Thursday, December 31, 2009
Happy New Year from When Baduy Happens
Starring:
Sirena Van der Damme
Nate Porquebaldado
Chakang Basstoss
Chenelyn Humpday
And special guest star Blair-yanboy (na nakikitira lang sa) Waldorf-Astoria
Congratulations, kids: You have just received the first When Baduy Happens Award for Baduy FAIL of the Year 2009!
Tuesday, December 8, 2009
Ang Karimarimarim na Kasalang Bayan, Part 1: Wedding Playlist
Tulad nito: May lumapit sa amin na isang well-known na wedding DJ na nagbigay sa amin ng super-confidential playlist para sa isang napakalaking Kasalan ng Bayan na naganap kamakailan lang. Alam na siguro ninyo kung sino ang tinutukoy namin dito dahil napanood na ninyo siguro yung buong kasaysayan ng panliligaw nila sa TV... at dahil hindi nila alam na kinausap kami ng DJ nila, dadaanin na lang namin sa blind item ang pagbabalita nito.
Anyhow, sabi kasi ng DJ na ito, yung narinig nating music doon sa kasalang pinalabas sa balita ay hindi yung tunay na playlist na pinapatugtog doon sa buong seremonyas. Para sa ikabubuti ng bayan, nararapat lamang na ilahad namin sa blog na ito ang katotohanan... ang tunay na mga theme songs ni Senador "M" at Newscaster "K" sa kanilang kasalan!
Bridal March:
- Rex Smith, "Forever" (in the style of the JK Wedding, except mas baduy)
Offertory:
- Michael Franks, "The Lady Wants To Know" (magkano daw, pinamigay na kasi yung reception eh... *ahem*)
Final Song/ Photo Session:
- Mark Sherman,"Changes in My Life" (tapos Jed Madela yung credit sa program, YEEECHH)
- Jim Photoglo, "Fool In Love"
- Guys Next Door, "I've Been Waiting For You"
- Kuh Ledesma, "Dito Ba?" (masyadong conscious sa blocking)
- Neocolours, "Hold On" (or puwede din yung version ni Michael V)
Reception Entrance:
- Miss Ganda, "Sugat sa Puso"
- Ohio Players, "Rollercoaster Of Love"
First Dance:
- Rihanna, "Take A Bow"
- The Doobie Brothers, "What A Fool Believes"
Entourage Dance:
Money Dance:
- ABBA, "Money Money Money"
- The Dawn, "Enveloped Ideas" (mahilig daw sa "envelope" yung bride)
Cake Cutting:
Bouquet Toss:
- Gwen Stefani, "Rich Girl" (eh kung mag-aasawa ka man ng yaming, mabuti pa nga...)
Garter Toss:
Featured Guest Musicians:
- Cueshe
- Shamrock
- Dagtang Lason
Monday, December 7, 2009
The Ateneo Way: Ganito Daw Sila Noon...
(Boldface, ours.)To be sure, there are many good schools in the Philippines, and all of them can claim that their graduates have played big roles in our national life. Yet, despite the fine traditions and reputations of these great schools — the Ateneo included — in inculcating values and skills among their alumni, and the long list of their graduates who have done well not just for themselves but also by their fellowmen, it is obvious that all these school also carry the shame of having among its alumni the rogues who have not only scandalized the Filipino’s sense of values but may have also inflicted heavy damage on our political, economic and social institutions.
It must make their teachers, spiritual advisers, guidance counselors shudder when they see their former students occupying prominent places in the national gallery of ill repute. I can imagine how bad some of them must feel, having given (at least in the Ateneo I knew) so much time and effort, patience and perseverance to teaching these rogues their A-B-Cs and 1-2-3s as well as the religious, civic and social values that were supposed to shape them into decent, ethical and exemplary grownups.
Hmmmm... may pinapatamaan kaya si APO Jim dito? (And by "pinapatamaan" hindi ko sinali dito ang mga hirit niya kay Gloria at sa mga Ampatuan.)
Panoorin na lang natin ang ebidensya:
Disclaimer: Mga taga-Peyups po kami... pero labs din namin ang mga Atenista, promise! Kung hindi ninyo na-gets ang joke na ito, sa inyo na iyan.
Tuesday, December 1, 2009
From the When Baduy Happens Mailbox
O, ano, nag-file na ako ng Certificate of Candidacy sa darating na eleksyon. Sorry na lang kung na-disappoint kayo, ha? Ano ba naman magagawa ko kung gusto talaga ng mga
See you at Le Cirque,
Your new Congresswoman-to-be from Pampanga
Dear you-know-who,
Ayaw na sana naming mag-komentaryo dahil medyo nakakatakot na nga ang mag-komentaryo sa mga bagay na ito; baka mamaya bigla na lang kaming mawala tulad ng mga hitad sa ChikaTime. Magde-dedicate na lang kami ng kanta sa iyo, ha? Mas bagay kasi ang lyrics sa sitwasyon eh. Yun lang.
