Oo, mga kaibigan: Ako yung kumag na nanood ng Mamma Mia! ngayong weekend na ito habang nakapila kayong lahat para manood ng Batman. Hindi sa pinagtatawanan ko kayo, ha - hindi ko ipagkaka-ila ang ka-astigan ni Christopher Nolan et al. (and RIP Papa Heath Ledger) - pero pagbigyan ninyo naman ako dahil wala nang taste ang lola ninyo wala akong laban sa Greatest Hits ng ABBA.
Aaminin ko, kung naghahanap kayo ng plot, character development, at logical storytelling, malaki ang lamang ng The Dark Knight sa Mamma MiaI - may mga eksena na alaskadong-alaskado ako dahil sablay ang pacing, either sa editing, lip-synch, or sa script mismo. That said, hindi ko din naman masasabi na hindi ako nag-enjoy dahil marami ding mga highlights:
- Kung nagpunta kayo para manood ng mga fafa (katulad ko), siguradong enjoy kayo dito. Yung mga lola doon sa showing na pinanood ko, kilig na kilig pag nasa eksena si Pierce Brosnan - parang yung pagiging kilig ng lola ninyo kapag may pelikula si The Rock. Heh. Anyway, hindi lang si Pierce Brosnan ang pinuntahan ko - nandoon din ang aking azucarera de papa na si Colin Firth, na magaling kumanta at mag-gitara. Nandoon din si Stellan Skarsgard na hindi ko akalain hanggang ngayon na kasing-lupit ni Indiana Jones sa stunts at sobrang funny pagdating sa comedy. (Panoorin ninyo lang yung nude scene niya - panalo!) As for the younger papas... well, cute sila, pero wala silang binatbat doon sa tatlong VSOP na leading men.
- Doon naman sa leading lady: Okey naman si Amanda Seyfried, pero si Meryl Streep ang pinakabida - panoorin ninyo lang siya dito at maiintindihan ninyo kung bakit siya ang pinaka-reyna ng Hollywood. At dahil beach resort ang setting, ang ultimate Balahurang Hitad moment sa pelikulang ito ay nasa pag-aari ni Christine Baranski - meron siyang sariling dance number kung saan nakasuot siya ng red bathing suit (the better to show off the Broadway dancer's body, my dear) habang hinahabol siya ng mga papa na puwede na niyang maging apo. Resbak si Madam Auring!
- And as for the dance numbers: Jusme, kung ako si RA Rivera, dapat nag-no-notes ako habang pinapanood ko yung numbers para sa "Lay All Your Love on Me," "Dancing Queen" at "Voulez-Vous." Again, sayang lang kasi parang tinadtad sa editing yung mga dance numbers, pero mawiwindang ka talaga sa quality ng choreography dito.
- Also: Huwag kayong umalis paglabas ng credits, dahil DALAWA ang production numbers na nakasalang habang pinapaandar yung credits. Abangan ninyo dahil sobrang laugh trip yung mga costume sa production number na ito. Sabi nga ng katabi ko: "Ay, may encore! Parang Broadway show talaga!"
Other than that... ano pa ba ang masasabi ko na hindi na nasabi mismo ng ABBA? Makijologs na lang kayo sa akin dito.