Saturday, May 19, 2007
Isang Buwan,Dalawang Haligi
Dear Kuya Cesar,
Noong isang araw lang ay pinaguusapan namin kayo ni Meimei.Nakakalungkot naman po na mawawala na pala kayo.Gusto po naming magpasalamat sa pagpapatawa at pagpapasaya nyo sa amin simula noong bata pa kami.Kuya Cesar,tingnan nyo po yung video ng balita tungkol sa inyo sa TV Patrol...
Na-extra pa ang mga natalong politiko na nilalait namin.Habang pinapanood po namin ito ay napangiti nyo pa rin po kami kahit na malungkot na balita ang kasunod.Nanghihinayang po kami na wala na kayo.Hindi na po matutupad ang pangarap naming maka-jam ninyo si Gloc 9 at Francis M para sa isang tribute sa inyo.Kakaiba po talaga ang style ninyo.Nag-iisa po kayo Kuya Cesar.
Bago po ako magpaalam sa inyo ay nais ko pong ikwento sa inyo ang isang joke na lumang luma na pero benta pa din.
Si Kuya Cesar daw nagbebenta ng encyclopedia.Para makabenta ganito ang sinasabi nya:
Kuya Cesar:SI.GE.KA.PAG.DI.KA.BU.MI.LI.SA.A.KIN.BA.BA.SA.HIN.KO.NA.LANG.SA.YO.
Hanggang sa muli...Paalam po.
Mahal kong Yoyoy,
Hindi po ako mahilig sa novelty singers pwera lang po sa inyo.Ang dahilan:marami po akong natutunan sa inyo.Katulad po nito:
Dahil po sa inyo ay nasaulo ko ang mapa ng Pilipinas para sa isang exam noong Grade 5 ako.Palagay ko po ito ang naging inspiration ng "DV" na ginawa ng Cambio.(http://www.metrolyrics.com/lyrics/278115882/Cambio/DV)
Natuto din po ako tungkol sa History:
Physical Education:
Ang galing nyo magsulat ng kanta na tagalog version ng "Let's Get Physical" ni Olivia Newton-John.
Music:
at higit sa lahat,Chinese:
Dapat may tribute album din po sa inyo.O maka-jam nyo man lang sana ang mga astig na banda natin ngayon katulad sa NU Rock Awards.Pero huli na po ang lahat...Maraming salamat po.
Tuesday, May 15, 2007
Are You Now, or Have You Ever Been...
Once again, ayaw namin palampasin ang pagkakataong banggitin ang iskandalong ito. On the one hand, hindi nakakatawa ang divorce or domestic violence, lalo na pag may anak na yung mga involved. But, on the other hand... Ruffa, who isn't exactly as good as an actress as she thinks she is, kasi otherwise hindi siya magiging walking target na katulad nina Kris or Gretchen. Tandaan po ninyo, kung pati na ang ermats ni Ruffa mismo nagsasabi na sa kanya na "Napaka-plastic mo, day!" eh papaano na kami dito sa When Baduy Happens?
Kaya ang Lesson for the Day natin, mga kaibigan, ay ang equation na ito:
If COMEDY = Tragedy + time,
then
SCHAEDENFREUDE = Tragedy + endorsements + Boy Abunda x (live audience).
Shout out to our friend MP, who alerted us to this video via a link from chuvaness.livejournal.com.
Sunday, May 13, 2007
Wow, Pare, HASSELHOFF!
Yes, alam namin na mukhang kawawa si David Hasselhoff sa video na ito. Kaya hindi namin ito uukrayin sa blog na ito.
Then again, matagal na namin alam na mangyayari ito eh. Want proof? Tingnan lang natin ang susunod na video...
Seriously, hindi namin alam kung sino ang mas nakakaloka sa video na ito: si Hasselhoff, na pumayag sa duet na ito, or si Regine Velasquez, na halos hindi na namin makilala. (Vicki Belo, ikaw ba iyan?)