Monday, November 16, 2009
Sometimes When We Punch
First impression: Animal print na may sequins? Nag-aaudition ba siyang maging assistant ni Siegfried and Roy?
Grabe naman yung silver eyeshadow. Isama mo sa highlights, updo, at tan niya, at kitang-kita na pinagsama sa kanya ang lahat ng mga bad style cliches pagdating sa mga Pinay sa Amerika. Kung sino man yung mga stylist na nagpaganda kay Sarah Geronimo, dapat din ipadala sila sa bahay ni Ramiele. Bakit ba kasi pag may sumisikat na Pinay mukha palaging pinagtripan ng mahaderang bakla (see also: Charice).
Ramiele, Manilyn Reynes called. She wants her top and hairdo back!
Mabuti pa si Pacman disente lagi ang outfit. DA HANESTEE TOO MATS!
The Gospel According to Bob Ong
Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili niya.
Also: Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.
And also: Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.
Ang salita ni Bob Ong.
Thanks be to Bob.
Saturday, November 14, 2009
Nananawagan Po Kami
Saturday, October 24, 2009
WBH Media School, Lesson #371: Sino Ang Tunay Na Bulok?
Alam naman ninyo na idol ko si Keith Olbermann. Hindi dahil siya ang pinaka-honest na tagapagbalita, dahil minsan pumapalpak siya. Hindi dahil siya ang pinaka-cool, dahil gusto ko siyang batuhin ng sapatos pag masyado siyang obvious na naghahanap ng away. At lalo na dahil hindi siya ang pinaka-masarap panoorin, dahil siguradong talong-talo siya pareho nila Anderson Cooper at Lourd De Veyra sa department na iyan.
Hindi: Idol ko si Keith Olbermann dahil, kahit na magpaka-OA at KSP pa siya sa mga nire-report niyang kabalastugan sa Washington, at least derecho pa rin siyang magsalita. Hindi niya sasabihin sa iyo na sadyang inihian ng mga daga ang lahat ng mga taong nangamamatay ng leptospirosis. Hindi niya sasabihin sa iyo na kakainin ka ng buhay ng mga nagdadagsaang dinosaur kung nahagingan ka lang ng butiki.
At hinding-hindi niya sasabihin sa iyo na may mga pagkaing "nabubulok" sa isang warehouse kung ang ibig talaga niyang sabihin ay naka-imbak lang ito, at hindi pa naipapamigay ng mga taong kina-uukulan - for some reason or another - sa mga nangangailangan.
Kahit na ba alam nating lahat na ang mga taong kina-uukulan dito ay halatang nasa kamalian, at ayaw pa ring tanggapin na sila ang sumablay. Naging obvious na iyan noong tumaas yung tubig-baha sa Marikina.
I mean, seriously: NABUBULOK?
At least magagawan pa rin ng paraan. But: still.
(Note to readers: Sige, magalit kayo. Makakarating ba ang mga sardinas at biscuit na iyan kung magpapaulan lang kayo ng galit at hiya? Kaming dalawa lang ni Bakeks, nakuhanan pa nga namin ng oras sa schedule namin para tumulong sa relief efforts, kahit na masira ang mga hairdo at manicure namin sa pag-iimpake ng delata at pagtatakal ng bigas ... eh paano pa kayo? Yun lang.)
Tuesday, September 29, 2009
WBH Media School, Ondoy Edition: Lesson # 565
"I'm a victim too."Seriously: The damage has already been done. Para kang isang estudyante na palaging nasisigawan ng teacher sa classroom: kahit na hindi ikaw ang gumawa ng masama, ang mukha mo pa rin ang naka-tattoo sa utak ng maestra mo. Huwag mo na ring asahan ang mga kaibigan mo na mag-tanggol sa iyo, dahil pag-iinitan din sila. Hangga't hindi ka umaayos sa sarili mo, ikaw pa rin ang pagagalitan.
Mabuti pa, kesyo ikaw talaga ang biktima dito o hindi, ito na lang ang sabihin mo:
I'M SORRY.Learn it, live it, let it be the first thing that comes out of your mouth. Dahil pangalan mo ang nadawit sa malaking iskandalo. Dahil mukha mo ang naalala ng mga taong galit sa iyo. Kung nagpakakumbaba ka naman magmula't sapol eh di sana hindi ka na nadamay sa kalokohang ito. Mag-sorry ka na lang dahil mas mahirap ang magpatawad ng taong palaging may palusot.
See also: Fajardo, Boyet; and Bermejo, Jacque.
Monday, September 14, 2009
This Just In: Kanye West, Baduy Na Rin (Sa Wakas?)
At heto pa - may remix na din! (Kung alam lang naming gumawa ng remix eh sana nagawa na namin ang Kanye vs. Willie Revillame. Or, better yet, Kanye vs. Mar Roxas.)
Saturday, September 5, 2009
Dear Catholic Bishops Conference of the Philippines...
