagpapaka-rock si Panky pero wala sa tono ang boses niya at trying hard na gawing astig ang "Awit ng Barkada." Siyempre dahil professional ang Itchyworms eh pinayagan na nilang kumanta...


Meimei: Anak ni Meatloaf.
Bakeks: Anak sa labas ni Meatloaf at ni Jack Black!
Meimei: (lol) OO NGA!WAAAAAAAAAAHHH!
Bakeks:ANG ARTE NI PANKY!PA-DIVA EFEK!
Meimei:PA-SAMPAGUITA EFEK kamo
Bakeks:PA-JAZZ EFEK!INIBA ANG TONO!EEEWWWWWW!SABLAY!!!! NAKAKAHIYA SA ITCHYWORMS AT SA APO
Meimei:Mukhang nagbeerhouse nga ito nung Sabado ng gabi
Bakeks:Panky:Wow lashog pa ako pero kelangan ko kumanta sa ASAP! Pare nasa isip ko pa yung babaeng sumasayaw sa harap ko kagabi sa Air Force One
Meimei:Hindi man lang nagkape,nag pandesal
Bakeks:Direcho sa studio.WALANG MUMUGAN!
Meimei:Amoy yosi pa.
Bakeks:Habang kumakanta siya naiisip nya "JUGS!ANG GANDA NG PANGALAN.JUGS!"
Meimei:IT'S DYOOGS,NOT JUGGS
Bakeks:Nasa ibang mundo sya.Yung katawan nya nasa ASAP,yung isip nasa Air Force One.
Meimei:Hehe.Kasi iniisip ni Panky yung JUGGS ng dancer na pinanood nya kagabi. Waiter,isa pa ngang beer!
Bakeks:SAGOT KO TO!
Meimei:HOY,KILALA MO BA AKO?AKO SI JUGS JUGUETA NG ITCHYWORMS!HINDI MO AKO DAPAT UTUS-UTUSAN!
Bakeks: next time pakantahin natin yung banda naman ng kanta nila christian bautista. Tingnan mo lang. Ang point ko kaya nilang gawan ng sariling interpretasyon pero etong mga taga PDA at mga singing champions di kaya sumabay sa banda
Meimei: Yown nga ang sabi ng kaibigan kong taga-Cebu sa akin eh. iba ang pagkanta na kasama ang banda kaysa sa pagkanta na kasama ang minus one. Pag banda kasi dapat nasa tono at kasabay ng instruments.
Bakeks: mas mabuti pa patawa na lang ang interpretation mo kesa sa give na give na sablay naman.Yung feeling mo ang galing galing mo pero sagwa ng tunog.Pakulot kulot pa ng boses ala Vina.NYIIIIIII.Maganda na yung message ng kanta hindi na kelangang artehan ang boses.

Syempre, naisip namin na mas kaya pa namin ni Mei kantahin ito kahit walang rehearsal. So ito ang ginawa namin...

Bakeks: Nakasimangot ka na lang palagi(EH PAPANO BINABOY MO YUNG KANTA---JUGS)

Meimei:Parang ikaw lang ang nagmamay-ari ng lahat ng sama ng loob(DAHIL HINDI IKAW ANG NANALO SA PDA-- JAZZ)
Bakeks:Pagmumukha mo ay hindi maipinta(KUNG SINO ANG MAS KAMUKHA,SI MEATLOAF, SI URSULA, O SI JACK BLACK---CHINO)
Meimei:Nakalimutan mo na bang tumawa(SIYEMPRE, KASI NAPAPAIYAK AKO NITO -- KELVIN)
Bakeks: Isusubasob ko ang MUKHA MO SA LUPA! (KERWIN ROSETE---MANAGER OF ITCHYWORMS AND PRODUCER OF KAMINAPO MUNA ALBUM)
Bakeks: Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo (SA AIR FORCE ONE KAGABI KASI HINDI NAKAPICKUP NG CHICK SI PANKY)
Meimei:Ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro (SINABI PA NINYO - RAIMUND AND BUDDY, MGA PRODUCERS NG ITCHYWORMS)
Bakeks:Nandirito kami ang barkada mong tunay aawit sa iyo (MGA BEBOTS SA PEGASUS NA NAGHIHINTAY NA MAPICKUP)
Meimei:Sa lungkot at ligaya hirap at ligaya, hirap at ginhawa kami'y kasama mo (WALA NA KAMING MAGAGAWA KUNG WALA KA PA RIN SA TONO - ITCHYWORMS)

Part 2: "Yakap sa Dilim" by Orange and Lemons with Yeng Constantino
Summary: Habang kaduet ni Yeng si Mcoy Fundales ay nakalimutan niya ang mga importanteng linya ng kanta, at panay sala ang cue. Gaya ng sinabi ni Meimei sa simula, medyo pa-sexy ang efek ng boses ni Yeng a la Lani Misalucha. Heto ang theory namin ni Meimei kung ano ang talagang nangyari kay Yeng sa oras na iyon...

