Tuesday, September 29, 2009

WBH Media School, Ondoy Edition: Lesson # 565

Kung ang pangalan mo ay nadawit sa isang kahiya-hiyang iskandalo - lalo na kung ikaw ay nahuling nagmamata-pobre sa kapwa mong Pilipino - HUWAG na HUWAG mong gagamitin ang mga salitang ito:
"I'm a victim too."
Seriously: The damage has already been done. Para kang isang estudyante na palaging nasisigawan ng teacher sa classroom: kahit na hindi ikaw ang gumawa ng masama, ang mukha mo pa rin ang naka-tattoo sa utak ng maestra mo. Huwag mo na ring asahan ang mga kaibigan mo na mag-tanggol sa iyo, dahil pag-iinitan din sila. Hangga't hindi ka umaayos sa sarili mo, ikaw pa rin ang pagagalitan.

Mabuti pa, kesyo ikaw talaga ang biktima dito o hindi, ito na lang ang sabihin mo:
I'M SORRY.
Learn it, live it, let it be the first thing that comes out of your mouth. Dahil pangalan mo ang nadawit sa malaking iskandalo. Dahil mukha mo ang naalala ng mga taong galit sa iyo. Kung nagpakakumbaba ka naman magmula't sapol eh di sana hindi ka na nadamay sa kalokohang ito. Mag-sorry ka na lang dahil mas mahirap ang magpatawad ng taong palaging may palusot.

See also: Fajardo, Boyet; and Bermejo, Jacque.

No comments: