Saturday, December 27, 2008
Gloria's Not A Labandera
I just got back from Los Angeles.I had to buy a rare English-Vietnamese picture dictionary published by Oxford University Press so I went to Barnes and Noble.Tuwang-tuwa ako kasi meron sila!Nag-iisang kopya na lang.Pagbuklat ko sa page 120,eto yung nakita ko:
PGMA,RN.O diba,at least hindi DH.
Friday, December 19, 2008
Saturday, November 29, 2008
Fruitcake Na, Blind Item Pa
EDITED 11/29/2008 @ 7:25 PM HST to fix link... besides, may plano ako para doon sa video na nilagay ko dito sa entry na ito! Our apologies kasi na-spoiler alert kayo tuloy... although kung detail-oriented kayo, malalaman ninyong may clue sa sagot ng blind item yung video na iyon...
Mayroon akong napulot na blind item galing sa YouTube comments section ng videong ito. May hinala ako kung sino ang tinutukoy ng poster na ito, pero ayokong sabihin dahil palagay ko na kilala na ninyo siya at mapapahamak lang tayo kung sasabihin ko sa inyo.
Heto ang tanong: Obvious ba, or hindi?
EHEADS is all about the fans! nagsama-sama ulit alang-alang sa ating lahat, kahit na may differences sila..
di tulad ng isa jan sa tabe, iniwan na lang bigla ang banda niya, ngayon feeling celebrity kung makakanta sa mikropono..kala mo kung sinong guwapo ang pucha..
clue: malaki ang bunganga niya, at feeling pag kumakanta..
another clue: laging may katunog ang mga kanta niya tapos ike-claim ng fans niya na super orig.
di tulad ng EHEADS!! ALL ORIGINAL FROM DAY 01!!
Wednesday, November 12, 2008
Dear Jojo Binay...
Nabalitaan namin dito na nag-aambisyon kang mag-Barack Obama kesyo magkakulay kuno ang balat ninyo.
Really? Please lang, Jojo. Alam naman ng buong mundo na mestizo si Barack.
Mas baduy kung iisipin mo din na pumanaw lang last week ang pinakamamahal na Lola ni Barack, na nagpalaki sa kanya dito sa Hawaii. Mahiya ka naman! Hala ka, baka multuhin ka ni Toot pag hindi ka tumigil diyan.
Thursday, November 6, 2008
At Dahil Nasa Hulihan Palagi ang Pagsisisi...
Dear Sarah: We get it. Naaawa na kami sa iyo dahil pinagtataksilan ka na ng mga kaibigan at kapartido mo, lalo na't natalo ang Lolo mo at ikaw ang pinakamalapit na puwedeng sisihin sa harap ng sambayanan. Pero bago ka bumalik ng Alaska, gusto naming i-dedicate ang mga graph na ito para sa iyo. Pakabait ka na, ha?
(source: GraphJam)
Harvard Jeans.Jeans That Work Hard...Harvard!
The Philippine Court of Appeals denied a petition by Fredco Manufacturing Corporation which had insisted the logo "Harvard Jeans" did not infringe the official trademark of Harvard University.
The court said Harvard University was able to prove the company was using the trademark 'Harvard' and its related shield symbol way ahead of Fredco as the school had been established in 1636.
"Respondents are the actual creator of the Harvard name and symbol," the court said.
It added that "such unexplained use by petitioner Fredco of the dominant word 'Harvard' lends itself open to the suspicion of motive to trade upon the reputation of the university."
(source:Yahoo! news)
Lagot ka...lagot ka...Huling huli ka.Huling huli ka Harvard School of Laguna!!!Lagot ka..lagot ka...
Thursday, October 16, 2008
Kung Magwawala Ka Man Lang...
Sa mga oras na ito, naaalala ko tuloy yung favorite scene ko sa Temptation Island: "Walang tubig. Walang pagkain. Magsayaw na lang tayo."
Monday, September 8, 2008
Ano Ang Impyerno?(What The Hell?)
LAWLAW by DJ Sundalong Bata (Ahhhh...Soulja Boy in English pala yun!)
LAMPA
Lalayas na ko sa Pilipinas.(Pagkatapos ko silang ipa-huli sa Sundalong Tanda/"Armadong Pwersa ng Pilipinas").MWAHAHAH!
Tuesday, August 26, 2008
Beware Of This Scammer
uy mag-ingat kayo sa taong ito.baka may maloko sa atin dito.
at talagang naka-post yung complete contact details nya sa profile nya.
(http://personalizedshopper.sulit.com.ph/)
ang sarap ireport sa mga kinauukulan.
jeffrey espino AKA personalizedshopper.
Contact Numbers:09195092434/09179179639
ingat tayong lahat sa august 30.
Dear Gwen Stefani....
(credit: Wikipedia.org)
...Zuma? You really named your son ZUMA?
Don't be surprised if you can't find a Filipino nanny for your little one, though. Baka natatakot lang sila na may lahing sawa yung bata... or, worse, na baka si Max Laurel talaga ang tunay na baby daddy.
Sunday, August 10, 2008
Ang Salarin ng Bagyong Frank
Saturday, July 19, 2008
Thank You for the Music: A Review of Mamma Mia!
Oo, mga kaibigan: Ako yung kumag na nanood ng Mamma Mia! ngayong weekend na ito habang nakapila kayong lahat para manood ng Batman. Hindi sa pinagtatawanan ko kayo, ha - hindi ko ipagkaka-ila ang ka-astigan ni Christopher Nolan et al. (and RIP Papa Heath Ledger) - pero pagbigyan ninyo naman ako dahil wala nang taste ang lola ninyo wala akong laban sa Greatest Hits ng ABBA.
Aaminin ko, kung naghahanap kayo ng plot, character development, at logical storytelling, malaki ang lamang ng The Dark Knight sa Mamma MiaI - may mga eksena na alaskadong-alaskado ako dahil sablay ang pacing, either sa editing, lip-synch, or sa script mismo. That said, hindi ko din naman masasabi na hindi ako nag-enjoy dahil marami ding mga highlights:
- Kung nagpunta kayo para manood ng mga fafa (katulad ko), siguradong enjoy kayo dito. Yung mga lola doon sa showing na pinanood ko, kilig na kilig pag nasa eksena si Pierce Brosnan - parang yung pagiging kilig ng lola ninyo kapag may pelikula si The Rock. Heh. Anyway, hindi lang si Pierce Brosnan ang pinuntahan ko - nandoon din ang aking azucarera de papa na si Colin Firth, na magaling kumanta at mag-gitara. Nandoon din si Stellan Skarsgard na hindi ko akalain hanggang ngayon na kasing-lupit ni Indiana Jones sa stunts at sobrang funny pagdating sa comedy. (Panoorin ninyo lang yung nude scene niya - panalo!) As for the younger papas... well, cute sila, pero wala silang binatbat doon sa tatlong VSOP na leading men.
- Doon naman sa leading lady: Okey naman si Amanda Seyfried, pero si Meryl Streep ang pinakabida - panoorin ninyo lang siya dito at maiintindihan ninyo kung bakit siya ang pinaka-reyna ng Hollywood. At dahil beach resort ang setting, ang ultimate Balahurang Hitad moment sa pelikulang ito ay nasa pag-aari ni Christine Baranski - meron siyang sariling dance number kung saan nakasuot siya ng red bathing suit (the better to show off the Broadway dancer's body, my dear) habang hinahabol siya ng mga papa na puwede na niyang maging apo. Resbak si Madam Auring!
- And as for the dance numbers: Jusme, kung ako si RA Rivera, dapat nag-no-notes ako habang pinapanood ko yung numbers para sa "Lay All Your Love on Me," "Dancing Queen" at "Voulez-Vous." Again, sayang lang kasi parang tinadtad sa editing yung mga dance numbers, pero mawiwindang ka talaga sa quality ng choreography dito.
- Also: Huwag kayong umalis paglabas ng credits, dahil DALAWA ang production numbers na nakasalang habang pinapaandar yung credits. Abangan ninyo dahil sobrang laugh trip yung mga costume sa production number na ito. Sabi nga ng katabi ko: "Ay, may encore! Parang Broadway show talaga!"
Other than that... ano pa ba ang masasabi ko na hindi na nasabi mismo ng ABBA? Makijologs na lang kayo sa akin dito.
Saturday, July 12, 2008
When Reunion Happens: Combo on the Run
Congratulations. Nasusunog na ang Metro Manila sa balitang pinakalat ninyo sa madla ngayong weekend na ito. Natalbugan pa ninyo sa pasabog yung hype para sa concert ni Rick Astley na inaabang-abangan pa naman ni Manay Bakeks.
If this is your brilliant idea of a nationwide hoax, congratulations na din. Kung ako sa inyo, at hindi ninyo natupad itong mga pinapangako ninyo, mag-hunos-dili na kayo. Bumili na kayo ng one-way ticket papuntang Antarctica. Magpa-appointment na kayo sa Belo Med para magpa-retoke ng hitsura. Baka wala na kayong mukhang maihaharap sa buong mundo pag hindi ito nangyari. At kung meron man, eh dapat kayo na lang ang ipalit kay Dingdong Dantes sa karatula ng Bench sa laki ba naman ng inyong...
At kung totoo man ito, heto ang mai-sa-suggest ko sa inyo:
1) Sabi ninyo libre daw ang mga ticket, basta mai-download lang ng mga tao doon sa website ninyo. First of all, mag-invest na kayo sa IT department ng opisina ninyo, dahil tiyak na mawawasak ang website sa dami ng mga taong magla-login para maka-score ng ticket.
2) Also, kung magpapa-giveaway man lang kayo, tumulad kayo sa mga example ng mga fashyown magazines tulad ng Allure: Magpamigay nga kayo ng ticket, pero sabihin ninyo na available lang ito sa isang araw para sa kahit na sinong magla-login pagdating ng, say, eksaktong 12 noon Philippine Standard Time. Siyempre bababa ang mga ratings ng lahat ng TV stations sa Pilipinas pag nangyari iyan, pero masisisi mo ba sila?
3) Speaking of which: Hindi na ninyo kailangang iharap ang buong banda sa iba't ibang mga palabas sa TV para i-promote ang concert. Tingnan ninyo, Multiply pa lang kumalat na ang balita. Hindi na ninyo kailangan ng promotion. Sabihin na lang ninyo sa Kapamilya at Kapuso na itutok na lang nila ang mga news cameras nila sa CCP at ihanda na nila ang live satellite feed.
4) Pumunta kayo sa Malacanang at ilabas na ninyo ang lahat na nalalaman ninyo tungkol sa Abu Sayyaf, Jemaah Islamiyah, Magdalo, Gucci Gang, at iba't ibang mga salot sa buong Pilipinas para hindi sila magwala sa 8/30/08. Tutal, kung nakuha ninyo yung mga band members na ito na itabi nila ang kanilang mga drama para lang mag-concert, wala na sa vocabulary ninyo ang definition ng "impossible" at "unthinkable," hindi ba?
5) Also, magpalipad na kayo ng mga baboy, maglakad na kayo sa Manila Bay, at sabihin na ninyo kay Boy Abunda na kukunin ko na siyang ninong sa kasal namin ni Edward Norton. Walang imposible!
6) Hanapin na ninyo ang pinakamalapit na ospital sa Pasay City. Sabihin ninyo na hindi lang first aid station at emergency crew ang kailangan ninyo - dapat may mga on-call din na grief counselors, cardiologists, gastroentrologists, neurologists, physical therapists, et cetera. Pag may umatras, nagkasakit, whatever - at least may matatakbuhan!
7) Or, mabuti pa, siguraduhin na ninyo na hindi mangyayari iyan. Papirmahin na ninyo ng kontrata yung banda, at bayaran ninyo sila nang mabuti para may insurance. Ipa-counseling ninyo kung hindi pa tapos yung dramahan nila. Mag-recommend na kayo ng nutritionist at personal trainer para fit and healthy silang lahat. At kung matatraffic man lang sila... well, ilabas na ninyo yung helicopter. [HINT HINT.]
8) Security, security, security.
9) Piliin ninyo ang mga sponsors ninyo ng mabuti. Alam na din ninyo kung bakit.
10) I've said it before, and I'll say it again: Kung mag-o-opening act man lang kayo, may I suggest na pag-hubarin na lang ninyo sa stage yung mga pogi na gitarista at bahista doon sa mga bandang iniwanan ng mag-re-reunite na combo na ito? Hindi ko na kailangang ibigay yung pangalan dahil alam naman natin kung sino yung mga pogi na tinutukoy ko dito. HAHAHA!!!
