Saturday, October 24, 2009

WBH Media School, Lesson #371: Sino Ang Tunay Na Bulok?


Alam naman ninyo na idol ko si Keith Olbermann. Hindi dahil siya ang pinaka-honest na tagapagbalita, dahil minsan pumapalpak siya. Hindi dahil siya ang pinaka-cool, dahil gusto ko siyang batuhin ng sapatos pag masyado siyang obvious na naghahanap ng away. At lalo na dahil hindi siya ang pinaka-masarap panoorin, dahil siguradong talong-talo siya pareho nila Anderson Cooper at Lourd De Veyra sa department na iyan.

Hindi: Idol ko si Keith Olbermann dahil, kahit na magpaka-OA at KSP pa siya sa mga nire-report niyang kabalastugan sa Washington, at least derecho pa rin siyang magsalita. Hindi niya sasabihin sa iyo na sadyang inihian ng mga daga ang lahat ng mga taong nangamamatay ng leptospirosis. Hindi niya sasabihin sa iyo na kakainin ka ng buhay ng mga nagdadagsaang dinosaur kung nahagingan ka lang ng butiki.

At hinding-hindi niya sasabihin sa iyo na may mga pagkaing "nabubulok" sa isang warehouse kung ang ibig talaga niyang sabihin ay naka-imbak lang ito, at hindi pa naipapamigay ng mga taong kina-uukulan - for some reason or another - sa mga nangangailangan.

Kahit na ba alam nating lahat na ang mga taong kina-uukulan dito ay halatang nasa kamalian, at ayaw pa ring tanggapin na sila ang sumablay. Naging obvious na iyan noong tumaas yung tubig-baha sa Marikina.

I mean, seriously: NABUBULOK?

At least magagawan pa rin ng paraan. But: still.

(Note to readers: Sige, magalit kayo. Makakarating ba ang mga sardinas at biscuit na iyan kung magpapaulan lang kayo ng galit at hiya? Kaming dalawa lang ni Bakeks, nakuhanan pa nga namin ng oras sa schedule namin para tumulong sa relief efforts, kahit na masira ang mga hairdo at manicure namin sa pag-iimpake ng delata at pagtatakal ng bigas ... eh paano pa kayo? Yun lang.)