Saturday, July 12, 2008

When Reunion Happens: Combo on the Run

Dear mysterious unnamed promoter(s) ng napipintong reunion ng isang Band Who Shall Not Be Named (unless gusto talaga naming maglaho ang blog na ito tulad ng paglaho ng ChikaTime):

Congratulations. Nasusunog na ang Metro Manila sa balitang pinakalat ninyo sa madla ngayong weekend na ito. Natalbugan pa ninyo sa pasabog yung hype para sa concert ni Rick Astley na inaabang-abangan pa naman ni Manay Bakeks.

If this is your brilliant idea of a nationwide hoax, congratulations na din. Kung ako sa inyo, at hindi ninyo natupad itong mga pinapangako ninyo, mag-hunos-dili na kayo. Bumili na kayo ng one-way ticket papuntang Antarctica. Magpa-appointment na kayo sa Belo Med para magpa-retoke ng hitsura. Baka wala na kayong mukhang maihaharap sa buong mundo pag hindi ito nangyari. At kung meron man, eh dapat kayo na lang ang ipalit kay Dingdong Dantes sa karatula ng Bench sa laki ba naman ng inyong...

At kung totoo man ito, heto ang mai-sa-suggest ko sa inyo:

1) Sabi ninyo libre daw ang mga ticket, basta mai-download lang ng mga tao doon sa website ninyo. First of all, mag-invest na kayo sa IT department ng opisina ninyo, dahil tiyak na mawawasak ang website sa dami ng mga taong magla-login para maka-score ng ticket.

2) Also, kung magpapa-giveaway man lang kayo, tumulad kayo sa mga example ng mga fashyown magazines tulad ng Allure: Magpamigay nga kayo ng ticket, pero sabihin ninyo na available lang ito sa isang araw para sa kahit na sinong magla-login pagdating ng, say, eksaktong 12 noon Philippine Standard Time. Siyempre bababa ang mga ratings ng lahat ng TV stations sa Pilipinas pag nangyari iyan, pero masisisi mo ba sila?

3) Speaking of which: Hindi na ninyo kailangang iharap ang buong banda sa iba't ibang mga palabas sa TV para i-promote ang concert. Tingnan ninyo, Multiply pa lang kumalat na ang balita. Hindi na ninyo kailangan ng promotion. Sabihin na lang ninyo sa Kapamilya at Kapuso na itutok na lang nila ang mga news cameras nila sa CCP at ihanda na nila ang live satellite feed.

4) Pumunta kayo sa Malacanang at ilabas na ninyo ang lahat na nalalaman ninyo tungkol sa Abu Sayyaf, Jemaah Islamiyah, Magdalo, Gucci Gang, at iba't ibang mga salot sa buong Pilipinas para hindi sila magwala sa 8/30/08. Tutal, kung nakuha ninyo yung mga band members na ito na itabi nila ang kanilang mga drama para lang mag-concert, wala na sa vocabulary ninyo ang definition ng "impossible" at "unthinkable," hindi ba?

5) Also, magpalipad na kayo ng mga baboy, maglakad na kayo sa Manila Bay, at sabihin na ninyo kay Boy Abunda na kukunin ko na siyang ninong sa kasal namin ni Edward Norton. Walang imposible!

6) Hanapin na ninyo ang pinakamalapit na ospital sa Pasay City. Sabihin ninyo na hindi lang first aid station at emergency crew ang kailangan ninyo - dapat may mga on-call din na grief counselors, cardiologists, gastroentrologists, neurologists, physical therapists, et cetera. Pag may umatras, nagkasakit, whatever - at least may matatakbuhan!

7) Or, mabuti pa, siguraduhin na ninyo na hindi mangyayari iyan. Papirmahin na ninyo ng kontrata yung banda, at bayaran ninyo sila nang mabuti para may insurance. Ipa-counseling ninyo kung hindi pa tapos yung dramahan nila. Mag-recommend na kayo ng nutritionist at personal trainer para fit and healthy silang lahat. At kung matatraffic man lang sila... well, ilabas na ninyo yung helicopter. [HINT HINT.]

8) Security, security, security.

9) Piliin ninyo ang mga sponsors ninyo ng mabuti. Alam na din ninyo kung bakit.

10) I've said it before, and I'll say it again: Kung mag-o-opening act man lang kayo, may I suggest na pag-hubarin na lang ninyo sa stage yung mga pogi na gitarista at bahista doon sa mga bandang iniwanan ng mag-re-reunite na combo na ito? Hindi ko na kailangang ibigay yung pangalan dahil alam naman natin kung sino yung mga pogi na tinutukoy ko dito. HAHAHA!!!

Labs,

When Baduy Happens

No comments: