Thursday, April 3, 2008

Thirty-Three Inches of Weng (Weng)

Usually, ang hitsura ng WBH Headquarters pagkatapos ng April Fool's Day ay parang Lunes ng umaga sa Las Vegas: tahimik, pero makalat dahil sa dami ng mga senglot na hung over pa rin at pagala-gala lang. Minsan nakakalimutan lang namin talaga na atupagin ang trabaho namin - masisisi ba ninyo kami? Uy, don't look at us like that, ha? Like you've never gone to work totally wasak after partying all night at the Bellagio with sina Bryanboy.

Yun nga lang, habang nandito lang kami sa opisina na naglalamyerda, hindi namin napansin na dumami na pala ang mga pelikulang Tagalog sa Netflix. And we're not talking about the award-winning, critically-acclaimed cinematic masterpieces, ha. Akalain mo ba, hanggang dito ba naman sa Tah-teh eh malalaman pa namin na ni-release na sa DVD ang aming mga Absolute Favorite Movies EVER, tulad ng Temptation Island at Apoy sa Dibdib ng Samar?

Pero ang entry na ito ay hindi tungkol kay Mark Lapid at ang kanyang saging, or tungkol sa mga mahaderang beauty queen na na-stranded sa isla na walang tubig, pagkain, or Josh Holloway. Nope - ang entry na ito ay tungkol sa isa sa mga bonafide Filipino superstars of the '70s and '80s - na sa sobrang lakas ng appeal niya sa mga international audiences ay puro English ang dialogue ng mga pelikula ninya.

Ladies and gentlemen, we give you... WENG WENG.




1 comment:

Anonymous said...

weng weng!!!!!!!!! the clip that rendered my husband speechless at his workplace...