Sunday, May 11, 2008

Sinasabi Ko Na Nga Ba, Eh

Headline galing sa Honolulu Advertiser kaninang umaga:

STARS FAIL TO APPEAR AT GAME-SHOW BASH

Binasa ko ito kasi isa lang ang game show na magpapa-party ng ganito... at ngayong gabi ang taping nila sa Aloha Stadium.

Yes, people. Nandito sa Hawaii ang salot sa mundo at kahihiyan sa Pilipinas na tinatawag na WOWOWWEE!

Sige, taas lang ninyo ang kamay ninyo kung alam ninyo ang sagot:

1) Sino ba ang mga taong ito na ang kapal ng apog na maningil ng US$100 na cover charge para sa mga taong gustong makipagsosyalan sa cast ng Wowowwee?

2) More to the point, sino ba ang mga taong ito na NAGBAYAD ng US$100 na cover charge para MAKIPAGSOSYALAN SA CAST NG WOWOWWEE?

(Parang awa na ninyo, noh? Mas mura pa nga yung mga siningil ng promoters para sa Cueshe noong nag-concert sila dito sa Hawaii. Heck, mas mura pa nga yung siningil ng Philippine Embassy para sa The Bloomfields... at black tie affair na iyon, ano? Kahit nga sina Jack Johnson hindi ganyan maningil... and at least may ginawa silang maganda para sa Hawaii at sa environment! Jusme, kung kailan ba naman na maraming naghihirap na tao sa Pilipinas... )

3) Magkano ang ipupusta ninyo na ang "party" na ito ay isang scam para mapalaki yung cash pot na ipamimigay nila Willie sa taping ng Wowowwee ngayong gabi sa Aloha Stadium?

Anak ng tinapa.

Thursday, May 8, 2008

When Tagalog Movies Happen to White People: Mano Po 3

BASED ON A TRUE STORY.

Heto ang scenario: Yung isang kaibigan ko dito sa States, Pinay siya pero puti yung napangasawa niya. Isang araw, na-homesick si friend kaya nag-order siya ng mga pelikulang Tagalog sa Netflix. Nagkataon tuloy na nandoon sa Netflix yung buong series ng Mano Po movies, kaya ni-rent nilang mag-asawa lahat, sunod-sunod.

Long story short: Na-adik sa Mano Po ang mag-asawa natin.

Recently katatapos nilang mag-asawang manood ng Mano Po 3: My Love - yes, yung kay Vilma Santos na installment, directed by Joel Lamangan. Heto ang naging dialogue nila habang nanonood sila...





Haole Hubby (Hubby): OMG! It's Christopher De Leon! He's in everything!
Pinoy Legal Wife (Wife): I think I'm in a parallel universe.
Hubby: There's no Regine in this one. Hrm.
Wife: No Aga.
Hubby: Is that lip gloss on CDL?



Commentary from When Baduy Happens: Mukhang najo-jologs na itong si Mister dahil ngayon alam na niya lahat ng mga pangalan ng mga artista sa Pilipinas. Kailangan pa naming ipaalala kay Mister na talagang ganyan naman ang hitsura ni Boyet. Also, alalahanin natin na napanood na niya ang Mano Po 2 at hindi rin niya na-gets na dapat 1) Pinoy ang character ni Kris Aquino and 2) nag-morph ang character ni Kris bilang Susan Roces habang tumanda siya, kahit na kinapalan lang ng make-up sina Boyet, LT, at Zsa Zsa para magmukhang magkaka-edad silang lahat.





Wife: Eddie Garcia is wearing a freakin' PINK bathrobe.
Hubby: And he has
gold grills... heheheheh.
Wife: Why are we watching this again?
Hubby: It's fun!
Wife (turning to hubby): Eddie Garcia is in a froufy bathrobe and
Flavor Flav grillz, lecturing his "daughter" about Chinese family values with a fake tsinoy accent...
Hubby: Oh look! More weird pajamas!
Wife: I think that's Vilma's real outfit, hub.




1) Where else will you ever hear Eddie Garcia being mentioned in the same paragraph as Flavor Flav? Dito lang sa WBH, mga repapips!

2) Note to MTV Pilipinas: Kung gagawa kayo ng local version ng Flavor of Love - at ayaw pumayag si Andrew E na maging host - kunin na ninyo si Manoy Eddie. Puwede pa naman eh, kahit na ba parang apo na niya ang mga nagiging leading ladies niya sa mga pelikula.

3) Kung najojologs si Mister sa mga damit ni Ate Vi sa pelikulang ito, dapat hanapin nila sa Netflix or Blockbuster ang Imortal. Bongga yung futuristic wedding chever nila ni Boyet doon sa ending!

Speaking of endings... tinapos nila yung pelikula. Nagpumilit kasi si Mister, eh. Gusto talaga niyang malaman talaga kung magkakatuluyan si Boyet at Ate Vi.

EPILOGUE: Happily ever after pa rin ang ating mag-asawa, kahit na mukhang najojologs na nang husto si Mister. Kamakailan lang ay nagyaya si Mister na manood ng Mano Po 4: Ako Legal Wife - at ayaw niyang manood na wala si Misis sa tabi niya, kahit late na nang gabi sila manonood ng DVD sa bahay. Sinabi ko tuloy kay Misis na dapat ito ang susunod na i-rent nila...


Bongga!