Monday, December 17, 2007

Holiday Greetings from When Baduy Happens

And remember kids: Don't be baduy for Christmas!

Saturday, December 15, 2007

P.S. I Love You.Version 20.07

According to TV Patrol sa 2008 daw babalik si Gabby Concepcion sa showbiz.Para gawin ang remake ng P.S. I Love You?Akala ko ba ayaw na daw ni Ate Shawie maka-tambal ulit si Gabby?May poster na nga eh:



Ahahay!Gerard Butler as Gabby!Hillary Swank as Shawie.Tsk tsk tsk...nahuli na sa title ang mga Kano.




Mas gusto ko pa itong album cover ng P.S.I Love You na lumabas nung 1981.May ganito akong t-shirt.Jologs rules!

Monday, December 10, 2007

How Not To Be Baduy: Read A Book

Ay naku, wag ninyo kaming pagtingnan ng ganyan. Alam ko matagal na ninyong gustong sabihin ito doon sa mga bata sa kanto, na akala mo kung sino silang hip-hop kesyo lawlaw ang pantalon nila tsaka gusto nilang magkabit ng kunga anu-anong "customized" borloloy sa kotse nila kasi umaasa sila na makakadelihensiya sila ng bebot galing sa car show. Mahinahon nga kayo!

Saturday, December 8, 2007

S.O.S-MARYOSEP!!!

"It's like walking on broken glass" daw,o!Bwahahahaha....Tse!Kay Raimund Marasigan lang bagay ang ganyang all-white outfit.Gaya gaya ka!

Friday, November 9, 2007

Gettin' Baduy:Si Beyonce at si Manay Vina Morales

Iritang-irita ako sa bagong kantang ito ni Beyonce.Nakakainis yung beat,yung cast at yung dance steps.Para silang butiking binalatan at binuhusan ng alcohol.Kaya hindi ako nanghinayang na di ako nanood ng concert nya sa Taguig:




PERO...WAIT THERE'S MORE!!!Dinagsa ng kabaduyang showbiz personalities ang concert nya.Paborito ko yung huli sa video na to eh.Yung pinaka-feelingerang trying hard kesyo nag-champion sya sa IKON katulad ng Kjwan:


Utang na loob naman Vina.Diba halos kwarenta anyos ka na?HINDI KA PA DIN MARUNONG NG LEFT AT RIGHT!??!!?!

Monday, November 5, 2007

When Carabao Happens

From E! Online's story on the upcoming Writer's Guild of America strike, which may put several ongoing TV and movie productions in jeopardy:


CBS chief executive Leslie Moonves, for one, announced Thursday his network is prepared to carry on.

"We're fully prepared to offer alternative programming options, and we would anticipate no material impact on the company for the remainder of the television season," Moonves said in a statement.


In other words, more fine television moments such as this enlightening segment from The Amazing Race:


Saturday, October 6, 2007

When Britney Happens, Part 2

Or, as I like to call it, It's SAKSAKAN NG BADUY, bitch!

Thursday, October 4, 2007

Teri Hatcher To Replace Luningning and Mariposa in WOWOWEE

Unless you're living under a rock, I'm sure you've seen the clip from the season premiere episode of Desperate Housewives.Wala akong pakialam kung dating Bond girl si Teri o graduate sya ng isang Ivy League school sa America.She's still an anorexic has-been to me.Ang dapat sa kanya gumiling-giling na lang sa isang noontime variety show.

The writers and producers of the show and all American shows must stop discriminating Asians and Mexicans,too.Hindi lahat ng hardinero ay Mexicano.Hindi lahat ng alalay ay Pinoy.I once saw an episode of "The O.C." where the character of Julie Cooper-Nichol made an insulting remark against Filipino domestic helpers.Ang yayabang talaga ng mga Amerikano!

My reaction to Teri's racial slur:I found some interesting facts about Filipinos and Filipino doctors in America.Hindi kasi ginawa ito ng mga taong sumulat ng script ng episode na yun eh.

Did you know that Los Angeles was co-founded in 1781 by a Filipino named Antonio Miranda Rodriguez, along with 43 Latinos from Mexico sent by the Spanish government.DIBA NASA LOS ANGELES ANG HOLLYWOOD?HOLLYWOOD KUNG NASAN ANG SET NG DESPERATE HOUSEWIVES?!?!?!

A Filipino doctor named Abelardo Aguilar co-discovered Ilosone,an antibiotic named after Iloilo.More commonly known as Erythromycin,Ilosone was the first successful macrolide antibiotic introduced in the US.

This son of two Filipino physicians scored over 700 on the verbal portion of the Standardized Achievement Test (SAT) before age 13 - Kiwi Danao Camara of Punahou School, Hawaii. Edward Sanchez, a Mensa member, bagged the grand prize in the first Philippine Search for Product Excellence in Information Technology.

Who was the Filipino-American dancer who scored a perfect 1600 on the SAT? Joyce Demonteverde of California.

Who is the personal physician of United States President William Clinton? Eleanor "Connie" Concepcion Mariano, a Filipina doctor who was also the youngest captain in the US Navy.Oprah Winfrey's doctor is also a Filipino.

Now 95 years old,Dr. Fe Del Mundo became the first woman and the only female at the time to be enrolled at the Harvard Medical School.

Honolulu-based Filipino doctor Jorge Camara, who made news in the US as the first doctor to use telemedicine to guide another doctor in a surgical procedure, was named Physician of the Year for 2001 by the Hawaii Medical Association.

Gregorio Zara of Lipa City and a graduate of the Massachusetts Institute of Technology invented the videophone and developed the Zara Effect or Electrical Kinetic Resistance.

Teri should have known better.

Wednesday, October 3, 2007

Kaya Nga May "Desperate" Yung Title ng Palabas, Eh




Hindi man ako nanonood ng Desperate Housewives eh obligado pa rin ako na mag-lait ngayon na nilagay nila sa script na ayaw daw ng character ni Teri Hatcher ng doktor na galing daw sa mumurahing med school sa Pilipinas. Siyempre, ayoko namang palakihin ang isyu...

...pero alin ang mas masakit: na ginamit ito sa season premiere ng Desperate Housewives... or ginamit ang linyang ito para ipakilala ANG LALAKENG ITO!?!?!?!!




Hello, Nathan Fillion. Alam ko na nag-flop sa ratings ang lahat ng mga TV shows na nilalabasan mo. Ayoko man manood ng Desperate Housewives para masilayan ang pagka-fafa mo, pero masaya ako dahil bagama't ginawa na nila ikaw na cast member ngayong season na ito ay alam kong palubog na ang lahat magmula dito.


Next up: Puwede ka bang mag-guest star sa CSI: Miami? Kahit lumabas ka lang ng sandali para halbutin yung shades ni David Caruso, masaya na ako. Tapos nito puwede ka bang pumunta sa Pilipinas para maging contestant sa Wowowwee para mapahiya na nang tuluyan si Willie Revillame? Tapos isama mo sina Teri Hatcher at ang buong writing staff ng Desperate Housewives para lalong maging masaya. Pag nagawa mo lahat na iyan, puwede na tayong magpakasal. Or at least mag-[censored kasi baka biglang maglaho ang blog na ito]


Saturday, September 22, 2007

Halik ng GLAM-pira

Hindi pa natatapos ang September eh naglalabasan na ang mga vampira - at hindi dahil doon sa concert ng Fall Out Boy sa Araneta, ha. Paano kasi marami na ang nagpaplano ng mga susuotin nila sa Halloween.

Siguro kung ikaw yung type na detail-oriented at mahilig mag-plan ahead, OK lang na pag-handaan mo na ang costume mo para hindi ka magmumukhang eng-eng sa October 31... tulad ng idol mo na si Martha Stewart.


Oo, si Martha Stewart nga ito! At hindi lang siya game na game para manakot ng mga batang namamalimos ng kendi sa Halloween, meron din siyang tips para magmukha ka rin na "Glampire" na tulad niya. Of course hindi mo siya matatapatan dahil carry naman ni Martha ang bumili ng telang de-kalidad at mag-recruit ng hair and makeup team para maging glam ang hitsura niya, pero kung ikaw lang mag-isa ay baka magmukha kang pinagtripan ng mga baklang mahilig makinig sa KISS at Poison.

And then, there's also the option of using Halloween as an excuse to dress sluttier than usual - wigs, hooker shoes, trashy lingerie. Yun nga lang, mukhang malapit nang malaos ang look na iyan - lalo na't ngayong lumabas na yung cross-dressing photo scandal ni Oscar de la Hoya (sorry, pinagtatawanan pa namin kasi yung mga pictures) at baka dumami na ang mga bruskong lalakeng naglalakad sa kalye na nakadamit na parang Pusakal Dolls. No, no, no! (Bakeks: "Kung bakit kasi hindi na lang si Barrera ito, para may panindak...")

Pero kung wala ka pang costume (or at least magigimikan sa Halloween para makapagsuot ng costume), huwag kang mangamba. May isang buwan pa naman eh.

Thursday, September 20, 2007

Beyond Baduy:The Evolution of Ben Chan

This entry is inspired by the recently concluded model search and reality show for Bench.

Sabi ni Kris Aquino sa grand finals night na napanood ko noong Sunday sa TV,tatlong phases daw ang pinagdaanan ng Bench mula 1987 hanggang 2007.At ito ang:








1. . TRANSFORMATION













2. EXPANSION








3. DOMINATION

At heto ang may pakana ng buong mission na ito... ladies and gentlemen, Mr. Ben Chan!



Wednesday, September 12, 2007

When Britney Happens

Not the most original idea in the world (in fact, I stole this from Manolo for the Big Girls) but a perfect commentary on Britney Spears' dancing as of late. Panoorin ninyo lang at tingnan ninyo kung hindi ninyo maisip na bagay na bagay ang video na ito...

Wednesday, September 5, 2007

Happy Baduy-Proof Birthday, Bakeks!

Nalalapit na ang 30th birthday ng aking partner-in-crimes-against-jologs. And in honor of her birthday, ipopost ko dito sa blog na ito ang BEST! VIDEO! EVER!



Ay, mali. Sorry, Bakeks, hindi ko talaga alam kung papaano napahalo ito... Anyway, dahil pareho naming naging yaya ang TV namin, here are some vintage Sesame Street videos that I know that she'll enjoy... and I know you will enjoy them too. Cheers!

Stevie Wonder, "1-2-3 Sesame Street"


George Benson, "Friend for All Seasons"


The Beetles, "Hey Food"
(Mcoy, are you reading this?)


REM, "Furry Happy Monsters"
(masyadong laugh trip si Michael Stipe dito)


Norah Jones, "Don't Know Why (Y Didn't Come)"
(more recent kasi nakakainis si Elmo sa clip na ito, pero OK lang)


And of course... the Pinball Countdown by the Pointer Sisters!

Thursday, August 30, 2007

A Tribute to TEMPTATION ISLAND, Part 2: Obligatory Malu Fernandez Entry

Yes, gustong-gusto namin sanang ukrayin yung Malu Fernandez na iyan - yung bruhang writer ng People Asia at Manila Standard na nag-ukray ng mga OFW sa mga column niya. Akala niya kasi napaka-glam niya para magsalita ng ganyan. I mean, haller - pareho kami ni Bakeks na laking senyorita, pero hindi kami ganyan ka-desperadong maging sosyal na magiging matapobre kami sa mga OFW, ano? Masaya na kami na ganito - kahit nagtitiis sa suweldo at "last season" na handbag eh at least mas kakaunti ang iniiyakan namin. Hindi na namin kailangang iyakan ang pag-sakay sa Economy Class. Hindi na namin kailangang magtiis sa linya sa Embassy, kahit na siksikan na sa loob ng SaGuijo. At kahit na ba hanggang Johnson's Baby Cologne lang ang pabango namin (hindi sa tatantanan namin yung Jo Malone, ha) eh at least pinaghirapan namin ang kinatatayuan namin ngayon. Bow.

Anyway, ano ba ang kinalaman ni Malu Fernandez sa Temptation Island? Well, panoorin ninyo ang clip na ito, at imagine-in ninyo si Malu sa role na ginampanan ni Jennifer "Ang Bruha ng Disyerto" Cortes. Hindi naman mahirap isipin na ganyan sila magsalita sa kanyang mga rich (and possibly gay) friends, di ba?


Tuesday, August 28, 2007

Maibang Banda NAPO Ulit Sana

Just so you know: Mahal na mahal namin ang APO Hiking Society. Kaya nga kami bumili ni Bakeks ng front seats sa unang concert ng KamiNAPO Muna dahil mahal na mahal namin ang bandang ito. (Well, sila at yung ibang mga banda na tumugtog, kung saan na-LSS kaming lahat.) Kaya siyempre natuwa kami noong nalaman namin na may Part 2 ang album na iyon.... at umulit yung ibang mga paboritong banda namin.

Pero hindi ibig sabihin nito eh hindi namin puwedeng ukrayin ang mga nakasama sa KamiNAPO Muna Ulit. Tulad ng mga ito...




Nakikita ba ninyo ito? Kaya nga ang nickname ng bandang ito sa headquarters ng When Baduy Happens ay SHAMEROCK. Yes, alam namin na may mga friends sila dito na nagbabasa ng blog namin... at wala kaming pakialam, dahil binigay sa kanila ang kantang sinulat ng APO para kay Jaime Garchitorena. Jaime Garchitorena! At hindi lang iyon, kinanta ito ni Jaime Garchitorena para sa commercial ng Close-Up! Imagine-in na lang ninyo kung magkakaroon ng tribute album para sa The Dawn tapos ibibigay nila yung "Kasama sa Tagumpay" sa Cueshe - ganoon ang efek nito.

(On the other hand: Ang ganda ng pambanlaw-utak sa katapusan ng video na ito! POCHOY! ANG GUWAPO MO! MAG-INTERN KA NA SA AMIN!)

Speaking of kajologan...



Really? Si JAY-R ng Pinoy Nightmare Dream Academy ang pinakanta ng "Suntok sa Buwan"? Oo, alam namin na ABS-CBN ang may pakana ng album na ito, pero... really? Sabi nga ni Bakeks, "Bakit? Hindi ba available yung kumanta ng theme song ng Sweepstakes?"

I mean... really. Hindi araw-araw na napapatameme ang Ate Mei ninyo sa sobrang pagka-WTF ng mga pangyayaring ito. Incredible.

Thursday, August 23, 2007

Rock Star Rakets 4

Continuing our series of rock star side businesses...




CHAMP INC. HEALTH SERVICES
Porta Vaga Mall, Baguio City

Marami ding mga dalaginding na nagpapagamot daw dito. Baka umaasa sila na kakantahan sila tapos tuturuan ng malinis na pamumuhay. Prevention is the key daw eh - prevention ng heartbreak?


BLOOMFIELD HOTEL
Baguio City
Pustahan tayo, yung mga bellboy dito ay kumakanta ng old-school style four part harmonies at palaging nakasuot ng amerkana.





Wednesday, August 22, 2007

Libro! Libro Kayo Diyan!

Kung magkakalibro man kami, ito ang magiging hitsura.

http://img292.imageshack.us/my.php?image=pictagtextpeoplebashingtw7.png

Image Hosted by ImageShack.us
Shot at 2007-07-26

Friday, August 3, 2007

Sequel Fever

At last, nandito na ang sequel na pinakahihintay ninyo...

Teka, aling sequel kamo?

Shrek ba? Ay, hindi, sa 2010 pa iyan.

Spiderman ba? Ay, sorry, hindi.

Oceans Thirteen? No.

The Bourne Ultimatum? Hindi rin, eh.

TransFormers? Hindi pa siguro.

Enteng Kabisote? Ngek, TALAGANG HINDI.

...O sige, sirit na?

...Talaga, sirit na?

...Ladies and gentlemen, the moment you've been waiting for...

...the long awaited sequel to the great cinematic opus...


Parts 13-22
Beginning August 13 at IFC.com
(...Yes, I know what you're thinking. Hindi ka pa rin makapaniwala na naka-12 chapters ang lecheng R. Kelly na iyan. Basta.)

Sunday, July 29, 2007

A Tribute to TEMPTATION ISLAND, Part 1: Late Entrance, Early Exit

Let's begin our tribute to Joey Gosiengfiao's 1981 magnum opus with a quick rundown of what has happened to everyone involved:

Kamakailan lang pumanaw si Joey Gosiengfiao at si Ricky Belmonte. Si Alfie Anido, matagal na ding sumalangit-nawa. Si Jonas ("JOSHUA!") Sebastian, naging theater director sa Peyups (sabi dito sa PEX na kasing-taray din niya in real life ang character niya). Yung hot na waiter... eh ewan ko kung anong nangyari diyan.

And the women?

Well, alam na natin kung anong nangyari kay Dina Bonnevie, aka Miss Magnolia: successful actress (na one time naging ka-loveteam ni Alfie Anido), thriving businesswoman, diborsyada (kay Vic Sotto at Dick Penson), former talk-show host, platonic soulmate ni Edu Manzano, biyenan ni Marc Pingris at hilaw-na-biyenan ni Angel Locsin. Siyempre hanggang ngayon eh malupit pa rin ang hitsura ng lola ninyo.

Alam na din siguro natin ang nangyari kay Deborah Sun: kontrabida sa mga pelikula, TNT sa Tah-teh, starring role sa maraming iskandalo involving estafa and utang, currently battling cancer.

Si Azenith Briones, nagkaroon ng career bilang model at sometime bebot (on- and off-screen) ni Lito Lapid. Si Bambi Arambulo, paminsan-minsan na lang nag-aartista at nag-momodel.

Which then leads us to Jennifer Cortez. Bru, what happened to you? Binibining Pilipinas UNIVERSE (1978) ka pa naman. Alala mo yung scene sa barko kung saan nagpoposing-posing ka bago mo tisurin si Bambi? Ang ganda ganda mo doon. Puwede ka na sanang maging model. But noooo... ang pinakamalaking claim to fame mo ay ang role ng super taray at super-Ingleserang sosyalera na ayaw magtanggal ng panty girdle pagdating sa isla. Kung hindi ka natitibo sa kamamasahe ni Deborah sa boobies mo ("Careful, careful!" "Opo senyorita.") eh sinasampal ka ni Bambi habang nagsasayaw, sinasabunutan ni Azenith sa beach, or inuupakan ni Dina dahil trip lang niyang upakan ka.

Hindi naman sorpresa kung bakit hindi ka sumikat bilang artista eh. Tingnan natin yung ebidensya:




Ano ba iyan? "Oh what a bright sunny day" pa lang, hindi mo mabenta? Tapos hiniritan mo pa ng "A day in the life of a sun ray"? Well, of course hindi ka namin masisisi dito sa script na ito - trabaho mo lang naman ang magsabi niyan. OK na sana, pero nagspeech ka pa tungkol sa "strict diet" mo* at hiniritan mo pa si Azenith ng "I. AM NOT. A FOLISH VIRGIN." Teka... FOLISH virgin? Ano iyon, birhen na taga-Foland?

*By now hindi na din sikreto yung ending ng pelikula na ito, kung saan nag-deviate ang character mo sa kanyang "strict diet" para kumain ng, ahem, "karne." Tatawa sana kami, kung hindi lang namin alam na mas nakakatawa yung pagdating ng rescue ship pagkatapos non.

Nagtataka tuloy kami kung sadya ka nang nagtatago dahil sa Temptation Island. Palagay ko nagsawa ka na sa mga taong lumalapit sa iyo para pagsabihan ka lang ng "What are BEECHES for? But to BEECH around. With Other. BEECHES!" Or baka nagkaroon ka ng incident na nagpunta ka sa mall at hindi ka nilapitan ng mga tindera kasi sinabi na kaagad ng manager na ikaw yung "Bruha ng Disyerto" doon sa pelikula. Or baka naman harrassed ka pag nilalapitan ka na ng mga bakla at palagi nilang minamasahe ang boobs mo habang nagsasabi ng "opo senyorita" (in their deep man voice pa!) dahil yan daw ang secret sa perfect complexion mo.

Either way, hindi ka na namin masisisi kung hindi ka na talaga nag-artista ever since. Yun nga lang, magparamdam ka naman! (At sabihin mo sa amin kung sino yung modista na gumawa ng gown mo.)

Wednesday, July 25, 2007

Lindsay Losyang


Naku naman Lindsay. Akala pa namin nagbago ka na. Hayan, sa sobrang pagpapakaloka mo eh heto ang napala mo. Ganyan ka ba ka-atat na maukray dito sa blog na ito?

Anong nangyari sa fez mo, bru? Tinutubuan ka ba ng balbas? At least si Paris kumuha siya ng hair and makeup artist para magmukhang fresh kahit na ipapasok siya sa kulungan. Dito mukhang nag-polbo ka ng kaunti tapos nag-give up ka na kasi napipikon ka na sa mga po-po na nag-pickup sa iyo. Doon ka na lang sa presinto magpaliwanag, badaf.

Sana nakinig ka na lang kay Rick James noong sinabi niya ito: Cocaine is one helluva drug.

Sunday, July 22, 2007

Rock Star Mailbag, Part 2: UR MY INSPIRATION REMEMBER

Just so you know, basta na lang dumating sa inbox namin ang chat na ito. Hindi na namin kailangang hanapin pa, dahil kami ang hinanap ng nagpadala nito. Hehe.


Itatago namin ang nagpadala ng chat transcript na ito sa pangalang "Lukring." Nakilala ni Lukring ang fan na ito (batang-sayko) sa isang mailing list para sa isang sikat na banda sa Pilipinas. Nagpakilala ang bata bilang 13 anyos lamang nguni't patay na patay para sa lead singer ng banda na kaibigan din ni Lukring.

Heto ang partial transript na binigay ni Lukring sa amin...


[Recorded in September 2006]
i saw her online and i was bored...so ito yung napagusapan namen. actually sinabi lang pala niya. hehehe.

Lukring: you have any message for [lead vox of band]? he's coming over.

batang-sayko: ah ok
batang-sayko: i just want to say that
batang-sayko: ok lang? mahaba eh

Lukring: sige lang

batang-sayko: i love him very much hindi ito mapapalitan ng kahit ano anong material na bagay o kyamanan
batang-sayko: naks
batang-sayko: hehehe
batang-sayko: tapos
batang-sayko: pag magdedebut na ako sya ung kukuwanin kong escort
batang-sayko: tapos binabalak ko kung saan un kung sa barko or in other place
batang-sayko: tapos late reaction congrats pala nung naglaro ka sa game ka na galing mo [:D]
batang-sayko: tapos kahit hindi na tayo palaging nagkikita ur still the one diba
nga po hindi ito mapapalitan ng material na bagay o kasikatan o kayamanan at
kahit sinong lalake ikaw lang po talaga
batang-sayko: UR MY INSPIRATION REMEMBER
batang-sayko: and may balak sana po ako sa birthday niyo
batang-sayko: tapos kayo ang po ung iniisip ko pag may nangiinsulto sa inyo kinakalaban ko dahil ayokong ginaganun ka nila
batang-sayko: I RESPECT U HIGIT NA HIGIT
batang-sayko: ei
batang-sayko: wag muna po kayo mag asawa kasi kung magdedebut ako malungkot kasi may asawa na agad kayo nyan
batang-sayko: tapos
batang-sayko: alam niyo po ba kung gaano kita kamahal?
batang-sayko: 1.hindi ito mapapalitan ng sino sinong lalaki
batang-sayko: 2.wala akong pakialam sa itsura o kahit maghirap pa pokayo o kahit maging taong grassa ka pa i still love you
batang-sayko: kasi hindi importante ang material na bagay
batang-sayko: ang importante mahal ka ng tao
batang-sayko: 3.kahit hindi niyo ako pansinin ok lang un
batang-sayko: 4.hindi ako madamdamin na tao
batang-sayko: 5.ang importante sa bawat araw na mapatunayan kong tagumpay ako DAHIL YOUR MY INSPIRATION
batang-sayko: 6.kahit maging laos ka o maging mahirap ikaw pa din walanang papalit pa dun
batang-sayko: tapos
batang-sayko: 7.seriouso ako THATS THE PART OF GROWING UP naks
batang-sayko: 8.hindi ko pinapansin lahat ng lalaking nangliligaw kasi ikaw nga lang
batang-sayko: kahit magkagusto pa si sam milby sa akin ikaw pa rin
batang-sayko: ang tagal ko pang maging matanda
batang-sayko: tapos
batang-sayko: sana [age ng vocalist] yr.s young na ako hehehehehe.........
batang-sayko: kahit maging matanda ka pa ng sobra ikaw pa rin no one will break my love for you
batang-sayko: ay pwede na akong magcompose ng song hehehe....
batang-sayko: tungkol sayo
batang-sayko: alam niyo po ba ang mga theme song
batang-sayko: 1.painter song
batang-sayko: marami puro maganda
batang-sayko: may album pa nga eh hehehe
batang-sayko: hindi ko nalang sasabihin ung album nakakatawa
batang-sayko: tapos wag kayo masyadong mag cigarette kasi concern lang ako eh :)
batang-sayko: kasi nakakatakot baka magkasakit ka
batang-sayko: miss ko na kayo
batang-sayko: tapos wala na akong masabi just always take care
batang-sayko: kuya pupunta kami sa [gig] on [past date]
batang-sayko: tapos sori kung nakakainis ako dahil masyadong makulit
batang-sayko: tapos pag wala kang gagawin magpahinga ka kaagad
batang-sayko: gusto niyo po makita ang gagawin kong investigatory project in science
batang-sayko: para sa inyo din un eh
batang-sayko: wag na lang
batang-sayko: hehehe
batang-sayko: kasi hindi pa tapos un eh
batang-sayko: at masyado ng madrama dito hehehe
batang-sayko: may music matching habang nageexpress ung feelings ko
batang-sayko: what can you say about it
batang-sayko: ano nga po pala
ung favorite mong bar
batang-sayko: kasi may plano pa lang
batang-sayko: sa birthday mo pero im not sure pa dun
batang-sayko: kamusta ka na kuya [lead vocalist]
batang-sayko: mahaba ung sinabi ko ah
batang-sayko: lahat ng ito alam nang parents ko kuya, ate lahat na
batang-sayko: kasi wala kaming secret
batang-sayko: hindi uso dito ung secret
batang-sayko: lahat dito sinasabi kahit ano bawal ang lihim
batang-sayko: kahit anong nangyayari sinasabi ko sa ate ko kuya ko mama ko and my dad
batang-sayko: kasi its really good to be honest matutuwa pa sa akin ang ating diyos
batang-sayko: bagay na bagay sa akin ung kantang BATNG BATA KA PA
batang-sayko: tapos
batang-sayko: gusto niyo po bang makita ung quizzes ko
batang-sayko: ok bye na
batang-sayko: going to eat na

Saturday, July 21, 2007

Rock Star Mailbag: Ganito Ba Umasal Ang Fans Ninyo?

Maiiba ang format ng Rock Star Mailbag natin ngayon. Hindi dahil hinabla na kami ng mga letter writers sa unang version ng article na ito, mind you (maawa naman kayo - wala na ngang pambayad ng abogado tapos mag-aapihan pa kami), pero na-overwhelm kasi ang mga interns namin sa dami ng mga naririnig namin tungkol sa mga stalkers ng rakista. Kaya imbes na i-publish namin in verbatim ang mga sulat at haka-haka na naririnig namin, heto ang summary ng mga naririnig naming Modus Operandi sa pagiging epal sa banda.

Gawin po natin itong babala para sa mga taga-tagpangkilik ng OPM. Bow.

(Hindi namin puwedeng sabihin kung sino ang mga binabanggit namin dito, pero malamang na iisang tao lang ang may pakana ng raket na ito.)

- MODUS OPERANDI #1: Sa simula medyo mabait ang dating - matulungin, matinong kausap. Pag nakilala mo sa personal, parang normal na tao lang siya. Minsan ikukuwento pa niya ang mga favorite moments niya sa mga gigs. Pero pag nakausap mo siya ng matagal-tagal, saka lang niya babanggitin na meron siyang mga phone number ng mga rakista at palagi niyang nakakausap ang mga band members sa text or sa telepono. Yun nga lang, pag tatanungin mo naman siya kung ano ang phone number niya, sasabihin niya na nawawala ang telepono niya at nakakapag-text lang siya ng computer-to-SMS.

- MODUS OPERANDI #2: Makikita mo siya sa mga chat programs. Minsan sisipot siya sa mga Instant Messenger conferences or chat rooms para maghanap ng mga band members or kakuwentuhan, pero kung iba naman ang flow ng kuwentuhan ng mga tao saka siya magrereklamo kesyo hindi siya makarelate. Hindi rin siya namimili ng mahahagingan dahil kahit may miyembro ng ibang banda na present sa usapan na iyon eh magrereklamo pa rin ang hitad. Syempre habang nagchachat sasabihin din niya na katext din niya ang kanyang mga Celebrity Text Buddies (see Modus Operandi #1). Tapos pag magpapa-alam siya saka niya sasabihin na manonood siya ng isa pang gig para sa isa pang banda na wala namang kinalaman sa pinag-uusapan sa chat. Also, pag nasa buddy list siya ng IM program mo, makikita mo na ang message niya palaging may binabanggit na sikat - for example, pag online siya, sasabihin sa message niya na nakikipag-chat siya sa jowa ng rakista. At siyempre, kung sasabihin mo naman na may number ka ng isa sa mga Celebrity Text Buddies niya, hihingiin din niya ang numero na iyon.

