Saturday, March 26, 2011

Stop Being Baduy: Sarah Geronimo

Matagal ko na kasing gustong malaman kung totoo ang mga bali-balita na lumalaki na ang ulo ni Sarah Geronimo.

Baka nandito sa production number na ito ang kasagutan?



Sarah, darling, maawa ka naman sa sarili mo. Sige ka, kung hindi ka mag-iingat, baka mapraning ka nang husto at hindi mo na namamalayang nagpakalbo ka na.

Tuesday, March 22, 2011

Baduy Stalkers

Panalo talaga yung mga comments sa YouTube para sa video na ito.



Sample comments lang:
i am think about this girl, we just started talking, and this song put in the mood to talk to her
(Ano'ng klaseng mood kaya iyan? Mood para manampal?)
when my gf left me...i got really drunk..hear this song and start crying...
now im sober...i hope she rots in hell...
(Obviously this person has not seen a single episode of Intervention.)
this song make me , well remember someone ,, 4 yr ago her take my heart away.
now i hope her can run back to me soon
(Yilmaz Bektas, is that you?)

At ang pinaka-nakakagimbal sa kanilang lahat...
LOVE ([name redacted]) sa DALAWANG ARAW KITANG HINDI MAKAKAUSAP,,you CUT my HEART like a KNIFE........
(Wow, pare, dalawang araw lang? Yung ibang tao diyan, inaabot ng tatlong taon bago mamalayan na sila'y sinaksak na ng kutsilyo, binuhusan pa ng asido, at pinukpok ng martilyo. Amateur!)

Plus, one week later!
[Name Redacted Ulit] (kulasang basa) Imiss KO Ang lahat lahat,,sa ginawa mo sa aki para mo nang sinaksak ang PUSO ko,,laging ang saiyo lang ang alam mo,,,pero ang sa akin ay hindi mo alam........
(Alam mo, may kasabihan sa wikang Ingles na tunay na nararapat sa sitwasyon mo: DUDE, SHE'S JUST NOT THAT INTO YOU. Tapos may pa-comment comment ka pa diyan sa YouTube. Ipa-pulis ka pa namin diyan, hala ka.)

Tuesday, March 1, 2011

Stop Being Baduy: The Remaining Members of Oasis

Dear Liam Gallagher:



We have no problem with you paying constant tribute to The Beatles. However...

1) Umamin ka na - kinopya mo ang chord pattern and drum line ng kantang ito sa "Instant Karma," ano?

2) This song would have been ten million times better if it was performed by Orange and Lemons.

3) Also, judging by the close-ups of your face in this video, hindi lang sound ng banda mo ang pinaglipasan ng panahon. Parang awa mo na, manalamin ka na nga, dahil mukha ka nang dehydrated na bayawak.

Baduyfully yours,

Meimei

Monday, February 14, 2011

Happy Baduylentine's 2011

Wala ka bang date ngayong Valentine's day?Eto o,mamili ka.Walang sinabi ang mga Azkals dito:





Sabi nga ni Chito Miranda "My name is Peter North and I'm from Houston, Colorado." Hahaha!

Happy Valentine's Day from When Baduy Happens!

Saturday, September 4, 2010

When Acoustic Sucks

Muntik na akong makapatay ng tao noong narinig ko ito sa Festival Supermall noong isang araw.



Not because it's one of the many unoriginal "acoustic" songs polluting Manila, or the fact that this is one of the many unoriginal "acoustic" songs performed by a former sex-tape "victim" girlfriend of Hayden Kho. What really made me angry is the fact that her version rips off THIS GUY:



Walang biro! Ninakaw ni Prinsesita ang buong instrumentation ng "I'm Yours" mula simula hanggang katapusan! And don't even use the "same four chords" defense on me, because seryoso talaga ako! Parehong-pareho ang bagsak ng gitara mula intro hanggang katapusan. Gusto ko tuloy ipadala ito sa mga abogado ni Jason Mraz para malugi na sa wakas ang mga producers ng Addicted to Acoustic.

Speaking of: Jason Mraz, ngayon ko pala nalaman na kasalanan mo yung linyang "ah la peaceful melody" sa first version ng kanta mo. Mabuti na lang at ginawa mong "we're just one big family" kasi babatuhin sana kita ng sapatos kung hindi mo ginawa iyon.

(Why, yes, nagkataon talagang narinig ko ang mga ito na back-to-back sa Festival habang naghahanap ng makakainan doon. Bwiset.)

Friday, August 13, 2010

Parokya ni Kristeta

Kris Aquino's acting is like Ben Stiller's "Blue Steel" pose from Zoolander.