Wednesday, June 4, 2008

The Rock and Roll Hall of Fame: Hanep Pumorma, Walang Kokontra

Kagagaling lang ng Ate Mei at Ate Scribe ninyo dito sa Rock and Roll Hall of Fame Museum. Kung kayo ay rock fan katulad namin, titirik ang mga mata ninyo sa kaligayahan dahil ang gaganda ng mga exhibit dito. Napaluhod ang lola ninyo noong nakita niya yung mga actual costumes nila Bono, Madonna at Freddie Mercury. In fact, noong pumasok kami sa exhibit ng The Doors, bigla akong tumingin kay Scribe at sinabi ko, "Kulang na lang dito yung juts tsaka Nag Champa, para mare-create yung high school years natin full-on pehips efek."

Kahit anong trip ninyo pagdating sa rock - classic, bluesy, glam, grunge, alternative, hip-hop, emo, etc. - siguradong makalaglag-panty at makalaglag-brip ang mga collection nila dito.

And speaking of makalaglag-panty: May nakita kasi kami ni Scribe na parang kamukha nitong isang artista. Akala namin kamukha lang kasi nakasakay na kami sa escalator noong naispatan namin kaya hindi namin namukhaan ng maigi - that, and the fact na mukhang papunta yata sa CR. Pero, habang naglalakad naman itong target namin, bigla namin nakita yung mga badigargoyles na naka-cellphone at yung mga PR na pabuntot-buntot. Saka namin nalaman na siya nga talaga...

EDWARD NORTON!!!

Ang tangkad tangkad mo! Ang ganda ganda ng hair mo!

Sayang lang at pinalayas kami ng mga PR mo dahil hanggang 5 PM lang ang public hours at hindi naman kami inimbitang umepal doon sa private function chorva na sineset-up nila doon sa baba.

Pero... KAHIT! Wala akong pakialam kung mag-flop ang Incredible Hulk -- basta:

ANAKAN MO NA AKO!!!

(pauses to catch breath, dahil biglang natakot si Kittensley sa akin)

1 comment:

Anonymous said...

dood...the bodyguards...the hair...the profile...the stammering...it did seem like ed was in the house!