- MODUS OPERANDI #3: Pagpunta niya sa gig, pupunta siya backstage para magbigay ng regalo sa banda. Siyempre pag ginagawa iyon maganda na ang tingin ng band members sa kanya. Pero oras na nakatalikod ang mga miyembro ng banda, saka niya sasabihin na "close friends" naman talaga sila ng banda at siya pa ang kinuha na ninang ng anak (kung meron). Pagmamayabang niya na nakapunta na sila sa bahay ng band member na iyon at kung gusto mo eh puwede ka niyang dalhin doon dahil alam niya kung saan.

- MODUS OPERANDI #4: Kung merong band member na pogi, siyempre patay na patay ang hitad doon. So much so na sa tindi ng kanyang pag-ibig para sa band member na iyon ay magtatayo siya ng fake account sa Friendster or Multiply gamit ang pangalan at vital statistics ng band member. Siyempre palalabasin niya na "sila" na, kahit na tanungin mo pa siya sa text or sa chat kung siya talaga ang syota at deny to death ang hitad. So of course, pag nalaman niya na may syota or asawa na pala ang band member na kinagigiliwan niya, parang tumitigil na din ang takbo ng buhay niya, at saka siya magrereklamo sa kanyang "friends" sa chat or email tungkol sa kanyang pagkabigo sa pag-ibig. Of course, pag tatanungin mo naman siya kung meron naman siyang ibang puwedeng mabalingan, sasabihin naman niya na "shy kasi ako" at "baka ma-OP kasi ME."

- MODUS OPERANDI #5: Gagawin niya ang lahat para hindi magbayad ng ticket or cover sa gig. And by lahat, we mean lahat: magsusuhol ng promoter, manggugulo ng VIP room, sisipsip sa banda (no, hindi ganyan), at siyempre lalabas ang all four previous MOs niya para mapalabas na Friend of the Band talaga siya, parang awa ninyo na, at wala siyang pakialam kung nagpapahinga sila or biglang nagkasakit ang isang member nila kasi Friend of the Band naman siya at puwede ninyo siyang papasukin dahil nasa guest list ang pangalan niya, please please pleeeeeeeeeeease!!!!!

At dito namin kailangan ni Bakeks mag-Sermon on the Mount. Marami na kaming mga bandang nakilala sa buhay namin. Tao din lang naman sila - masarap kakuwentuhan, ka-inuman. Minsan sa kagandahang-loob nila nagpapakain pa sila at naghahatid sa bahay. Hindi naman nila hiningi ang ganitong klaseng buhay. Pero minsan lang talaga hindi nakikita ng mga tao na pinaghihirapan din nila ito - kahit bigay na bigay sila sa entablado eh umuuwi pa rin sila nang pagod at nangangailangan ng "me time" para makapagpahinga. Paano na iyan kung palagi silang napapaligiran ng mga epal na kuha lang nang kuha pero hindi naman binabayaran ang binibigay?

Kaya heto ang payo namin sa inyo...

- ANG TUNAY NA FAN, NAGBABAYAD. Gaya ng sinabi ng isang makatang mas marunong pa sa amin, ang hindi pinaghirapan ay hindi minamahal. Kung gusto ninyo magregalo, mas mabuti pa sa free concert na lang ninyo i-abot iyan dahil lalo pa iyan ma-a-appreciate ng banda. At hindi magmumukhang suhol. Otherwise, pag palagi ka na lang may dala-dala baka magmumukha ka lang na tipong taong nagpapagamit.

- Kung ikaw ay miyembro ng banda, wag kang matatakot kaagad! Kung gusto mo pa rin maglibre, OK lang yan. Pero kung alam mong nasa panganib ang personal space mo, gawin mo na ang lahat na dapat gawin. Baguhin mo na ang passwords and privacy settings ng mga networking accounts mo, lalo na pagdating sa photos at blog entries. Huwag mong ipamigay nang basta-basta ang home address, personal email, or cell phone number. At pag may nagsumbong sa inyo, cool kayo kaagad. Kasi nga...

- ...Management Will Take Care of the Problem. Kasi sa kanila din naman mapupunta iyan kahit isumbong mo pa kahit kanino. Pati mga promoters din kailangang payuhan. Malay natin, baka may pictures na sila na puwede nang ipaskil sa mga bar na parang mga shoplifter sa tindahan. HUWAG NINYONG TULARAN ANG MGA ITO!

- At kung hindi maidadaan kaagad sa manager, idaan na ninyo kay "kumander" - namely, ang asawa/ girlfriend/ closest family member ng banda, dahil sila na ang makakapag-awat kaagad sa mga masasamang loob. Ipakilala ninyo kaagad ang inyong bagong "Friend of the Band" para 1) matameme kaagad ang hitad and 2) makabisado nang maigi ng family member/ significant other ang pagmumukha for future reference.

- Finally, huwag magpa-uto! So sinabi nya na may phone number siya ng band member. So what? Kung magkaibigan talaga sila eh hindi na niya kailangang ibenta sa iyo ang number na iyan. Kung pinagmalaki niya na may condo siya, hihingian mo din siya ng prueba, di ba? Otherwise, hindi lang naman siya ang magmumukhang tanga pag nabisto ang gimik niya. Matuto na kayo sa mga taong nagpadala sa mga pyramid scam at huwag magpadala sa kahit ano.

O, hayan, galing na sa amin ito, ha? Binalaan na naman kayo.

Thursday, July 19, 2007

You Better Change It Back, Or We Will Both Be Sorry

Kanina lang pinag-uusapan namin ni Bakeks ang Human League, and especially ang lead singer nila na si Philip Oakey. Naiinggit kasi kami sa hitsura niya dahil mas maganda ang hair and makeup niya kaysa sa amin. Sabi pa naman ni Bakeks ang kintab kintab ng buhok niya.

Panoorin po natin muna ang original na video ng "Don't You Want Me Baby":



Oo, pareho ang hitsura niya doon sa brunette na hitad na naka-fur coat sa video na ito, pero wag kayong ma-turn off. Ganoon kalakas ang dating niya noong bata pa kami.

Siyempre hindi baduy ang kantang ito dahil hanggang ngayon kinakanta pa rin namin ito. Pero imagine-in mo yung pagka-shock ko noong napanood ko ang video na ito.

Ladies and gentlemen, live from Los Angeles on the Jimmy Kimmel show... HUMAN LEAGUE!!!

(Apologies in advance kasi hindi nagpapa-embed yung user.)

Dear Philip Oakey:

Yes, we know time has not been a kind mistress to you. Yes, we can't blame you for losing your hair and wearing it, as we say in the Philippines, in the semi-kal style. But, damn it, we were hoping to get you a Pantene endorsement deal!

With love and eyeliner,

When Gauche Happens

PS. Meimei says she still won't kick you out of bed for eating crackers.

PPS. Meimei also says sorry that she keeps calling you Philip Bailey, who happens to sing for Earth Wind and Fire and was responsible for "Easy Lover." Which is nowhere near as cool as "Don't You Want Me Baby."

Wednesday, July 11, 2007

Monkey, Monkey, Annabelle

We interrupt our blogging with a special message from Annabelle Rama. Links and pictures may not be safe for work.

"Hoy, kayong mga pasaway diyan sa When Baduy Happens! Nakita na ba ninyo yung latest na iskandal ko?"





"Ganyan ang hetsura ko noon bago ako inanakan ni Edong. Tandaan ninyo, ha, hende pa oso noon ang plastek sargery na iyan! Kung may endo-endorsement lang noong araw eh sana natalbogan ko na si Roffa, dong! Sabi daw nela pati buhok ko pang-Pantene talaga kase ang kentab-kentab. Talbog sa ken ang mga gerls ng White Kasol, dong! Kahet na ba mas plat pa ako noon sa hatkek ng White King eh at least ORIGINAL yan! Sasabehen ko sanang FLAWLESS pero baka mahabla ako ni Dok Calayan niyan, dong. Tingnan ninyo, pate yung bobs ko mor pawerpol dan peyn pa iyan! Kong kabataan ko lang den ngayon nakakoha den ako ng mas mayaman pa kay Yelmas - HOY ROFFA WAG MO NANG TAWAGAN IYAN! PAPALOEN KETA NIYAN, PASAWAY KA! - kaya nga AKO LANG ang penakasalan ni Edong sa lahat ng mga babae niya, ha! MENAHAL NE EDONG ANG BYUTEH KOH!"

"Kumpara nenyo eyan kay Dale Ann Karbahal na kahet binigyan ko na iyan ng polbong Chanel eh hende pa nagbabago ang hetsura. Hoy, Dale, walang sinabe yang fez mo sa kagandahan ko noong araw, day! Kahet begyan ko pa ekaw ng pera eh wala pa reng nangyayari sa hetsura mo!"

"Kaya kayong mga babae diyan, ha, tandaan ninyo: Tama mga nanay ninyo - yang mga katawan ninyo, pagkatapos ninyong magkaanak, para kayong mga bulaklak na nawalan ng amoy. Pero at least ako napakenabangan ko iyan kase nagkaroon ako ng marameng marameng anak na magaganda na puwede ko ding perahan... ahem, pag-artistahen, habang may asim pa sela. Eh kayong mga umookray sa aken, may maipapagmalaki ba kayo? Begyan ko na lang kayo ng datong tapos tengnan naten!"

