Sawa na ba kayo sa scandal ni DJ Montano at ng kaniyang mga amiga sa Gucci Gang? Kami din. (Leche, parang awa ninyo na!) Pero imbes na kaladkarin namin ang iskandalo na ito hanggang sa magsawa kayo - yes, SHUT UP na rin YOU, Malu Fernandez and Tim Yap - gusto naming mag-dedicate ng mga kanta para sa mga hitad na nasabit sa iskandalong ito. Dapat lang naman, kasi kung hindi naman namin sasabihin, may magsasabi pa rin, di ba?
To be loved and fooled is a crying shame
While I bear the blame
As he laughs my name...
I found love on a two-way street
And lost it on a lonely highway
- Stacy Lattisaw (?)
I can picture every move that a man could make
Getting lost in her lovin' is your first mistake
Sundown ya better take care
If I find you been creepin' 'round my back stairs
Sometimes I think it's a sin
When I feel like I'm winnin' when I'm losin' again
- Gordon Lightfoot
To live the rap life is what he was strivin for
Spendin cash at the bar to get credit
Drinkin Chaundon just because Big said it
They say Yes but dude was big headed
Rocked the fur in the summer so somebody'd pet it
He had a fetish for shoes that's athletic
Pathetic on his MySpace page half nekkid
It's a shame what they do for fame and to be respected
Joe, you coulda got it if you never woulda stressed it
- Common (with help from kumpareng Kanye and kumareng Lily)
And speaking of pareng Kanye...
...Well?
And finally, the most appropriate song for this situation...
...VICTIMS OF LOVE!!!
Tuesday, March 18, 2008
Thursday, March 6, 2008
Blind Item Porshaun: HALLER?
Aling international band (na malapit nang mag-concert sa Hawaii at Pilipinas) ang nahuli kamakailan na nagko-cover ng isa sa mga pinakajologs na love songs sa mundo?
(Clue: The band name does not rhyme with the word "SCHMUESHE.")
Salamat kay Una, na nagpost ng video na ito sa Multiply niya.
At para sa mga taong natatakot malaman kung aling baduy love song ang tinutukoy namin dito sa blind item na ito, panoorin na lang ninyo ang original..

Saturday, March 1, 2008
Hunka Hunka Animatronic Kabaduyan
Once upon a time, mahilig akong tumambay sa The Sharper Image para magpamasahe doon sa display models ng mga massage chair sa tindahan nila. (Kung ikaw ba naman, magkaroon ka ng pagkakataong masubukan ito at makatipid sa pambayad ng masahista for 20 minutes...) Noong araw kasi, doon kasi sa Sharper Image binebenta ang lahat ng mga pinaka-high tech na regalong panindak. Kaya imagine-in na lang ninyo ako noong nagpamasahe ako sa Sharper Image at nakita ko ito sa totoong buhay:
Mga repapips, hindi ako nagbibiro. Akala ko kasi joke lang ito para sa mga taong nagbabasa ng SkyMall (aka yung magazine sa eroplano na parang mail-order catalog ng mga jologs housewares) sa sobrang kabaduyan ng concept na ito. Isipin na lang ninyo ang shock ko noong nakita ko ito sa totoong buhay: Nagsasalita si Elvis! Kumakanta! Sumasayaw! Puwede rin kayong mag-duet! Parang mannequin sa Shoemart na kinabitan ng Xtreme Magic Sing!
(Pustahan tayo: Kung meron kayo nito, kabitan ninyo ng memory card galing sa Magic Sing tapos ilagay ninyo si Elvis sa duet mode at pakantahin ninyo ng Greatest Hits ni Manny Pacquiao. Benta!)
Pero teka... Sabi nila, "lifelike" daw ito kasi kuhang-kuha daw nito yung tunay na hitsura ni Elvis Presley. Talaga? Kasi pag nakikita ko ito sa tindahan, hindi si Elvis ang nakikita ko. Ang naiisip ko, ito ang magiging hitsura ni Robin Padilla pag sabay siyang pinagtripan nila Vicki Belo at Fanny Serrano para sa photo shoot.
Para sa mga taong nagbabasa ng blog na ito na nakabili na ng kanilang sariling animatronic robot ni Elvis, I have news for you: You're caught in a trap. You can't walk out. 'Cause you've just wasted money, baby.

Subscribe to:
Posts (Atom)