Labs,
When Baduy Happens
Saturday, July 5, 2008
Madam Auring Meets Heidi Montag
Pareho kasi sila gumawa ng low budget music video sa tabing dagat.Mga balahurang hitad!!!!
Let's compare the numbers and comments posted on Youtube.
Balahurang Hitad Video #1: "Higher" by Heidi Montag
Views:171,958
Number of Comments:506
Comments:
holy jesus.
and you know when they were through they watched it and were like OMG THIS IS AMAZING.
twits.
oh my god oh my god oh my god
i am scarred for life
seriously, this is the suckiest video i have ever seen, haha i seriously thought she was making a parody of a video until i realized this was her actual video
she needs some serious voice lessons
holy crap, this is HORRIBLE. I want the three minutes of my life back that I spent watching this.
im jealous of the hearing impared. they dont have to listen to this CRAP. why cant she lip sync to paris hiltons voice and photoshop her head onto britney spears at the vmas?
Balahurang Hitad Video #2: "May Asim Pa" by Madam Auring
Views:15,330
Number of Comments:215
Comments:
ayus sa boobs aabot na sa waist ah! kahit walang bra pede i tuck in sa jeans
vote for best horror video of 2008
how do I contact her? thru psychic? kunin ko syang model ng sukang paumbong na aged sa oak barrel for so many years. saktong sakto sya dun (sa barrel)
opinyon ko lng po ito ah..
sa lhat po ng bad comments sa video na to. Sna po icpin nyo muna ang sasabhin nyo bgo nyo isulat. Pede nmn pong mag-react kau sa sarili nyo, hndi na po kailangan pang isulat dito. Kung nanay nyo po ang nsa video, at may mga taong nagssbing, kadiri, nakakasuka, buhay pa may uod na.. dba masasaktan kau..
at, syempre diba nababasa ni madam auring ung mga sinusulat niyo..
sguro dapt maging sensitive tau sa mga binibitawan nating mga salita.
un lng. :)
PATAWAD NA PO!(sarcastic)
Tuesday, June 24, 2008
It Would Take A Strong Strong Man:Rick Astley Live In Manila
To the organizers:
Hi!Pwede po mag-request?Sana may photo-op/meet and greet session sila ni Roderick Paulate.It would really mean a lot to me.
Together forever and never to part,
Bakeks
Thursday, June 12, 2008
Gabby Ng Lagim
Presenting the latest Filipino singing sensation!Walang sinabi si Charice Pempengco at Arnel Pineda.Eh imported from California pa po ito,'no ha?
That's what I call the ASAHI ELECTRIC FAN VOICE.
Gabs,alam ko ikaw ang bagong endorser ng Lucida Glutathione kahit pinanganak ka ng mestizo.Hot na hot ka ulit ngayon.Binasa ko pa nga yung article tungkol sa buhay mo sa YES! Magazine.Pero please naman wag ka na lang kumanta.AT!Nag-duet pa kayo ni Faith Cuneta:THE ASIANOVELA DIVA!?!?!?!?!Sayang.Crush pa naman kita nung bata ka.Type na type ko yung eksena mo nun sa Story of Three Loves.Yung may dala kang fake ukelele tapos nakasuot ka ng shorty shorts at kinakantahan mo si Lani Mercado ng "all the women love the bachelor's technique..."Ulitin mo na lang yun.BILIS!
Wednesday, June 4, 2008
The Rock and Roll Hall of Fame: Hanep Pumorma, Walang Kokontra
Kagagaling lang ng Ate Mei at Ate Scribe ninyo dito sa Rock and Roll Hall of Fame Museum. Kung kayo ay rock fan katulad namin, titirik ang mga mata ninyo sa kaligayahan dahil ang gaganda ng mga exhibit dito. Napaluhod ang lola ninyo noong nakita niya yung mga actual costumes nila Bono, Madonna at Freddie Mercury. In fact, noong pumasok kami sa exhibit ng The Doors, bigla akong tumingin kay Scribe at sinabi ko, "Kulang na lang dito yung juts tsaka Nag Champa, para mare-create yung high school years natin full-on pehips efek."