Sunday, July 8, 2007

When Baduy Answers Questions

Balang araw, magkakaroon kami ng sarili naming email account at sarili naming FAQ section para masagot lahat ng mga katanungan ninyo. Yun nga lang, pareho na kaming kayod sa trabaho namin (oo, totoo ngang nagkatrabaho kami pareho... hindi kami puwedeng maging senyorita habang buhay, ano?) at paminsan-minsan ay tinatangay kami ng aming mga sosyal na friends sa iba't ibang mga lakad sa iba't ibang mga exotic resort destinations. In the meantime, try na rin naming sagutin ang ibang mga questions na binabato... excuse me, tinatanong sa amin ng ilang mga readers namin.

- Paano kayo nagsimula mag-ukray ng kabaduyan sa buong mundo?
Ewan. Naging trip lang namin kasi na mag-api ng mga baduy na celebrities. Actually, matagal na kaming nag-uukray ng mga baduy na artista, magmula pa noong bata pa kami at palagi naming nire-raid ang collection ng chismis magazines ng mga katulong at yaya namin. Magkababata kami kaya pareho din kaming na-addict sa That's Entertainment at sa Mellow Touch 94.7 bukod sa aming sobrang kapapanood ng mga sitcom reruns, showbiz talk shows, at mga lumang pelikulang Tagalog na pinapalabas paminsan minsan. Kaya hanggang ngayon, trip pa rin namin.

- So, kung nasa States si Mei at nasa Manila si Bakeks, eh papaano ninyo napagkakasunduan na magsulat sa blog na ito?

Halos araw-araw kaming nagchachat sa Google at sa Yahoo! Messenger. Si Meimei ang taga-ayos ng HTML coding sa mga blog entries, at si Bakeks ang tagakuha ng pictures, pero when it comes to jologs eh collaborative effort iyan sa aming dalawa. Totoo!

- ppanu poh q kau puedeng mging frend kse parang mabait poh U tsaka wala aq friends d2 kse shy aq gus2 q poh din maging frend kau add nu q sa friendster pls!!!!!!!!
Yan na nga ba ang sinasabi namin eh. Kung gusto ninyo kaming maging friends, AYUSIN NINYO ANG GRAMMAR NINYO. Hindi dahil snob kami, ha, pero pareho kaming may professional experience sa pagtuturo ng English Language Learners at mga studyanteng may learning disability. Hindi na namin kaya ang mag-basa ng spelling errors at run-on sentences sa labas ng mga trabaho namin, parang awa ninyo na.

Also: If you're old enough to order a beer, you're old enough to make new friends without us holding your hand and walking you through every step of the way. Hindi na kayo mga batang papasok sa kinder sa first day of school at lalong hindi kami ang mga yaya ninyo. Wag nang mag-inarte na kesyo baka ma-OP kayo cheber cheber.

- ANO BA ITO NABASA KO YUNG SULAT KO SA INYONG ROCK STAR MAILBAG NOONG ISANG BUWAN?!?!?!?!! BAKIT NINYO AKO PINATATAMAAN eh wala naman akong GINAWANG MASAMA SA INYO!!!!!! HUMINGI KAYO NG TAWAD SA AKIN MGA EPAL KAYO!!!
Uy, isa pa ito. Minsan lang kami nag-sorry dahil nga nakilala tuloy ni Bakeks kung sino iyon sa totoong buhay. Otherwise, pagdating sa blog namin eh Walang Sisihan na. At bakit mo pa kailangan kaming sigawan? Hayan, pati mga kapitbahay ko dito sa Honolulu nabibingi sa ka-aabuso ng Caps Lock key mo. Kung may kailangan kang sigawan, doon ka maglabas ng galit sa principal ng school mo kasi mukhang hindi tumatalab sa amin yung pinag-aralan mo sa English. Or, for that matter, Character Education.

- May nakita akong nakakatawang picture habang nasa labas ako. Puwede ko bang ipadala sa inyo?
Aba, puwedeng-puwede iyan! Pero tingnan muna namin kung may paraan para kontakin ninyo kami. Otherwise, mag-iwan lang kayo ng contact info sa comments section at titingnan namin kung puwede naming magamit ang mga pictures ninyo.

- Tumatanggap pa ba kayo ng aplikante para sa Internship Program ninyo?
Sorry, internship positions are no longer available at this time. We will only appoint interns wheneve we deem it necessary.

- So... sino sa inyong dalawa ang manonood ng bagong pelikula ng Transformers?
Si Bakeks, kasi mas matagal na niyang inaabangan iyan. (Si Meimei kasi, kahit noong araw hindi makapanood ng Transformers kasi lalo lang lumalala yung symptoms ng kanyang ADHD... kaya hayan, Ratatouille na lang.)

Tuesday, July 3, 2007

Rock Star Rakets Part 2: Rakrakan Deluxe

At heto na naman ang Part 2 ng aming series para sa mga Rock Star Rakets. Tangkilikin po natin ulit ang mga small businesses and independent entrepreneurs dito sa Pilipinas!


CALDERON MEDICAL CLINIC
Lopez Avenue, Los Banos, Laguna

May sakit ba ang inyong bahista? Sumasakit ang leeg sa sobrang pag-headbang? Napaos sa kasisigaw? Napuwing ba kayo sa sobrang pag-gamit ng eyeliner? Magpunta lang kayo dito at aalagaan nila kayo. Marami silang experts dito na magpapagamot sa lahat ng inyong karamdaman, lalo na sa mga karamdamang napapala sa sobrang rakrakan. We also have highly trained emo fangirl nurses to assist you with every need. Open 24 hours.

CASTILLO BAHAY KUBO
Calamba, Laguna

Hayaan po natin si Head Intern Shaun na magpaliwanag tungkol sa negosyong ito:

"Yes, it's true - madalas po kami dumadaan dito para bumili ng mga pang-bahay kubo sa rest house namin sa probinsya. Gusto ko sanang paniwalaan na magkamag-anak kami ng owner (may sinabi dati kasi si Pahpah na meron daw kaming mga kamag-anak na pinutulan ng mana ng aking Great Great Grand Lolo) pero ang masasabi ko ay talagang maganda ang mga bahay kubo nila. Sulit talaga kasi kahit ilang oras kang mag-rakrakan sa loob ng kubo ay hindi pa rin natitinag ng amp yung structure! Sana maplug namin ito sa susunod na video ng band namin!"




Sunday, July 1, 2007

Migz Vs. Koko: The Good, The Bad, and The Dance Number

To: Juan Miguel F. Zubiri and Aquilino L. Pimentel III
From: When Baduy Happens

Dear Migz and Koko:

Nabalitaan namin dito na deadlock kayong dalawa para sa 12th place sa Senado. Parang hindi pa rin ma-decide ng Comelec kung sino sa inyong dalawa ang talagang nanalo para sa posisyon na ito. Teka, di ba May pa yung eleksyon? Malapit nang mag-Fourth of July at na-proklama na yung 11 pero hindi pa rin nila makita kung sino sa inyong dalawa ang taga-roundup ng Final 12? ANO BA IYAN?

Alam ninyo, kung kami lang ang masusunod, dapat idaan na lang sa tie-breaker para hindi na nahihirapan ang Comelec dito. Pero hindi lang kahit na anong tie breaker, ha. Ang gusto naming makita ay yung talagang tunay na showdown - yung talagang pagpapakitang-gilas at talino na talagang matatangkilik ng sambayanan.

Marami talaga kaming naisip ni Bakeks na puwede ninyong gawin, pero nag-deadlock din kami.

Gusto sana naming idaan sa essay questions (5 pages or less - one sided, single spaced, 1 inch margin on both sides - following MLA guidelines for presentation and citation) pero nalaspag kaming bigla sa kaiisip ng mga tanong na hindi tungkol sa ikabubuti ng That's Entertainment sa lipunan, or kung sumasang-ayon kayo sa mga pahayag ni ex-Governor Mark Lapid na SAGING LANG ANG MAY PUSO! Hindi din namin alam kung sino sa inyong dalawa ang magaling sa French kasi ipapa-translate namin sana sa inyo ang lyrics ng "Angelina" para hindi na namin kakantahin yung bastos na version.

Inisip din namin na idaan sa karaoke, pero bigla din naming naalala na ex pala ni Migz si Vina Morales. Malay natin, baka alam niya ang tamang kombinasyon ng anabolic steroids at Pei Pah Koa na magpapalakas sa kanyang vocal chords pag tinaasan niya ang boses para sa "Victims of Love." Papayag ba kami na magkaroon ng Senador na gumagamit ng performance enhancing drugs na ganyan? Thought so.

So, without further ado, ito ang solusyon na naisip namin: DANCE PRODUCTION SHOWDOWN. At hindi lang kahit na anong dance-off tulad ni Justin at Britney na ubusan ng sindak sa dance floor - medyo classy pa iyan, at baka mapilitan pa si Tim Yap na pumasok sa pulitika pag yan ang naganap.

Gusto namin yung fully choreographed production number sa Broadway Centrum na may umuusok na dry ice at kumukurap na ilaw tulad ng mga napapanood namin noong araw sa Solid Gold atsaka Saturday Edition ng That's. Dapat yung talagang all-out na may headband, body glitter, tsaka costume na gawa sa makintab at hapit na spandex para hindi kayo mahirapan na magpagulong-gulong sa sahig at gumapang na parang pusang gala na may rabies. Kung kailangan pa ninyo ng back-up para sa inyong mala-VIP Dancers na routine ay puwede ninyong isama si Ralph Recto para mayroon kayong bubuhat-buhatin.

At siyempre, dapat gamitin ninyo ang mga Extended Dance Mix ng mga kanta galing sa playlist na ito. Uy, wag ninyo kaming tingnan ng ganyan! Simulan ninyo sa "Strut" para may warmup kayo, tapos karirin ninyo ng todo-todo yung "Gold," "Twilight Zone," tsaka yung "Xtasi Xtano (Asi Me Gusta a Mi)" para ma-LSS ng todo-todo ang mga nanonood. At kung talagang hindi na ninyo kaya eh daanin na lang ninyo sa live-action sabong to the tune of Ennio Morricone.