I wholeheartedly agree that this song is a travesty, and it should be banned from each and every Filipino radio station from here onward. I hope that, for the sake of our youth, you will continue your campaign against such
Love,
AKON
Sunday, August 2, 2009
Ito Ba ang Hitsura ng Isang National Artist?
Friday, July 31, 2009
Ting-Aling-Ding-Dong
"Ding dong"(from urbandictionary.com):
1.The penal area of a man's genitalia.
Ohhh you touch my tralala, hmmm my ding ding dong.... -Gunther and The Sunshine Girls
2.What the p--is is called when a man smackes it across a woman's face while she is performing oral s-x. The left cheek is the ding, and the right cheek is the dong.
He slapped his ding dong across her face.
3.A DUMBASS. Originates from referring to one through use of the male genitalia.
You dang ding dong, what the hell were you thinking?
Thursday, July 23, 2009
Anak...ANG BADUY MO!!!
"Kayod kami ng kayod.BADUY KA NAMAN NG BADUY":
KORIMAR.Pwede din KARIMAR(RIMARIM):
Friday, July 17, 2009
Friday, June 26, 2009
Obligatory Scandal Commentary
1) Dear Hayden Kho: Kung magkakaroon ka ulit ng sex scandal, puwede ba ito ang gawin mong theme song? Mas bagay kasi eh. Tenks!
2) Dear Marc Abaya, Maegan Aguilar, at ang mga taong nadawit sa pinakabagong Deleted Blog Scandal (courtesy of/ nakaw from Chuvaness):
May theme song din kami para sa inyo.
Still in denial
I can't believe that you could do this to me
No lights ahead
I've been looking forward but I cannot see...
...O, di ba? (And also: Akala ninyo "Anak" ang ide-dedicate namin, ano? Yun nga lang, naunahan na kami eh.)
Wednesday, April 1, 2009
Friday, February 20, 2009
When Baduy Becomes NOT SAFE FOR WORK
Seriously, people. Itago ninyo ang mga anak ninyo at siguraduhing hindi nanonood ang mga boss ninyo, dahil ito ang PINAKA MASALIMUOT at PINAKA-KARUMAL DUMAL na entry sa buong history ng When Baduy Happens! More SHOCKING than Madame Auring in a bathing suit! More HORRIFIC than Mark Lapid declaring his love for bananas! This is the entry that will keep you UP ALL NIGHT! Parental guidance highly suggested due to explicit content.
...O, nandyan pa kayo? Sige, compare and contrast, ha?
One of the many "Vegetable Love" commercials for PETA na currently banned in the United States:
versus
Asia Agcaoili and Ramon Bautista in "ROCK HARD" for the NU Rock Awards:
Kung hindi pa kayo naglalaway sa kapapanood ng mga video na ito... teka muna, yun yung intro namin para doon sa lechon segment ng No Reservations: Philippines! (Hoy, Intern Shaun! Bumalik ka nga dito!) Which reminds me, parang trip ko yatang kumain ng lechon - sama kayo sa 'min?
Wednesday, February 18, 2009
Megan Fox, doesn't he BeBe?
Tingnan mo nga naman ang dalawang ito.Yung isa FHM's Sexiest Woman for 2008 na pinag-papantasyahan ng mga lalake sa Transformers na kahawig daw ni Angelina Jolie at may syotang dating cast member ng Beverly Hills 90210 pero sabi nya LALAKE DAW SYA.Yung isa naman dating machong machong may itsura naman na action star at leading man na galing sa pamilya ng mga action star na nagpakasal sa isang babae pero BABAE DAW SYA.Hindi kaya nagkapalit lang sila ng anyo ala "The Hot Chick"?All I can say is ...mag-solian na kayo ng anting-anting!!!
Thursday, January 15, 2009
How Not to Be Baduy: Award Winning Best Actor!
Inspiring underdog-done-good story? Check.
Real-life olats na leading actor who gives the career-saving performance of his life? Check.
Plot where life imitates art and vice versa, up to and including drug addiction, fractured family relationships, and financial transactions gone wrong? Check.
Puwes, without further ado... the most underrated male performance of the year!
...Um, yeah, siya nga talaga iyan. Kulang lang yung astig na theme song...
Friday, January 9, 2009
Rock Star Rakets 5:From Los Angeles to Baguio
POPS Cash Advance,Wilshire Blvd. Los Angeles
Ok,ok sige na nga.Hindi naman rock star si Pops Fernandez.Pero marami sigurong suki dito na kelangan ng pera para sa:
1.mas batang jowa
2.collagen lip injections
3.pangbili ng bagong outfit para makipagsabayan
sa isang concert kasama ang 3 diva
Mark Mahoney's Shamrock Tattoo,Sunset Strip
Tibay at lakas ng loob ang kelangan para magpa-tattoo dito.Shamrock Tattoo Mission Statement:AKO'Y ALIPIN MO KAHIT HINDI BATID.Customer service to the max.
Academia de Sophia International,South Drive Baguio City
A music school for aspiring female bass players.