Kahit anong trip ninyo pagdating sa rock - classic, bluesy, glam, grunge, alternative, hip-hop, emo, etc. - siguradong makalaglag-panty at makalaglag-brip ang mga collection nila dito.
And speaking of makalaglag-panty: May nakita kasi kami ni Scribe na parang kamukha nitong isang artista. Akala namin kamukha lang kasi nakasakay na kami sa escalator noong naispatan namin kaya hindi namin namukhaan ng maigi - that, and the fact na mukhang papunta yata sa CR. Pero, habang naglalakad naman itong target namin, bigla namin nakita yung mga badigargoyles na naka-cellphone at yung mga PR na pabuntot-buntot. Saka namin nalaman na siya nga talaga...
EDWARD NORTON!!!
Ang tangkad tangkad mo! Ang ganda ganda ng hair mo!
Sayang lang at pinalayas kami ng mga PR mo dahil hanggang 5 PM lang ang public hours at hindi naman kami inimbitang umepal doon sa private function chorva na sineset-up nila doon sa baba.
Pero... KAHIT! Wala akong pakialam kung mag-flop ang Incredible Hulk -- basta:
ANAKAN MO NA AKO!!!
(pauses to catch breath, dahil biglang natakot si Kittensley sa akin)
Sunday, May 11, 2008
Sinasabi Ko Na Nga Ba, Eh
Binasa ko ito kasi isa lang ang game show na magpapa-party ng ganito... at ngayong gabi ang taping nila sa Aloha Stadium.
Yes, people. Nandito sa Hawaii ang
Sige, taas lang ninyo ang kamay ninyo kung alam ninyo ang sagot:
1) Sino ba ang mga taong ito na ang kapal ng apog na maningil ng US$100 na cover charge para sa mga taong gustong makipagsosyalan sa cast ng Wowowwee?
2) More to the point, sino ba ang mga taong ito na NAGBAYAD ng US$100 na cover charge para MAKIPAGSOSYALAN SA CAST NG WOWOWWEE?
(Parang awa na ninyo, noh? Mas mura pa nga yung mga siningil ng promoters para sa Cueshe noong nag-concert sila dito sa Hawaii. Heck, mas mura pa nga yung siningil ng Philippine Embassy para sa The Bloomfields... at black tie affair na iyon, ano? Kahit nga sina Jack Johnson hindi ganyan maningil... and at least may ginawa silang maganda para sa Hawaii at sa environment! Jusme, kung kailan ba naman na maraming naghihirap na tao sa Pilipinas... )
3) Magkano ang ipupusta ninyo na ang "party" na ito ay isang scam para mapalaki yung cash pot na ipamimigay nila Willie sa taping ng Wowowwee ngayong gabi sa Aloha Stadium?
Anak ng tinapa.
Thursday, May 8, 2008
When Tagalog Movies Happen to White People: Mano Po 3
Heto ang scenario: Yung isang kaibigan ko dito sa States, Pinay siya pero puti yung napangasawa niya. Isang araw, na-homesick si friend kaya nag-order siya ng mga pelikulang Tagalog sa Netflix. Nagkataon tuloy na nandoon sa Netflix yung buong series ng Mano Po movies, kaya ni-rent nilang mag-asawa lahat, sunod-sunod.
Long story short: Na-adik sa Mano Po ang mag-asawa natin.
Recently katatapos nilang mag-asawang manood ng Mano Po 3: My Love - yes, yung kay Vilma Santos na installment, directed by Joel Lamangan. Heto ang naging dialogue nila habang nanonood sila...
Haole Hubby (Hubby): OMG! It's Christopher De Leon! He's in everything!
Pinoy Legal Wife (Wife): I think I'm in a parallel universe.
Hubby: There's no Regine in this one. Hrm.
Wife: No Aga.
Hubby: Is that lip gloss on CDL?
Commentary from When Baduy Happens: Mukhang najo-jologs na itong si Mister dahil ngayon alam na niya lahat ng mga pangalan ng mga artista sa Pilipinas. Kailangan pa naming ipaalala kay Mister na talagang ganyan naman ang hitsura ni Boyet. Also, alalahanin natin na napanood na niya ang Mano Po 2 at hindi rin niya na-gets na dapat 1) Pinoy ang character ni Kris Aquino and 2) nag-morph ang character ni Kris bilang Susan Roces habang tumanda siya, kahit na kinapalan lang ng make-up sina Boyet, LT, at Zsa Zsa para magmukhang magkaka-edad silang lahat.