O, ano, payag na ba kayo? Magsabi lang kayo at ipapa-TV namin ito ng live! Naka-ready na sina Phil Keoghan at Michael Buffer para sa showdown na ito. Basta wag lang natin kaladkarin dito yung mga political analysts kasi baka magwala ang mga tao.

Two will enter. One will leave...

GAME NA!

Friday, June 29, 2007

Huwag Ka Nang Malungkot...

...dahil tuloy na tuloy na ang SPICE GIRLS REUNION!!!

Patawarin po ninyo kami, mga kaibigan. Akala nga din namin na pinalipas na namin ang mga ito eh. Pero noong nakita namin ang picture na ito sa Go Fug Yourself (lalo na noong nakita naming mataba na si Scary, buntis si Baby, at yung hitsura ni Victoria Beckham ay parang Barbie na pinagtripan ng kapatid naming lalake) eh halos napawi na ang aming ngitngit.

Bahala na kung matapos na ang mundo ngayon... at least yung Spice Girls ang nagkabalikan at hindi yung Spice Boys. (Sorry, Mr. Zubiri and Mr. Defensor.)

Tuesday, June 26, 2007

Rock Star Rakets

Nagtataka ba kayo kung ano ang ginagawa ng mga paborito ninyong rock stars sa Pilipinas pag hindi sila tumutugtog? Naisip ba ninyo kung saan sila kumukuha ng puhunan para sa retirement fund nila just in case na malaos ang mga banda nila? Well, look no further, dahil nakuhanan namin ng prueba ang mga unpublicized Rock Star Rakets! Tangkilikin po natin ang sariling atin.


ALCARAZ MOTOR WORKS
Bgy. Maahas, Los Banos, Laguna


Sigurado kaming maraming mga wannabe fangirls at trying-hard vampires na palaging tumatambay dito. Hindi lang dahil gusto nilang magpa-ayos ng kotse at magpa-oil change, kundi dahil umaasa sila na maraming mga HOTTT na mekaniko dito. Sabagay, sa sobrang lakas ng dating, nakakabakla... I mean, nakaka-bakli pa sila ng bakal! STEEL BENDER kasi...


(Note from Office Driver Jopet: Pinagsabihan na ako ng mga mekaniko dito sa shop na ito. Palagi daw akong hinahanap ng mga chicks doon. Nakakatakot daw kasi ang kapal mag-makeup at ang taray pag pinagsasabihan na wala ako! Buti na lang hindi nila alam na sa dealership lang nagpapaayos ng mga auto nila Bakeks at Meimei...)


DANCEL DORMITORY
Umali Subdivision, Los Banos, Laguna



Going to UP Los Banos? Mag-board kayo dito at siguradong hindi kayo sasablay sa mga chicks. Kung ayaw nila sa iyo, eh siguradong mas ayaw mo sa kanila. And really, it sure beats taking them to Mariposa.











CHITO'S FRIED CHICKEN
Rhodas Subdivision, Los Banos, Laguna

Meron ba kayong pansit? (Wala po!) Meron ba kayong adobo? (Wala po!) Meron ba kayong chopsuey? (Ubos na po!)... CHEF! Meron ngang menu! Wala na bang ma-ORRRRRRRRRRR-DERRRRRRRRRRRRR na CHIICKEEEEEENNNNN?????




PIZZA VOLANTE
Baguio City

Nakakasigurado kami na hindi na kumakain dito si Nina pag pumupunta siya ng Baguio. Masyado sigurong mataas yung tono ng kanilang Italian food.

Next installment: hotel para sa mga Halers, gawaan ng bahay-bahayan for conios, at ang drug store mong walang katulad.

Sunday, June 17, 2007

Ate Meimei and Manay Bakeks' Copy Editing and Love Advice Portion

Noong isang araw, may natanggap kaming isang package galing sa isang batikang showbiz writer sa Pilipinas. Ito ang note na kinabit niya sa package na pinadala niya sa amin:


To my dearest Bakeks and Meimei,

Please find time to edit this text from a good friend of mine.Inglisera naman kayo pareho.

Funfarely yours,
Kuya Ricky



So, without further ado, here are our editing notes - made with blood-red G2 editing pens imported from Japan, of course - for the following text galing sa isang taong itatago natin sa initials na Y. B. (Ano iyan, Young Borat? - Head Intern Shaun)


Tito Ricky, it was when beginning time we have interview with you. Now I am requesting with you for ending.

"When beginning time"? Ano iyan, bago naisulat ang Book of Genesis sa Bible? So ang ibig sabihin niya ay siya ang nagsimula ng isyu at gusto niyang tapusin.

I would like to finish this story with you, with Ruffa we deciding end this story because of me.

Oy, RUN ON SENTENCE! We no likey the run-on sentence, it is boring, it makes the person sound monotonous. Anyway, we get the point. Try "Ruffa and I have decided to end this story together."

Even though we love each other so much, it cannot be fixed because of my disrespectful words. When I use my words, it is because I am so angry and out of my mind.

Kita ninyo iyan? English major kasi ang Ate Mei ninyo kaya minsan naalala pa niya ang maglagay ng proper subject verb agreement.

Just I was try to survive my honor and my family but I forget my wife, mother of my children, and Gutierrez family also carrying my honor. Whatever I am saying, those people not deserving. But whatever to Ruffa and her mom said to me I deserve all this words. However, until today whoever believe and trust my words I am apologize to them because I was wrong!

Teka, teka, teka, naguguluhan na kami dito sa kung sino ang mas "deserving" at sino ang "carrying honor" dito. Please clarify.


I am not deserve Ruffa and her love because she was good wife, good mother and good human, but I am not! I am saying all this with my free will. I am not try to make anybody happy. I am saying this because it’s truth.

Heto ang pahayag ng aming Head Intern Shaun: Pare, I have loved a lot of good women in my lifetime. Hindi din ako deserving na mahalin sila, sa totoo lang... pero kung alam ko from the very beginning na niloloko ako ng asawa ko dahil 1) hindi niya inasikaso ng mabuti ang unang divorce niya and 2) mukhang datung ang nanay niya, eh hindi mo ako masisisi kung uminit din ang ulo ko, ano? Then again, ayoko ngang gamitin yung walk in closet ko sa bahay para magkulong ng mga bruha. Baka masira kasi yung aking collecshaun ng vintage vinyl records...

I wanna clear Ruffa and members of Gutierrez family, Bektas family also Islam religion and my country. If something wrong, I am the wrong one. Out of my family name, I wanna say this name just Yilmaz from my heart and with my free will.

Hmmmm... So you are speaking as Yilmaz and Yilmaz alone, right? From the heart? Mukhang makukuha mo na kami dito...

From now, probably people calling me insane. I would like to say that the difference between insane and genius is success and failure. I failed but sometimes because insane better than being intelligence because you will not gonna see dirty side of world...

...Pero ano ba itong ibig sabihin mo ng "insane better than being intelligence?" Sige na, makikanta na kayo sa amin! SINONG DAKILA, SINO ANG TUNAY NA BALIW?

Tito Ricky, please do this favor to me and publish this. And clear Ruffa and her family name. Thank you. It will make me happy but not proud.

Hmm, let's think about the family whose name you are clearing, pare: Si Daddy, na maraming babaeng inanakan bago niya pinatulan si Mommy na mukhang pera. Ang mga kapatid niya, na kinabibilangan nina 1) Captain Barbell; 2) ang kakambal niyang si Captain Effeminate; 3) isang walang kuwentang rapper; at 4) sari saring mga failed child actors na tinulak ni Manay Bisaya na mag-artista bago sila tumakas sa States para magpakatino? Yeah, we would not be proud either.


Also, I wanna send this message for Gutierrez family:

I am sorry to you and mother Annabelle. Hope one day you will forgive me. I know how difficult. Never I didn’t want to be disrespect, never I am thinking will gonna happened like this, what I did until today. It was just I try getting my family back.

Ay parang kabaligtaran ito ng mga pelikulang pinapanood dati ni Meimei at ng kanyang ermat sa Lifetime Channel sa Tate! Pero dito sa vershaun na ito yung foreigner ang humihingi ng tawad kasi hindi niya akalain na siya ang maiiskandalo. Uy, ibang kuwento na ito ah. Siguro next time magtext kayo kay Manay Oprah, ha?

But I lost my family and your respect because of my anger. I don’t know how but just story getting out of control. Just I wanna say you Ruffa and mother Annabelle always good to me. Whatever I say until today all bad words to hurt you...I taking to myself. Please Dad, Mom, I lost my love and my family and your respect. Believe me, it’s more painful than bullet pain.

Yan na ang bagong catchphrase namin dito sa When Baduy Happens headquarters. "Uy, Meimei, narinig ko yung cover ng 'Jealous Guy' by Cueshe! IT'S MORE PAINFUL THAN BULLET PAIN!"

Just please I know how difficult to forgive but just accept my my sorry like nutty son.

...As opposed to "accepting sorry like Naughty Shaun." Kasi pag naughty si Shaun, kinukulong lang namin siya sa loob ng aming walk in closet kasama ni Meimei.

(Leche, tumahimik kayo diyan! WALA KAYONG ALAM! - Head Intern Shaun)

And believe me, never I am not gonna be with my Ruffa!! Mom and dad it’s your Ruffa now. Please dad, take care of her.

Uy, double negative! Buti na lang hindi mainitin ang ulo ni Mei sa mga ganyan. Pero if you're letting go, eh di ba dapat "never am I going to be with my Ruffa"? Kasi pag nilagyan mo ng double negative parang ayaw mong bumitiw eh...

(*cue all interns singing "WAG KANG BIBITIW BIGLA! WAG KANG BIBITIW BIGLA!"*)

Sorry, sorry, million times sorry for Gutierrez and Bektas family, except myself.

At dito natin maririnig ang pag-epal nila Mahmah Bakeks at Mahmah Mei sa kanilang chorus ng "Patawarin Mo Muna ang Sarili Mo." Labyu Moms!