Meimei: Ayos, nandito na ang cue ko. paseksihin ko na. ito ang aking Lani Misalucha tribute kasi babalik siya sa ASAP next month.
Bakeks: kaya nakalimutan ang lyrics tol kasi kinikilig. ONL IS SO HOT RIGHT NOW!
Meimei: ang ganda ganda ng skin ni Clem. ang kinis-kinis. ano kaya hitsura niya na walang salamin?
Bakeks: Type ko talaga yung mga chinito.weakness ko yown....(tapos mangangarap na ng itsura ng mga anak)
Meimei: Yeng Castro. Mrs. Yeng Castro. Mrs. Yeng Constantino Castro. Mr. & Mrs. Clem Castro. HAWAK KAMAY kami ni Clem, all the time!
Bakeks: Mrs. Marco Fundales! Pag nagasawa kami hyphenated ang name ko.hindi ako papayag na Constantino pa din.
Meimei: maganda ang sound ng YENG FUNDALES.
Bakeks: AT TSAKA WE HAVE SOMETHING IN COMMON!BAHAY NI KUYA!WEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!! PINOY BIG BROTHER DREAM ACADEMY.PWEDENG PWEDE KAMI MAG-MERGE!MERGE AS IN KASAL
Meimei: Gusto ko maging tunay na Rock Star Girlfriend tulad ni Kristine Hermosa, Heart Evangelista, Kaye Abad at KC Concepcion. Tapos gusto ko si Kuya Champ ang kakanta sa wedding namin. AYOS! Parang debut ko ulet. Tapos ipapalabas sa Kapamilya ang aming kasal. Gusto ko si Boy Abunda ang ninong namin
Bakeks: Ganito din ang cut ng damit ko sa reception namin.
Meimei: Yung makintab na tela tapos malaking shoulder pads na mukha akong space alien. Or MANSTER. Ayoko kasing makita ng future husband ang katawan ko bago ng wedding night
Bakeks: IM PURE
Meimei: Tingnan mo ako, napaka-pure ng image ko. kaya ako sumablay doon sa lyrics tungkol sa sigarilyo. Bakit ba dapat ako magsigarilyo muna bago magpayakap sa dilim?
Bakeks: I don't smoke kasi. It's baadd
Meimei: It’s so bad kasi for my voice, which is my investment
Bakeks: Tapos yakap sa dilim pa yung title.virgin pa ako hindi ko pa alam yun.sabi ng mom ko masama daw sumama sa lalake sa madidilim na lugar
Meimei: oo nga eh. kaya nga wala akong mga sinasamahang boys doon sa PDA
Bakeks: kasi IM PURE.
Meimei: Yuck, bakit nagtatawanan ang mga tao pag binabanggit ko ang PDA? Bakit, bastos ba yon?
Bakeks: what is PDA ba?yung hugging and kissing kissing sa harap ng ibang tao?what's it like? Siguro pag nagkatuluyan kami ni clem at mcoy ...
Meimei: Masarap siguro matikman kung sila ang kasama ko...
Bakeks: HINDI KO PIPIGILIN KUNG NAIS MAPALUHA?bakit ako iiyak? Ahhh siguro kasi malulungkot ako kasi hindi na ako sa amin titira pag nagasawa na kami…
Meimei: Di ba pag in love ka dapat maligaya ka? Eh bakit ako iiyak?
Bakeks: NAKAW NA SANDALI?sabi ni daddy masama daw kumuha ng gamit ng ibang tao
Meimei: At bakit masarap kung ninakaw mo yung sandali? Sana si Kuya Champ na lang ang nakaduet ko. kasi kung ano-anong mga bad ang naiisip ko pag kasama ko si Mcoy.
Bakeks: Gusto ko kantahin ni kuya champ yung waltz sa akin
Meimei: At least si Champ gentleman iyon at hindi nag-aabala ng babae… Hay. ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi ko nakaduet si Kuya Jay ng Kamikazee. Mukhang nambabastos iyon. Hindi gentleman...

Part 3: "Doo Bidoo" by Kamikazee with Jay-R Siaboc
Hindi na namin pinanood ito. Nasusuka na kasi kami doon sa nangyari kay Yeng at Panky kaya nawala na kami sa mood na tapusin ang video na ito.

So, mga bata, ano kaya ang Moral Lessons natin dito?

Meimei: HUWAG UMEPAL SA BANDA KUNG WALA KANG K
Bakeks: WAG GUMIMIK SA GABI
Meimei: wag masilaw sa kaguwapuhan ng band na kasama mo
Bakeks: PAGARALAN NG MABUTI ANG KANTA
Meimei: Yun din pati!
Bakeks: WAG PUMASOK NG LASING. PAG MABABA ANG TONO,BABAAN ANG BOSES
Meimei: At kung 18 years old ka lang at walang kamuang-muang, huwag kumanta ng kantang may double meaning
Bakeks: YUNG BANDA ANG BIDA, HINDI IKAW. MAKIBAKA,WAG MANGBABOY
Meimei: AMEN!

1 comment:

antonette said...

ahaha ang kulet niyo lintek. haha!