Wife: Eddie Garcia is wearing a freakin' PINK bathrobe.
Hubby: And he has gold grills... heheheheh.
Wife: Why are we watching this again?
Hubby: It's fun!
Wife (turning to hubby): Eddie Garcia is in a froufy bathrobe and Flavor Flav grillz, lecturing his "daughter" about Chinese family values with a fake tsinoy accent...
Hubby: Oh look! More weird pajamas!
Wife: I think that's Vilma's real outfit, hub.
1) Where else will you ever hear Eddie Garcia being mentioned in the same paragraph as Flavor Flav? Dito lang sa WBH, mga repapips!
2) Note to MTV Pilipinas: Kung gagawa kayo ng local version ng Flavor of Love - at ayaw pumayag si Andrew E na maging host - kunin na ninyo si Manoy Eddie. Puwede pa naman eh, kahit na ba parang apo na niya ang mga nagiging leading ladies niya sa mga pelikula.
3) Kung najojologs si Mister sa mga damit ni Ate Vi sa pelikulang ito, dapat hanapin nila sa Netflix or Blockbuster ang Imortal. Bongga yung futuristic wedding chever nila ni Boyet doon sa ending!
Speaking of endings... tinapos nila yung pelikula. Nagpumilit kasi si Mister, eh. Gusto talaga niyang malaman talaga kung magkakatuluyan si Boyet at Ate Vi.
EPILOGUE: Happily ever after pa rin ang ating mag-asawa, kahit na mukhang najojologs na nang husto si Mister. Kamakailan lang ay nagyaya si Mister na manood ng Mano Po 4: Ako Legal Wife - at ayaw niyang manood na wala si Misis sa tabi niya, kahit late na nang gabi sila manonood ng DVD sa bahay. Sinabi ko tuloy kay Misis na dapat ito ang susunod na i-rent nila...
Bongga!
Saturday, April 26, 2008
Indiana Jones and the Body Waxing of Doom
Harrison Ford waxes his chest
(In fairness, hindi naman ganito kabaduy ito, considering na ganyan pa rin ang hitsura ni sir at ginawa niya ito para sa rainforest awareness. Pero, seriously, ha.)
Monday, April 21, 2008
Old Kids On The Blog
JORDAN KNIGHT.
JONATHAN KNIGHT.
JOEY MCINTYRE.
DONNIE WAHLBERG.
DANNY WOOD.
Also known as New Kids On The Block.NKOTB!!!!
At sila din ang nagpasikat ng mga kantang ito.Do you remember?
Step by step oh baby gonna get to you giiirrrrl...
Please don't go giiirllll...
"Be My Girl"
"Stop It Girl"
"Cover Girl"
Oh-oh-uh-ohhh...oh-oh-uh-ohhh...the right stuff!
Hangin' tough!
I'll be loving you forever...
May reunion tour daw sila?!?!EEEWWWWWWWW!!!!
Monday, April 14, 2008
This Is How We Roll: The Rick Astley Extravaganza!
(Note to our fans: Ayaw kasi magpa-embed ng video ng "Together Forever.")
Wednesday, April 9, 2008
How Not to Be Baduy: Growing Up Gracefully
After:
Well, we already knew Neil Patrick Harris is made of AWESOME (kahit na he doesn't bat for our team) - but this? Is just Doog-liciously Doogie-dent!
Thursday, April 3, 2008
Thirty-Three Inches of Weng (Weng)
Yun nga lang, habang nandito lang kami sa opisina na naglalamyerda, hindi namin napansin na dumami na pala ang mga pelikulang Tagalog sa Netflix. And we're not talking about the award-winning, critically-acclaimed cinematic masterpieces, ha. Akalain mo ba, hanggang dito ba naman sa Tah-teh eh malalaman pa namin na ni-release na sa DVD ang aming mga Absolute Favorite Movies EVER, tulad ng Temptation Island at Apoy sa Dibdib ng Samar?