Tito Ricky, we decide to finish our story just last night. It’s now final decision, 14 June 2007. We completely break up. Thank you!

...And that concludes the Copy Editing and Love Advice Portion of our blog entry. We now return to our regular programming.

Monday, June 11, 2007

Can You Spell SCHADENFREUDE?

Ang ganda ng weekend namin ni Bakeks.




  • Binalik sa bilangguan si Paris Hilton.

  • Inamin na ni Ruffa Gutierrez na kinasal siya sa ibang lalake, at ang lalakeng iyon ay hindi si Yilmaz Bektas. (Oo, nanood si Bakeks ng The Buzz kahapon habang nakikipagchat sa akin. And we have this to say: Sorry, Ruffa, but your credibility expired last month.)

  • Lumabas ang "kissing photo" nina Gretchen Barretto at John Estrada - at sa sobrang kahihiyan ni Gretang Magarbo ay napilitan si Boy Abunda na magsalita para sa kanya.

  • Nalaman ko lang na may concert pala ang The Bloomfields dito sa Hawaii! YEHEY! One giant step in keeping Hawaii's Fil-Am community jologs-proof! (Note to Philippine Consulate: Next year puwede ba Bamboo at Sandwich naman?)

  • Napanood ko na ang video ng "SAGING LANG ANG MAY PUSO" Dance Remix (hee!)

  • Dismissed na ang mga libel cases between Dra. Belo at Losyanga... I mean, Rosanna Roces
  • Speaking of Dra. Belo, lumipat na si Kris sa Facial Care Center. Goodbye, regular Monday facial appointments with Hope-Ya-Like-It in Cubicle #69!

  • Nagbreak na sina Owen Wilson at Kate Hudson... which means may pag-asa na ang mga lola ninyo sa one and only na Butterscotch Stallion! Yum!

  • Patok sa takilya sa opening weekend ang Ocean's Thirteen! WOOT WOOT!

And that's not even counting the chismax I just heard tungkol sa pakikipagbreak nila Erik Santos at Rufa Mae Quinto. (Although, come to think about it, wala kaming pakialam - at kung akala ni Manay Erik na may pag-asa na siya kay Owen Wilson eh humanda siya sa amin!)

Pero aaminin ko din, busy na kami pareho. Hindi lang dahil sa trabaho namin, or sa sosyal life namin, kundi dahil sa marami kaming naisip na pakulo para sa aming mga "fans" (yes, all five of you) ng When Baduy Happens. Marami pa kaming mga celebrities na kailangang laitin. Marami pang mga chismis na kailangang usyusohin. Marami pang oras ng "research" na kailangang sayangin sa Letterman, Leno, Oprah, The Daily 10, Showbiz Central, The Buzz, Your Song, at iba't ibang mga palabas na nakakatunaw ng utak.

At siyempre pa, dito pa ninyo malalaman ang EXCLUSIVE HOT NEWS galing sa amin mismo na magla-launch na ang When Baduy Happens ng sarili naming skincare, fragrance, and cosmetics line! Hindi puwedeng matupad ang aming pangarap ng total world domination kung hindi namin tatapatan ang Bench at Ever Bilena sa kanilang market share!

Abangan na lang po ninyo ang mga balita namin dito. Luv ya, mean it!

Saturday, June 9, 2007

We'll Always Have Paris

Kagabi sabi ni Bakeks sa akin, "Let's write about Paris Hilton!" Eh ayoko naman kasi alam ko may naka-file na motion para ibalik yung hitad sa bilangguan at sabi ko na hihintayin ko na lang yung court date bago ako magsulat ng kung anu-ano.

Well, dumating ang court date kaninang umaga. At ito ang napagdesisyunan nila....

Paris Goes Directly Back to Jail (from E! Online)

Panalong-panalo pa nga yung picture na isinama nila sa news report eh. Kitang-kita na mas grabe pa siya kay Noynoy pag iniiyakan niya ang ermats niya.


Ang ganda nga ng napagdesisyunan eh - imbes na 23 days eh kailangan na niyang tapusin ang 45 days niya, walang reklamo, walang eklavu. Now the only challenge is to keep her there, no questions asked.

At yun lang ang masasabi ko.

Wednesday, June 6, 2007

How Not To Be Baduy:Ang Katulad Mong Walang Kabaduyan

Moonlane Gardens


Children,listen to me.On June 8 go to Odyssey Megamall at around 5 PM.Album launching ng Moonlane Gardens.Pagkatapos nun may after party sa Mugen Metrowalk.Free entrance.BRING YOUR OWN MONEY for beer and pulutan,that's if you are 18 years old and above.Bawal ang mga Microsoft o "user-friendly".Wag mag-inarte.Pumunta kung gusto talaga pumunta.Madaming paraan para makarating sa gig.

Ayos?Ayos!

Friday, June 1, 2007

When Baduy Apologizes

Recently nakilala ni Bakeks (sa wakas) ang isa sa mga walking targets namin dito sa When Baduy Happens. No, hindi si Gretchen, Ruffa, or lahat ng mga senatoriables na inapi namin. Actually, ang tinutukoy namin dito ay isa sa mga featured letter writers sa Rock Star Mailbag namin. Mabait naman siyang tao, pero hindi lang masyadong matalas sa English.

Kung ka-level siya nila Alma Moreno, Melanie Marquez, at Alyssa Alano sa kasikatan, magandang target na siya. Yun nga lang hindi eh, kasi tao lang siya. Hayan, nahihiya kami sa kanya.

On behalf of WBH, I would like to extend my deepest, heartfelt apologies.

*****

Speaking of apologies, nabalitaan namin dito na nasuspend daw si Tim Yap sa Inquirer kasi hindi niya talaga matiis na magsulat at hindi banggitin ang kanyang isang-katerbang mga raket na ginagawa niya pag hindi siya nagsusulat. Tim, darling - kung gusto mong ma-achieve ang goal mo ng world domination, hindi mo iyan ma-a-achieve kahit gawin ka pang Editor-in-Chief ng Inquirer. Bakit, akala mo ba masyado ka nang sikat para magkaroon ng account sa Blogger, MySpace, at Multiply? At least doon marami kang ma-uuto... um, I mean, mako-convince... na ikaw ang pinaka-astig na writer/ actor/ model/ entrepreneur/ designer/ journalist/ activist/ WHATEVER sa buong mundo at walang binatbat ang iba diyan sa iyo, gay or straight.

(Also, Tim? Siguro naiinggit ka lang kay Pete Wentz kasi naunahan ka na niyang mag-design ng damit para sa DKNY. At least si Pete, kahit lumalaki na ang ulo niya sa sobrang kasikatan eh nakikisalamuha pa rin siya sa mga great unwashed sa MySpace, ano? Ba't hindi mo na lang tularan iyan?)

Kaya: Tim Yap, this song is for you. Not because you're gay, ha... but if you listen long and hard enough, you'll realize that there are worse things in the world than just being bakla.

Saturday, May 19, 2007

Isang Buwan,Dalawang Haligi


Dear Kuya Cesar,

Noong isang araw lang ay pinaguusapan namin kayo ni Meimei.Nakakalungkot naman po na mawawala na pala kayo.Gusto po naming magpasalamat sa pagpapatawa at pagpapasaya nyo sa amin simula noong bata pa kami.Kuya Cesar,tingnan nyo po yung video ng balita tungkol sa inyo sa TV Patrol...





Na-extra pa ang mga natalong politiko na nilalait namin.Habang pinapanood po namin ito ay napangiti nyo pa rin po kami kahit na malungkot na balita ang kasunod.Nanghihinayang po kami na wala na kayo.Hindi na po matutupad ang pangarap naming maka-jam ninyo si Gloc 9 at Francis M para sa isang tribute sa inyo.Kakaiba po talaga ang style ninyo.Nag-iisa po kayo Kuya Cesar.

Bago po ako magpaalam sa inyo ay nais ko pong ikwento sa inyo ang isang joke na lumang luma na pero benta pa din.

Si Kuya Cesar daw nagbebenta ng encyclopedia.Para makabenta ganito ang sinasabi nya:

Kuya Cesar:SI.GE.KA.PAG.DI.KA.BU.MI.LI.SA.A.KIN.BA.BA.SA.HIN.KO.NA.LANG.SA.YO.


Hanggang sa muli...Paalam po.










Mahal kong Yoyoy,

Hindi po ako mahilig sa novelty singers pwera lang po sa inyo.Ang dahilan:marami po akong natutunan sa inyo.Katulad po nito:



Dahil po sa inyo ay nasaulo ko ang mapa ng Pilipinas para sa isang exam noong Grade 5 ako.Palagay ko po ito ang naging inspiration ng "DV" na ginawa ng Cambio.(http://www.metrolyrics.com/lyrics/278115882/Cambio/DV)

Natuto din po ako tungkol sa History:




Physical Education:



Ang galing nyo magsulat ng kanta na tagalog version ng "Let's Get Physical" ni Olivia Newton-John.

Music:



at higit sa lahat,Chinese:



Dapat may tribute album din po sa inyo.O maka-jam nyo man lang sana ang mga astig na banda natin ngayon katulad sa NU Rock Awards.Pero huli na po ang lahat...Maraming salamat po.

Tuesday, May 15, 2007

Are You Now, or Have You Ever Been...

Once again, ayaw namin palampasin ang pagkakataong banggitin ang iskandalong ito. On the one hand, hindi nakakatawa ang divorce or domestic violence, lalo na pag may anak na yung mga involved. But, on the other hand... Ruffa, who isn't exactly as good as an actress as she thinks she is, kasi otherwise hindi siya magiging walking target na katulad nina Kris or Gretchen. Tandaan po ninyo, kung pati na ang ermats ni Ruffa mismo nagsasabi na sa kanya na "Napaka-plastic mo, day!" eh papaano na kami dito sa When Baduy Happens?

