Thursday, August 30, 2007

A Tribute to TEMPTATION ISLAND, Part 2: Obligatory Malu Fernandez Entry

Yes, gustong-gusto namin sanang ukrayin yung Malu Fernandez na iyan - yung bruhang writer ng People Asia at Manila Standard na nag-ukray ng mga OFW sa mga column niya. Akala niya kasi napaka-glam niya para magsalita ng ganyan. I mean, haller - pareho kami ni Bakeks na laking senyorita, pero hindi kami ganyan ka-desperadong maging sosyal na magiging matapobre kami sa mga OFW, ano? Masaya na kami na ganito - kahit nagtitiis sa suweldo at "last season" na handbag eh at least mas kakaunti ang iniiyakan namin. Hindi na namin kailangang iyakan ang pag-sakay sa Economy Class. Hindi na namin kailangang magtiis sa linya sa Embassy, kahit na siksikan na sa loob ng SaGuijo. At kahit na ba hanggang Johnson's Baby Cologne lang ang pabango namin (hindi sa tatantanan namin yung Jo Malone, ha) eh at least pinaghirapan namin ang kinatatayuan namin ngayon. Bow.

Anyway, ano ba ang kinalaman ni Malu Fernandez sa Temptation Island? Well, panoorin ninyo ang clip na ito, at imagine-in ninyo si Malu sa role na ginampanan ni Jennifer "Ang Bruha ng Disyerto" Cortes. Hindi naman mahirap isipin na ganyan sila magsalita sa kanyang mga rich (and possibly gay) friends, di ba?


Tuesday, August 28, 2007

Maibang Banda NAPO Ulit Sana

Just so you know: Mahal na mahal namin ang APO Hiking Society. Kaya nga kami bumili ni Bakeks ng front seats sa unang concert ng KamiNAPO Muna dahil mahal na mahal namin ang bandang ito. (Well, sila at yung ibang mga banda na tumugtog, kung saan na-LSS kaming lahat.) Kaya siyempre natuwa kami noong nalaman namin na may Part 2 ang album na iyon.... at umulit yung ibang mga paboritong banda namin.

Pero hindi ibig sabihin nito eh hindi namin puwedeng ukrayin ang mga nakasama sa KamiNAPO Muna Ulit. Tulad ng mga ito...




Nakikita ba ninyo ito? Kaya nga ang nickname ng bandang ito sa headquarters ng When Baduy Happens ay SHAMEROCK. Yes, alam namin na may mga friends sila dito na nagbabasa ng blog namin... at wala kaming pakialam, dahil binigay sa kanila ang kantang sinulat ng APO para kay Jaime Garchitorena. Jaime Garchitorena! At hindi lang iyon, kinanta ito ni Jaime Garchitorena para sa commercial ng Close-Up! Imagine-in na lang ninyo kung magkakaroon ng tribute album para sa The Dawn tapos ibibigay nila yung "Kasama sa Tagumpay" sa Cueshe - ganoon ang efek nito.

(On the other hand: Ang ganda ng pambanlaw-utak sa katapusan ng video na ito! POCHOY! ANG GUWAPO MO! MAG-INTERN KA NA SA AMIN!)

Speaking of kajologan...



Really? Si JAY-R ng Pinoy Nightmare Dream Academy ang pinakanta ng "Suntok sa Buwan"? Oo, alam namin na ABS-CBN ang may pakana ng album na ito, pero... really? Sabi nga ni Bakeks, "Bakit? Hindi ba available yung kumanta ng theme song ng Sweepstakes?"

I mean... really. Hindi araw-araw na napapatameme ang Ate Mei ninyo sa sobrang pagka-WTF ng mga pangyayaring ito. Incredible.

Thursday, August 23, 2007

Rock Star Rakets 4

Continuing our series of rock star side businesses...




CHAMP INC. HEALTH SERVICES
Porta Vaga Mall, Baguio City

Marami ding mga dalaginding na nagpapagamot daw dito. Baka umaasa sila na kakantahan sila tapos tuturuan ng malinis na pamumuhay. Prevention is the key daw eh - prevention ng heartbreak?


BLOOMFIELD HOTEL
Baguio City
Pustahan tayo, yung mga bellboy dito ay kumakanta ng old-school style four part harmonies at palaging nakasuot ng amerkana.





Wednesday, August 22, 2007

Libro! Libro Kayo Diyan!

Kung magkakalibro man kami, ito ang magiging hitsura.

http://img292.imageshack.us/my.php?image=pictagtextpeoplebashingtw7.png

Image Hosted by ImageShack.us
Shot at 2007-07-26

Friday, August 3, 2007

Sequel Fever

At last, nandito na ang sequel na pinakahihintay ninyo...

Teka, aling sequel kamo?

Shrek ba? Ay, hindi, sa 2010 pa iyan.

Spiderman ba? Ay, sorry, hindi.

Oceans Thirteen? No.

The Bourne Ultimatum? Hindi rin, eh.

TransFormers? Hindi pa siguro.

Enteng Kabisote? Ngek, TALAGANG HINDI.

...O sige, sirit na?

...Talaga, sirit na?

...Ladies and gentlemen, the moment you've been waiting for...

...the long awaited sequel to the great cinematic opus...


Parts 13-22
Beginning August 13 at IFC.com
(...Yes, I know what you're thinking. Hindi ka pa rin makapaniwala na naka-12 chapters ang lecheng R. Kelly na iyan. Basta.)