Monday, November 16, 2009

Sometimes When We Punch



First impression: Animal print na may sequins? Nag-aaudition ba siyang maging assistant ni Siegfried and Roy?

Grabe naman yung silver eyeshadow. Isama mo sa highlights, updo, at tan niya, at kitang-kita na pinagsama sa kanya ang lahat ng mga bad style cliches pagdating sa mga Pinay sa Amerika. Kung sino man yung mga stylist na nagpaganda kay Sarah Geronimo, dapat din ipadala sila sa bahay ni Ramiele. Bakit ba kasi pag may sumisikat na Pinay mukha palaging pinagtripan ng mahaderang bakla (see also: Charice).

Ramiele, Manilyn Reynes called. She wants her top and hairdo back!

Mabuti pa si Pacman disente lagi ang outfit. DA HANESTEE TOO MATS!

The Gospel According to Bob Ong

Mahirap pumapel sa buhay ng isang tao.

Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili niya.

Also: Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.


And also: Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.



Ang salita ni Bob Ong.
Thanks be to Bob.

Saturday, November 14, 2009

Nananawagan Po Kami

Kung sino man po ang may-ari ng canteen na ito...

Paki-check po yung spelling ninyo. Ganito po kasi ang pagkakaintindi namin ng salitang iyon:



Maraming salamat po.