Thursday, December 31, 2009

Happy New Year from When Baduy Happens

Relive the good times with your favorite friends from The World's First Exclusively Online Drama Series!



Starring:
Sirena Van der Damme
Nate Porquebaldado
Chakang Basstoss
Chenelyn Humpday

And special guest star Blair-yanboy (na nakikitira lang sa) Waldorf-Astoria

Congratulations, kids: You have just received the first When Baduy Happens Award for Baduy FAIL of the Year 2009!

Tuesday, December 8, 2009

Ang Karimarimarim na Kasalang Bayan, Part 1: Wedding Playlist

Hindi kami nagbibiro: Marami na kaming mga kasalang dinaluhan sa mga nakaraang taong ito... lalong-lalo na ang super-bonggang kasal ni Bakeks na idinaos kamakailan lang. (Haller!) Yun nga lang, napapansin namin na maraming nagiging cliche sa mga kasalan, lalo na sa pagpili ng music. Isipin ninyo, palagi na lang pare-pareho ang mga kantang pinipili sa kasal - palagi na lang "The Prayer" atsaka mga sari-saring acoustic cover ek-ek ang naririnig namin. Minsan talaga, nagtataka kami kung talagang pinag-iisipang mabuti ng kinakasal kung ano ang mga pinapatugtog sa kasal nila.

Tulad nito: May lumapit sa amin na isang well-known na wedding DJ na nagbigay sa amin ng super-confidential playlist para sa isang napakalaking Kasalan ng Bayan na naganap kamakailan lang. Alam na siguro ninyo kung sino ang tinutukoy namin dito dahil napanood na ninyo siguro yung buong kasaysayan ng panliligaw nila sa TV... at dahil hindi nila alam na kinausap kami ng DJ nila, dadaanin na lang namin sa blind item ang pagbabalita nito.

Anyhow, sabi kasi ng DJ na ito, yung narinig nating music doon sa kasalang pinalabas sa balita ay hindi yung tunay na playlist na pinapatugtog doon sa buong seremonyas. Para sa ikabubuti ng bayan, nararapat lamang na ilahad namin sa blog na ito ang katotohanan... ang tunay na mga theme songs ni Senador "M" at Newscaster "K" sa kanilang kasalan!


Bridal March:


- Rex Smith, "Forever" (in the style of the JK Wedding, except mas baduy)

Offertory:

- Michael Franks, "The Lady Wants To Know" (magkano daw, pinamigay na kasi yung reception eh... *ahem*)


Final Song/ Photo Session:

- Mark Sherman,"Changes in My Life" (tapos Jed Madela yung credit sa program, YEEECHH)
- Jim Photoglo, "Fool In Love"
- Guys Next Door, "I've Been Waiting For You"
- Kuh Ledesma, "Dito Ba?" (masyadong conscious sa blocking)
- Neocolours, "Hold On" (or puwede din yung version ni Michael V)

Reception Entrance:
- Miss Ganda, "Sugat sa Puso"
- Ohio Players, "Rollercoaster Of Love"

First Dance:
- Rihanna, "Take A Bow"
- The Doobie Brothers, "What A Fool Believes"

Entourage Dance:


Money Dance:
- ABBA, "Money Money Money"
- The Dawn, "Enveloped Ideas" (mahilig daw sa "envelope" yung bride)

Cake Cutting:


Bouquet Toss:
- Gwen Stefani, "Rich Girl" (eh kung mag-aasawa ka man ng yaming, mabuti pa nga...)

Garter Toss:


Featured Guest Musicians:
- Cueshe
- Shamrock
- Dagtang Lason

Monday, December 7, 2009

The Ateneo Way: Ganito Daw Sila Noon...

Quote galing sa Philippine Star column ni Jim Paredes noong nakaraang Linggo:

To be sure, there are many good schools in the Philippines, and all of them can claim that their graduates have played big roles in our national life. Yet, despite the fine traditions and reputations of these great schools — the Ateneo included — in inculcating values and skills among their alumni, and the long list of their graduates who have done well not just for themselves but also by their fellowmen, it is obvious that all these school also carry the shame of having among its alumni the rogues who have not only scandalized the Filipino’s sense of values but may have also inflicted heavy damage on our political, economic and social institutions.

It must make their teachers, spiritual advisers, guidance counselors shudder when they see their former students occupying prominent places in the national gallery of ill repute. I can imagine how bad some of them must feel, having given (at least in the Ateneo I knew) so much time and effort, patience and perseverance to teaching these rogues their A-B-Cs and 1-2-3s as well as the religious, civic and social values that were supposed to shape them into decent, ethical and exemplary grownups.

(Boldface, ours.)

Hmmmm... may pinapatamaan kaya si APO Jim dito? (And by "pinapatamaan" hindi ko sinali dito ang mga hirit niya kay Gloria at sa mga Ampatuan.)

Panoorin na lang natin ang ebidensya:



Disclaimer: Mga taga-Peyups po kami... pero labs din namin ang mga Atenista, promise! Kung hindi ninyo na-gets ang joke na ito, sa inyo na iyan.

Tuesday, December 1, 2009

From the When Baduy Happens Mailbox

Dear WBH:

O, ano, nag-file na ako ng Certificate of Candidacy sa darating na eleksyon. Sorry na lang kung na-disappoint kayo, ha? Ano ba naman magagawa ko kung gusto talaga ng mga alipores tao sa akin? Sabagay, alam ko naman na mami-miss ninyo ako pag umalis na ako nang tuluy-tuluyan sa pulitika. Sorry na lang talaga, pero panalo pa rin ako. Ano ngayon ang mga masasabi ninyo, aber?

See you at Le Cirque,

Your new Congresswoman-to-be from Pampanga


Dear you-know-who,

Ayaw na sana naming mag-komentaryo dahil medyo nakakatakot na nga ang mag-komentaryo sa mga bagay na ito; baka mamaya bigla na lang kaming mawala tulad ng mga hitad sa ChikaTime. Magde-dedicate na lang kami ng kanta sa iyo, ha? Mas bagay kasi ang lyrics sa sitwasyon eh. Yun lang.

Monday, November 16, 2009

Sometimes When We Punch



First impression: Animal print na may sequins? Nag-aaudition ba siyang maging assistant ni Siegfried and Roy?

Grabe naman yung silver eyeshadow. Isama mo sa highlights, updo, at tan niya, at kitang-kita na pinagsama sa kanya ang lahat ng mga bad style cliches pagdating sa mga Pinay sa Amerika. Kung sino man yung mga stylist na nagpaganda kay Sarah Geronimo, dapat din ipadala sila sa bahay ni Ramiele. Bakit ba kasi pag may sumisikat na Pinay mukha palaging pinagtripan ng mahaderang bakla (see also: Charice).

Ramiele, Manilyn Reynes called. She wants her top and hairdo back!

Mabuti pa si Pacman disente lagi ang outfit. DA HANESTEE TOO MATS!

The Gospel According to Bob Ong

Mahirap pumapel sa buhay ng isang tao.

Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili niya.

Also: Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.


And also: Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.



Ang salita ni Bob Ong.
Thanks be to Bob.

Saturday, November 14, 2009

Nananawagan Po Kami

Kung sino man po ang may-ari ng canteen na ito...

Paki-check po yung spelling ninyo. Ganito po kasi ang pagkakaintindi namin ng salitang iyon:



Maraming salamat po.