Wednesday, October 3, 2007

Kaya Nga May "Desperate" Yung Title ng Palabas, Eh




Hindi man ako nanonood ng Desperate Housewives eh obligado pa rin ako na mag-lait ngayon na nilagay nila sa script na ayaw daw ng character ni Teri Hatcher ng doktor na galing daw sa mumurahing med school sa Pilipinas. Siyempre, ayoko namang palakihin ang isyu...

...pero alin ang mas masakit: na ginamit ito sa season premiere ng Desperate Housewives... or ginamit ang linyang ito para ipakilala ANG LALAKENG ITO!?!?!?!!




Hello, Nathan Fillion. Alam ko na nag-flop sa ratings ang lahat ng mga TV shows na nilalabasan mo. Ayoko man manood ng Desperate Housewives para masilayan ang pagka-fafa mo, pero masaya ako dahil bagama't ginawa na nila ikaw na cast member ngayong season na ito ay alam kong palubog na ang lahat magmula dito.


Next up: Puwede ka bang mag-guest star sa CSI: Miami? Kahit lumabas ka lang ng sandali para halbutin yung shades ni David Caruso, masaya na ako. Tapos nito puwede ka bang pumunta sa Pilipinas para maging contestant sa Wowowwee para mapahiya na nang tuluyan si Willie Revillame? Tapos isama mo sina Teri Hatcher at ang buong writing staff ng Desperate Housewives para lalong maging masaya. Pag nagawa mo lahat na iyan, puwede na tayong magpakasal. Or at least mag-[censored kasi baka biglang maglaho ang blog na ito]


No comments: