Maiiba ang format ng Rock Star Mailbag natin ngayon. Hindi dahil hinabla na kami ng mga letter writers sa unang version ng article na ito, mind you (maawa naman kayo - wala na ngang pambayad ng abogado tapos mag-aapihan pa kami), pero na-overwhelm kasi ang mga interns namin sa dami ng mga naririnig namin tungkol sa mga stalkers ng rakista. Kaya imbes na i-publish namin
in verbatim ang mga sulat at haka-haka na naririnig namin, heto ang summary ng mga naririnig naming Modus Operandi sa pagiging epal sa banda.
Gawin po natin itong babala para sa mga taga-tagpangkilik ng OPM. Bow.
(Hindi namin puwedeng sabihin kung sino ang mga binabanggit namin dito, pero malamang na iisang tao lang ang may pakana ng raket na ito.)
- MODUS OPERANDI #1: Sa simula medyo mabait ang dating - matulungin, matinong kausap. Pag nakilala mo sa personal, parang normal na tao lang siya. Minsan ikukuwento pa niya ang mga favorite moments niya sa mga gigs. Pero pag nakausap mo siya ng matagal-tagal, saka lang niya babanggitin na meron siyang mga phone number ng mga rakista at palagi niyang nakakausap ang mga band members sa text or sa telepono. Yun nga lang, pag tatanungin mo naman siya kung ano ang phone number niya, sasabihin niya na nawawala ang telepono niya at nakakapag-text lang siya ng computer-to-SMS.
- MODUS OPERANDI #2: Makikita mo siya sa mga chat programs. Minsan sisipot siya sa mga Instant Messenger conferences or chat rooms para maghanap ng mga band members or kakuwentuhan, pero kung iba naman ang flow ng kuwentuhan ng mga tao saka siya magrereklamo kesyo hindi siya makarelate. Hindi rin siya namimili ng mahahagingan dahil kahit may miyembro ng ibang banda na present sa usapan na iyon eh magrereklamo pa rin ang hitad. Syempre habang nagchachat sasabihin din niya na katext din niya ang kanyang mga Celebrity Text Buddies (see Modus Operandi #1). Tapos pag magpapa-alam siya saka niya sasabihin na manonood siya ng isa pang gig para sa isa pang banda na wala namang kinalaman sa pinag-uusapan sa chat. Also, pag nasa buddy list siya ng IM program mo, makikita mo na ang message niya palaging may binabanggit na sikat - for example, pag online siya, sasabihin sa message niya na nakikipag-chat siya sa jowa ng rakista. At siyempre, kung sasabihin mo naman na may number ka ng isa sa mga Celebrity Text Buddies niya, hihingiin din niya ang numero na iyon.
- MODUS OPERANDI #3: Pagpunta niya sa gig, pupunta siya backstage para magbigay ng regalo sa banda. Siyempre pag ginagawa iyon maganda na ang tingin ng band members sa kanya. Pero oras na nakatalikod ang mga miyembro ng banda, saka niya sasabihin na "close friends" naman talaga sila ng banda at siya pa ang kinuha na ninang ng anak (kung meron). Pagmamayabang niya na nakapunta na sila sa bahay ng band member na iyon at kung gusto mo eh puwede ka niyang dalhin doon dahil alam niya kung saan.
- MODUS OPERANDI #4: Kung merong band member na pogi, siyempre patay na patay ang hitad doon. So much so na sa tindi ng kanyang pag-ibig para sa band member na iyon ay magtatayo siya ng fake account sa Friendster or Multiply gamit ang pangalan at vital statistics ng band member. Siyempre palalabasin niya na "sila" na, kahit na tanungin mo pa siya sa text or sa chat kung siya talaga ang syota at deny to death ang hitad. So of course, pag nalaman niya na may syota or asawa na pala ang band member na kinagigiliwan niya, parang tumitigil na din ang takbo ng buhay niya, at saka siya magrereklamo sa kanyang "friends" sa chat or email tungkol sa kanyang pagkabigo sa pag-ibig. Of course, pag tatanungin mo naman siya kung meron naman siyang ibang puwedeng mabalingan, sasabihin naman niya na "shy kasi ako" at "baka ma-OP kasi ME."
- MODUS OPERANDI #5: Gagawin niya ang lahat para hindi magbayad ng ticket or cover sa gig. And by lahat, we mean
lahat: magsusuhol ng promoter, manggugulo ng VIP room, sisipsip sa banda (no, hindi
ganyan), at siyempre lalabas ang all four previous MOs niya para mapalabas na Friend of the Band talaga siya, parang awa ninyo na, at wala siyang pakialam kung nagpapahinga sila or biglang nagkasakit ang isang member nila kasi Friend of the Band naman siya at puwede ninyo siyang papasukin dahil nasa guest list ang pangalan niya, please please
pleeeeeeeeeeease!!!!! At dito namin kailangan ni Bakeks mag-Sermon on the Mount. Marami na kaming mga bandang nakilala sa buhay namin. Tao din lang naman sila - masarap kakuwentuhan, ka-inuman. Minsan sa kagandahang-loob nila nagpapakain pa sila at naghahatid sa bahay. Hindi naman nila hiningi ang ganitong klaseng buhay. Pero minsan lang talaga hindi nakikita ng mga tao na pinaghihirapan din nila ito - kahit bigay na bigay sila sa entablado eh umuuwi pa rin sila nang pagod at nangangailangan ng "me time" para makapagpahinga. Paano na iyan kung palagi silang napapaligiran ng mga epal na kuha lang nang kuha pero hindi naman binabayaran ang binibigay?
Kaya heto ang payo namin sa inyo...
-
ANG TUNAY NA FAN, NAGBABAYAD. Gaya ng sinabi ng isang makatang mas marunong pa sa amin, ang hindi pinaghirapan ay hindi minamahal. Kung gusto ninyo magregalo, mas mabuti pa sa free concert na lang ninyo i-abot iyan dahil lalo pa iyan ma-a-appreciate ng banda. At hindi magmumukhang suhol. Otherwise, pag palagi ka na lang may dala-dala baka magmumukha ka lang na tipong taong nagpapagamit.
-
Kung ikaw ay miyembro ng banda, wag kang matatakot kaagad! Kung gusto mo pa rin maglibre, OK lang yan. Pero kung alam mong nasa panganib ang personal space mo, gawin mo na ang lahat na dapat gawin. Baguhin mo na ang passwords and privacy settings ng mga networking accounts mo, lalo na pagdating sa photos at blog entries. Huwag mong ipamigay nang basta-basta ang home address, personal email, or cell phone number. At pag may nagsumbong sa inyo, cool kayo kaagad. Kasi nga...
-
...Management Will Take Care of the Problem. Kasi sa kanila din naman mapupunta iyan kahit isumbong mo pa kahit kanino. Pati mga promoters din kailangang payuhan. Malay natin, baka may pictures na sila na puwede nang ipaskil sa mga bar na parang mga shoplifter sa tindahan. HUWAG NINYONG TULARAN ANG MGA ITO!
-
At kung hindi maidadaan kaagad sa manager, idaan na ninyo kay "kumander" - namely, ang asawa/ girlfriend/ closest family member ng banda, dahil sila na ang makakapag-awat kaagad sa mga masasamang loob. Ipakilala ninyo kaagad ang inyong bagong "Friend of the Band" para 1) matameme kaagad ang hitad and 2) makabisado nang maigi ng family member/ significant other ang pagmumukha for future reference.
-
Finally, huwag magpa-uto! So sinabi nya na may phone number siya ng band member. So what? Kung magkaibigan talaga sila eh hindi na niya kailangang ibenta sa iyo ang number na iyan. Kung pinagmalaki niya na may condo siya, hihingian mo din siya ng prueba, di ba? Otherwise, hindi lang naman siya ang magmumukhang tanga pag nabisto ang gimik niya. Matuto na kayo sa mga taong nagpadala sa mga pyramid scam at huwag magpadala sa kahit ano.
O, hayan, galing na sa amin ito, ha? Binalaan na naman kayo.