Kaya ang Lesson for the Day natin, mga kaibigan, ay ang equation na ito:

If COMEDY = Tragedy + time,

then

SCHAEDENFREUDE = Tragedy + endorsements + Boy Abunda x (live audience).

Shout out to our friend MP, who alerted us to this video via a link from chuvaness.livejournal.com.

Sunday, May 13, 2007

Wow, Pare, HASSELHOFF!


Yes, alam namin na mukhang kawawa si David Hasselhoff sa video na ito. Kaya hindi namin ito uukrayin sa blog na ito.

Then again, matagal na namin alam na mangyayari ito eh. Want proof? Tingnan lang natin ang susunod na video...



Seriously, hindi namin alam kung sino ang mas nakakaloka sa video na ito: si Hasselhoff, na pumayag sa duet na ito, or si Regine Velasquez, na halos hindi na namin makilala. (Vicki Belo, ikaw ba iyan?)


At heto naman ang notorious "Crying Hasselhoff" moment noong nanalo si Taylor Hicks sa American Idol. Ayokong sabihin kung sabog siya or hindi dito (although kung ako ang tatanungin ninyo, palagay ko obvious naman ang sagot diyan) pero gusto ko talaga malaman kung ano ang iniiyak-iyak niya dito. Fan ba siya ni Katharine McPhee? Na-touch ba siya sa lyrics ng "Do I Make You Proud"? Or baka pinagluluksaan lang niya ang career niya? Sabagay, iiyak din kami pag naalala namin na hindi na namin nakilala ang pagmumukha ni Regine noong nakaduet namin siya. Huhuhu.

Either way, sana magpatingin - at magpagaling - na siya.

Saturday, May 12, 2007

When Baduy Happened to Philippine Politics,Part 8:Who's Your Baby Mammah?

Noynoy is the oldest mama's boy in the world.Yes,he is the son of a former president and a national hero.Bow ako sa magulang niya.Kaya nga nahirapan ako manglait sa kanya dito sa blog.Pero hindi naman yata tama na wala ka nang masabi sa tao kundi anak ako ni ganito at kuya ako ni ganito.Tapos pag pumapalpak "papaluin" ng nanay.Naman,naman,naman.Habang buhay na lang bang magtatago sa ilalim ng saya?




DON'T LET BADUY HAPPEN TO YOUR FAMILY.

When Baduy Happened to Philippine Politics, Part 7: They Say You Want a Revolution....

Para naman hindi nila masabi na biased kami - dahil naniniwala kami dito sa Equal Time - heto ang latest political ad ng Genuine Opposition.


Noong kinuwento sa akin ito ni Bakeks ang una kong naisip ay, "Bakit hindi na lang PLAN C REVOLT? Mukhang may hang-up sa EDSA ang mga ito eh. May EDSA 1 na at may EDSA Dos pa - ba't hindi na nila aminin na pumalpak na yung Plan A at Plan B?"

Wednesday, May 9, 2007

Bulaklak (na Fake) sa City Jail

Akala ninyo mapapalampas namin ang nalalapit na jail term ni Paris Hilton? Oy, hindi, no? Ganyan kami kabaduy dito sa blog na ito.

We are of the opinion na, kung ibibilanggo man lang yung hitad, eh todo-todohin na ninyo para hindi na siya makaalis kahit kailan. Please lang, di ba? Ano ba ang ginawa ng bruhitang iyan para sa ikabubuti ng tao? Okay, bukod sa pag-record ng "Stars Are Blind" (na nirerequest namin minsan sa karaoke) at ang starring role doon sa video scandal niya - pero sa totoo lang?

Besides, anong klaseng tao ang magmamakaawa sa MySpace (ay wag ninyong hanapin - baka mahawahan kayo ng STD niyan) para palayain siya with these words:

My friend Joshua started this petition, please help and sihn [sic] it. i LOVE YOU ALL!!!!!"

Ouch. Hindi ito ang asal ng isang tunay na International Superstar. Ang tunay na International Superstar, hindi nagmamakaawa - nagpapaka-passive/aggressive lang.

And as if this isn't enough... may web petition pa ang bru sa http://freeparis.org/, which also begs the question... ANONG KLASENG KABALBALAN ITO?!?!?

Saturday, May 5, 2007

When Baduy Happened to Philippine Politics, Part 6:Birds of the Same Feather JOLOGS Together




Bwahahahahahaha!MAS PARA SA KIDZ MO?Kaya bumobobo ang kabataan za zpelling at grammar dito za Pilipinaz.Trying hard maging hip.Puro THUNDER CATZ naman ang naza partido.Zalengket-ket lang talaga zi Original TeMachetz.

When Baduy Happened to Philippine Politics, Part 5: The Great HOPE Freshness

Mga bata, naalala pa ba ninyo ang "friend" natin na si James Yap? Yung tatay ng bagong baby ni Kris na 1) pamangkin ni Tessie the Dancing Queen, 2) anak ng pangulo tulad ni Mikey, at 3) at one time na na-link sa SAGING LANG ANG MAY PUSO! ni Mark Lapid?

Oo, yung James Yap na iyon. Di ba nagkaroon din iyan ng iskandalo sa isang dating empleyado ng Belo Med? Yung may kapangalan na yosi? Yung lumabas sa S-Files at sinabi niya kay Manay Lolit Solis na "dog style po, manay" ang ginawa nila sa loob ng super-kitid na cubicle?

Paano kasi, palagay ko kilala ni Ping Lacson yung babaeng iyon, eh.


Ping, ANO KA BA? Hindi ako mahilig sa conspiracy theories, ha, pero nakakahalata na ako sa iyo. Pag gusto mong mapansin, dinadaan mo sa pagtira ng mga babaeng nagiging kalaguyo ng mga kalaban mo. Ginawa mo na iyan kay GMA noong sinabi mo na may ibang babae si FG, tapos ngayon si Hope the Luxury Lay naman para hiritan ang mga Aquino na makakabangga mo sa eleksyon. Kaya pala ang jingle mo ay "SI PING ANG KINABUKASAN" - kasi... hee, "siping."

Kaya nga, eh. Sinabi ko na ito kay Bakeks, at sasabihin ko sa inyo ito. Tama nga yung hinala ng tatay ko tungkol kay Mr. Lacson -

(sabay talon si Head Intern Shaun para maging human shield in case na tirahin si Meimei ng mga goons)

Sunday, April 29, 2007

Rock Star Mailbag: Carabao English and Sablay na Comments Edition

Here at When Baduy Happens, we always have our interns reading our mail for us - including the emails we get from the Yahoo! Groups of our favorite bands. Yown nga lang, minsan sumasakit din ang ulo nila sa pagbabasa kasi hindi minsan nila masikmura ang baluktot na English ng ibang mga listers dito. Alam ninyo naman na sosyalin and well-educated ang mga interns na kinukuha namin dito, kaya VERY IMPORTANT sa kanila ang proper use ng English grammar. So, para hindi na sumakit ang ulo ng mga interns namin, ilalagay namin dito ang mga favorite letters namin... and by "favorite" we mean "yung talagang nagpapa-high blood sa amin sa sobrang pagka-ewan." Enjoy!


LETTER #1: NATUTULOG BA ANG DIYOS?

Good day !

Alam na naman siguro ng lahat na ka-(blank) si (band member) sa (blank).

At bilang isang (toot-toot) nito,he is then aware enough of the CHURCH's LAW-ang hindi pakikipagtipan sa sanlibutan. Kung alam nya lang na sobrang tinitingala siya ng maraming kapatid sa (name of church), at pangit yatang pakinggan kung totoong sila na nga ng close friend nyang (starlet)... sana lang (blank), maging handa ka sa mga consequences pag nagkataon... but if ever... wala na man talaga tayong magagawa mga mahal na kapwa (kagrupo) !

...ngunit kahit anong mangyari,,patuloy kang kasama sa mga panalangin namin [snip] you surely will meet someone, someone who doesnt just loves you when your naked... eheheheh! MAY OUR FAITH BE MORE CONCRETED.

*****

LETTER #2: CRIMES OF PASSION

i'll file cases against (same person as above)
the case are:
robbery(for stoling my heart)
illegal possession of cuteness

and (same as above) you are guilty
so you are hereby sentenced to LOVE ME FOREVER and dat's an ORDER!!!

***********

LETTER #3: SPEECHLESS

your new songs was awesome. Its a little bit more funkier and more sympathizers and [percussion instrument #1]!! wooohooo!!. . thats right!! my very very good comments [snip]

(Sablay na comment sa song #1): WOOOOWW!! awesome!! unique the only song with no
guitar playin" that i have ever known and with new [percussion instrument #1] and
[percussion instrument #2]!! Its just a touch of pure dance yo!

(Sige,inglisan pa to sa song #2): ...and i think its with a touch of U2 sound on the chorus part. It reminds me of a U2's song.

(Sablay na comment sa song #3): [Band] likes a song that they will mentioned all the subjects for that topic [snip].... ahaha the question is aswerable by a song.ahahaha!

(Concluding statement):
hope [band] would appreciate it and think of this as an acceptable comment because for me their is no negative comments bcoz its a deceiving songs.thanks!!

******

LETTER #4: MAALAALA MO KAYA?

Its been a long time...I was surprised to you guys. Cguro d nyo ako natatandaan, I was a classmate from [name of school]. And its very surprised that everybody up there rigth now! I am now here in [overseas for a certain amount of time],when I heard all of you guys unbelievable.I remember the days in highschool our 1st concert , we won at inter CHOIR competetion, ang cute cute nyo pa non. ang gwapo gwapo p ni [band member #1], [band member #2] ganun pa rin wlangpagkakaiba. cguro d nyo n natatandaan [snip]....Kakainggit kayo di hamak mas magaling akong kumanta s inyo.

GOD BLESS U ALL, AND KEEP UP THE GOOD WORKS...