Pero ang entry na ito ay hindi tungkol kay Mark Lapid at ang kanyang saging, or tungkol sa mga mahaderang beauty queen na na-stranded sa isla na walang tubig, pagkain, or Josh Holloway. Nope - ang entry na ito ay tungkol sa isa sa mga bonafide Filipino superstars of the '70s and '80s - na sa sobrang lakas ng appeal niya sa mga international audiences ay puro English ang dialogue ng mga pelikula ninya.
Ladies and gentlemen, we give you... WENG WENG.
Tuesday, April 1, 2008
Tuesday, March 18, 2008
How Not to Be Baduy: Obligatory Gucci Gang Scandal Entry
To be loved and fooled is a crying shame
While I bear the blame
As he laughs my name...
I found love on a two-way street
And lost it on a lonely highway
- Stacy Lattisaw (?)
I can picture every move that a man could make
Getting lost in her lovin' is your first mistake
Sundown ya better take care
If I find you been creepin' 'round my back stairs
Sometimes I think it's a sin
When I feel like I'm winnin' when I'm losin' again
- Gordon Lightfoot
To live the rap life is what he was strivin for
Spendin cash at the bar to get credit
Drinkin Chaundon just because Big said it
They say Yes but dude was big headed
Rocked the fur in the summer so somebody'd pet it
He had a fetish for shoes that's athletic
Pathetic on his MySpace page half nekkid
It's a shame what they do for fame and to be respected
Joe, you coulda got it if you never woulda stressed it
- Common (with help from kumpareng Kanye and kumareng Lily)
And speaking of pareng Kanye...
...Well?
And finally, the most appropriate song for this situation...
...VICTIMS OF LOVE!!!
Thursday, March 6, 2008
Blind Item Porshaun: HALLER?
(Clue: The band name does not rhyme with the word "SCHMUESHE.")
Salamat kay Una, na nagpost ng video na ito sa Multiply niya.
At para sa mga taong natatakot malaman kung aling baduy love song ang tinutukoy namin dito sa blind item na ito, panoorin na lang ninyo ang original..
Saturday, March 1, 2008
Hunka Hunka Animatronic Kabaduyan
Mga repapips, hindi ako nagbibiro. Akala ko kasi joke lang ito para sa mga taong nagbabasa ng SkyMall (aka yung magazine sa eroplano na parang mail-order catalog ng mga jologs housewares) sa sobrang kabaduyan ng concept na ito. Isipin na lang ninyo ang shock ko noong nakita ko ito sa totoong buhay: Nagsasalita si Elvis! Kumakanta! Sumasayaw! Puwede rin kayong mag-duet! Parang mannequin sa Shoemart na kinabitan ng Xtreme Magic Sing!
(Pustahan tayo: Kung meron kayo nito, kabitan ninyo ng memory card galing sa Magic Sing tapos ilagay ninyo si Elvis sa duet mode at pakantahin ninyo ng Greatest Hits ni Manny Pacquiao. Benta!)
Pero teka... Sabi nila, "lifelike" daw ito kasi kuhang-kuha daw nito yung tunay na hitsura ni Elvis Presley. Talaga? Kasi pag nakikita ko ito sa tindahan, hindi si Elvis ang nakikita ko. Ang naiisip ko, ito ang magiging hitsura ni Robin Padilla pag sabay siyang pinagtripan nila Vicki Belo at Fanny Serrano para sa photo shoot.
Para sa mga taong nagbabasa ng blog na ito na nakabili na ng kanilang sariling animatronic robot ni Elvis, I have news for you: You're caught in a trap. You can't walk out. 'Cause you've just wasted money, baby.
Saturday, February 16, 2008
Eto Yung Mga Kantang Pinapakinggan ko Dati sa Mellow Touch:Happy Vaduylentine's Day Part 2
(All videos courtesy of dokskii's YouTube account.Madami pang ibang kanta dun.Go!)
Thursday, February 14, 2008
Speedwagon Spectacular:Happy Vaduylentine's Day 2008
Disbanded na ba kayo?Sana!Thank you.
Labs,
Bakeks
Friday, February 1, 2008
Saturday, January 19, 2008
When Renaldo Lapuz Happens
Woohooo!Bida na naman tayo!Hindi ko lang talaga ma-gets yung porma nya.Parang siyang si Rommel Padilla na sumali sa Knights of Colombus.