At heto naman ang notorious "Crying Hasselhoff" moment noong nanalo si Taylor Hicks sa American Idol. Ayokong sabihin kung sabog siya or hindi dito (although kung ako ang tatanungin ninyo, palagay ko obvious naman ang sagot diyan) pero gusto ko talaga malaman kung ano ang iniiyak-iyak niya dito. Fan ba siya ni Katharine McPhee? Na-touch ba siya sa lyrics ng "Do I Make You Proud"? Or baka pinagluluksaan lang niya ang career niya? Sabagay, iiyak din kami pag naalala namin na hindi na namin nakilala ang pagmumukha ni Regine noong nakaduet namin siya. Huhuhu.
Either way, sana magpatingin - at magpagaling - na siya.
Saturday, May 12, 2007
When Baduy Happened to Philippine Politics,Part 8:Who's Your Baby Mammah?
DON'T LET BADUY HAPPEN TO YOUR FAMILY.
When Baduy Happened to Philippine Politics, Part 7: They Say You Want a Revolution....
Noong kinuwento sa akin ito ni Bakeks ang una kong naisip ay, "Bakit hindi na lang PLAN C REVOLT? Mukhang may hang-up sa EDSA ang mga ito eh. May EDSA 1 na at may EDSA Dos pa - ba't hindi na nila aminin na pumalpak na yung Plan A at Plan B?"
Wednesday, May 9, 2007
Bulaklak (na Fake) sa City Jail
We are of the opinion na, kung ibibilanggo man lang yung hitad, eh todo-todohin na ninyo para hindi na siya makaalis kahit kailan. Please lang, di ba? Ano ba ang ginawa ng bruhitang iyan para sa ikabubuti ng tao? Okay, bukod sa pag-record ng "Stars Are Blind" (na nirerequest namin minsan sa karaoke) at ang starring role doon sa video scandal niya - pero sa totoo lang?
Besides, anong klaseng tao ang magmamakaawa sa MySpace (ay wag ninyong hanapin - baka mahawahan kayo ng STD niyan) para palayain siya with these words:
My friend Joshua started this petition, please help and sihn [sic] it. i LOVE YOU ALL!!!!!"
Ouch. Hindi ito ang asal ng isang tunay na International Superstar. Ang tunay na International Superstar, hindi nagmamakaawa - nagpapaka-passive/aggressive lang.
And as if this isn't enough... may web petition pa ang bru sa http://freeparis.org/, which also begs the question... ANONG KLASENG KABALBALAN ITO?!?!?
Saturday, May 5, 2007
When Baduy Happened to Philippine Politics, Part 6:Birds of the Same Feather JOLOGS Together
Bwahahahahahaha!MAS PARA SA KIDZ MO?Kaya bumobobo ang kabataan za zpelling at grammar dito za Pilipinaz.Trying hard maging hip.Puro THUNDER CATZ naman ang naza partido.Zalengket-ket lang talaga zi Original TeMachetz.
When Baduy Happened to Philippine Politics, Part 5: The Great HOPE Freshness
Oo, yung James Yap na iyon. Di ba nagkaroon din iyan ng iskandalo sa isang dating empleyado ng Belo Med? Yung may kapangalan na yosi? Yung lumabas sa S-Files at sinabi niya kay Manay Lolit Solis na "dog style po, manay" ang ginawa nila sa loob ng super-kitid na cubicle?
Paano kasi, palagay ko kilala ni Ping Lacson yung babaeng iyon, eh.
Ping, ANO KA BA? Hindi ako mahilig sa conspiracy theories, ha, pero nakakahalata na ako sa iyo. Pag gusto mong mapansin, dinadaan mo sa pagtira ng mga babaeng nagiging kalaguyo ng mga kalaban mo. Ginawa mo na iyan kay GMA noong sinabi mo na may ibang babae si FG, tapos ngayon si Hope the Luxury Lay naman para hiritan ang mga Aquino na makakabangga mo sa eleksyon. Kaya pala ang jingle mo ay "SI PING ANG KINABUKASAN" - kasi... hee, "siping."
Kaya nga, eh. Sinabi ko na ito kay Bakeks, at sasabihin ko sa inyo ito. Tama nga yung hinala ng tatay ko tungkol kay Mr. Lacson -
(sabay talon si Head Intern Shaun para maging human shield in case na tirahin si Meimei ng mga goons)