Tuesday, August 28, 2007

Maibang Banda NAPO Ulit Sana

Just so you know: Mahal na mahal namin ang APO Hiking Society. Kaya nga kami bumili ni Bakeks ng front seats sa unang concert ng KamiNAPO Muna dahil mahal na mahal namin ang bandang ito. (Well, sila at yung ibang mga banda na tumugtog, kung saan na-LSS kaming lahat.) Kaya siyempre natuwa kami noong nalaman namin na may Part 2 ang album na iyon.... at umulit yung ibang mga paboritong banda namin.

Pero hindi ibig sabihin nito eh hindi namin puwedeng ukrayin ang mga nakasama sa KamiNAPO Muna Ulit. Tulad ng mga ito...




Nakikita ba ninyo ito? Kaya nga ang nickname ng bandang ito sa headquarters ng When Baduy Happens ay SHAMEROCK. Yes, alam namin na may mga friends sila dito na nagbabasa ng blog namin... at wala kaming pakialam, dahil binigay sa kanila ang kantang sinulat ng APO para kay Jaime Garchitorena. Jaime Garchitorena! At hindi lang iyon, kinanta ito ni Jaime Garchitorena para sa commercial ng Close-Up! Imagine-in na lang ninyo kung magkakaroon ng tribute album para sa The Dawn tapos ibibigay nila yung "Kasama sa Tagumpay" sa Cueshe - ganoon ang efek nito.

(On the other hand: Ang ganda ng pambanlaw-utak sa katapusan ng video na ito! POCHOY! ANG GUWAPO MO! MAG-INTERN KA NA SA AMIN!)

Speaking of kajologan...



Really? Si JAY-R ng Pinoy Nightmare Dream Academy ang pinakanta ng "Suntok sa Buwan"? Oo, alam namin na ABS-CBN ang may pakana ng album na ito, pero... really? Sabi nga ni Bakeks, "Bakit? Hindi ba available yung kumanta ng theme song ng Sweepstakes?"

I mean... really. Hindi araw-araw na napapatameme ang Ate Mei ninyo sa sobrang pagka-WTF ng mga pangyayaring ito. Incredible.

No comments: