Friday, June 29, 2007

Huwag Ka Nang Malungkot...

...dahil tuloy na tuloy na ang SPICE GIRLS REUNION!!!

Patawarin po ninyo kami, mga kaibigan. Akala nga din namin na pinalipas na namin ang mga ito eh. Pero noong nakita namin ang picture na ito sa Go Fug Yourself (lalo na noong nakita naming mataba na si Scary, buntis si Baby, at yung hitsura ni Victoria Beckham ay parang Barbie na pinagtripan ng kapatid naming lalake) eh halos napawi na ang aming ngitngit.

Bahala na kung matapos na ang mundo ngayon... at least yung Spice Girls ang nagkabalikan at hindi yung Spice Boys. (Sorry, Mr. Zubiri and Mr. Defensor.)

Tuesday, June 26, 2007

Rock Star Rakets

Nagtataka ba kayo kung ano ang ginagawa ng mga paborito ninyong rock stars sa Pilipinas pag hindi sila tumutugtog? Naisip ba ninyo kung saan sila kumukuha ng puhunan para sa retirement fund nila just in case na malaos ang mga banda nila? Well, look no further, dahil nakuhanan namin ng prueba ang mga unpublicized Rock Star Rakets! Tangkilikin po natin ang sariling atin.


ALCARAZ MOTOR WORKS
Bgy. Maahas, Los Banos, Laguna


Sigurado kaming maraming mga wannabe fangirls at trying-hard vampires na palaging tumatambay dito. Hindi lang dahil gusto nilang magpa-ayos ng kotse at magpa-oil change, kundi dahil umaasa sila na maraming mga HOTTT na mekaniko dito. Sabagay, sa sobrang lakas ng dating, nakakabakla... I mean, nakaka-bakli pa sila ng bakal! STEEL BENDER kasi...


(Note from Office Driver Jopet: Pinagsabihan na ako ng mga mekaniko dito sa shop na ito. Palagi daw akong hinahanap ng mga chicks doon. Nakakatakot daw kasi ang kapal mag-makeup at ang taray pag pinagsasabihan na wala ako! Buti na lang hindi nila alam na sa dealership lang nagpapaayos ng mga auto nila Bakeks at Meimei...)


DANCEL DORMITORY
Umali Subdivision, Los Banos, Laguna



Going to UP Los Banos? Mag-board kayo dito at siguradong hindi kayo sasablay sa mga chicks. Kung ayaw nila sa iyo, eh siguradong mas ayaw mo sa kanila. And really, it sure beats taking them to Mariposa.











CHITO'S FRIED CHICKEN
Rhodas Subdivision, Los Banos, Laguna

Meron ba kayong pansit? (Wala po!) Meron ba kayong adobo? (Wala po!) Meron ba kayong chopsuey? (Ubos na po!)... CHEF! Meron ngang menu! Wala na bang ma-ORRRRRRRRRRR-DERRRRRRRRRRRRR na CHIICKEEEEEENNNNN?????




PIZZA VOLANTE
Baguio City

Nakakasigurado kami na hindi na kumakain dito si Nina pag pumupunta siya ng Baguio. Masyado sigurong mataas yung tono ng kanilang Italian food.

Next installment: hotel para sa mga Halers, gawaan ng bahay-bahayan for conios, at ang drug store mong walang katulad.

Sunday, June 17, 2007

Ate Meimei and Manay Bakeks' Copy Editing and Love Advice Portion

Noong isang araw, may natanggap kaming isang package galing sa isang batikang showbiz writer sa Pilipinas. Ito ang note na kinabit niya sa package na pinadala niya sa amin:


To my dearest Bakeks and Meimei,

Please find time to edit this text from a good friend of mine.Inglisera naman kayo pareho.

Funfarely yours,
Kuya Ricky



So, without further ado, here are our editing notes - made with blood-red G2 editing pens imported from Japan, of course - for the following text galing sa isang taong itatago natin sa initials na Y. B. (Ano iyan, Young Borat? - Head Intern Shaun)


Tito Ricky, it was when beginning time we have interview with you. Now I am requesting with you for ending.

"When beginning time"? Ano iyan, bago naisulat ang Book of Genesis sa Bible? So ang ibig sabihin niya ay siya ang nagsimula ng isyu at gusto niyang tapusin.

I would like to finish this story with you, with Ruffa we deciding end this story because of me.

Oy, RUN ON SENTENCE! We no likey the run-on sentence, it is boring, it makes the person sound monotonous. Anyway, we get the point. Try "Ruffa and I have decided to end this story together."

Even though we love each other so much, it cannot be fixed because of my disrespectful words. When I use my words, it is because I am so angry and out of my mind.

Kita ninyo iyan? English major kasi ang Ate Mei ninyo kaya minsan naalala pa niya ang maglagay ng proper subject verb agreement.

Just I was try to survive my honor and my family but I forget my wife, mother of my children, and Gutierrez family also carrying my honor. Whatever I am saying, those people not deserving. But whatever to Ruffa and her mom said to me I deserve all this words. However, until today whoever believe and trust my words I am apologize to them because I was wrong!

Teka, teka, teka, naguguluhan na kami dito sa kung sino ang mas "deserving" at sino ang "carrying honor" dito. Please clarify.


I am not deserve Ruffa and her love because she was good wife, good mother and good human, but I am not! I am saying all this with my free will. I am not try to make anybody happy. I am saying this because it’s truth.

Heto ang pahayag ng aming Head Intern Shaun: Pare, I have loved a lot of good women in my lifetime. Hindi din ako deserving na mahalin sila, sa totoo lang... pero kung alam ko from the very beginning na niloloko ako ng asawa ko dahil 1) hindi niya inasikaso ng mabuti ang unang divorce niya and 2) mukhang datung ang nanay niya, eh hindi mo ako masisisi kung uminit din ang ulo ko, ano? Then again, ayoko ngang gamitin yung walk in closet ko sa bahay para magkulong ng mga bruha. Baka masira kasi yung aking collecshaun ng vintage vinyl records...

I wanna clear Ruffa and members of Gutierrez family, Bektas family also Islam religion and my country. If something wrong, I am the wrong one. Out of my family name, I wanna say this name just Yilmaz from my heart and with my free will.

Hmmmm... So you are speaking as Yilmaz and Yilmaz alone, right? From the heart? Mukhang makukuha mo na kami dito...

From now, probably people calling me insane. I would like to say that the difference between insane and genius is success and failure. I failed but sometimes because insane better than being intelligence because you will not gonna see dirty side of world...

...Pero ano ba itong ibig sabihin mo ng "insane better than being intelligence?" Sige na, makikanta na kayo sa amin! SINONG DAKILA, SINO ANG TUNAY NA BALIW?

Tito Ricky, please do this favor to me and publish this. And clear Ruffa and her family name. Thank you. It will make me happy but not proud.

Hmm, let's think about the family whose name you are clearing, pare: Si Daddy, na maraming babaeng inanakan bago niya pinatulan si Mommy na mukhang pera. Ang mga kapatid niya, na kinabibilangan nina 1) Captain Barbell; 2) ang kakambal niyang si Captain Effeminate; 3) isang walang kuwentang rapper; at 4) sari saring mga failed child actors na tinulak ni Manay Bisaya na mag-artista bago sila tumakas sa States para magpakatino? Yeah, we would not be proud either.


Also, I wanna send this message for Gutierrez family:

I am sorry to you and mother Annabelle. Hope one day you will forgive me. I know how difficult. Never I didn’t want to be disrespect, never I am thinking will gonna happened like this, what I did until today. It was just I try getting my family back.

Ay parang kabaligtaran ito ng mga pelikulang pinapanood dati ni Meimei at ng kanyang ermat sa Lifetime Channel sa Tate! Pero dito sa vershaun na ito yung foreigner ang humihingi ng tawad kasi hindi niya akalain na siya ang maiiskandalo. Uy, ibang kuwento na ito ah. Siguro next time magtext kayo kay Manay Oprah, ha?

But I lost my family and your respect because of my anger. I don’t know how but just story getting out of control. Just I wanna say you Ruffa and mother Annabelle always good to me. Whatever I say until today all bad words to hurt you...I taking to myself. Please Dad, Mom, I lost my love and my family and your respect. Believe me, it’s more painful than bullet pain.

Yan na ang bagong catchphrase namin dito sa When Baduy Happens headquarters. "Uy, Meimei, narinig ko yung cover ng 'Jealous Guy' by Cueshe! IT'S MORE PAINFUL THAN BULLET PAIN!"

Just please I know how difficult to forgive but just accept my my sorry like nutty son.

...As opposed to "accepting sorry like Naughty Shaun." Kasi pag naughty si Shaun, kinukulong lang namin siya sa loob ng aming walk in closet kasama ni Meimei.

(Leche, tumahimik kayo diyan! WALA KAYONG ALAM! - Head Intern Shaun)

And believe me, never I am not gonna be with my Ruffa!! Mom and dad it’s your Ruffa now. Please dad, take care of her.

Uy, double negative! Buti na lang hindi mainitin ang ulo ni Mei sa mga ganyan. Pero if you're letting go, eh di ba dapat "never am I going to be with my Ruffa"? Kasi pag nilagyan mo ng double negative parang ayaw mong bumitiw eh...

(*cue all interns singing "WAG KANG BIBITIW BIGLA! WAG KANG BIBITIW BIGLA!"*)

Sorry, sorry, million times sorry for Gutierrez and Bektas family, except myself.

At dito natin maririnig ang pag-epal nila Mahmah Bakeks at Mahmah Mei sa kanilang chorus ng "Patawarin Mo Muna ang Sarili Mo." Labyu Moms!

Tito Ricky, we decide to finish our story just last night. It’s now final decision, 14 June 2007. We completely break up. Thank you!

...And that concludes the Copy Editing and Love Advice Portion of our blog entry. We now return to our regular programming.

Monday, June 11, 2007

Can You Spell SCHADENFREUDE?

Ang ganda ng weekend namin ni Bakeks.




  • Binalik sa bilangguan si Paris Hilton.

  • Inamin na ni Ruffa Gutierrez na kinasal siya sa ibang lalake, at ang lalakeng iyon ay hindi si Yilmaz Bektas. (Oo, nanood si Bakeks ng The Buzz kahapon habang nakikipagchat sa akin. And we have this to say: Sorry, Ruffa, but your credibility expired last month.)

  • Lumabas ang "kissing photo" nina Gretchen Barretto at John Estrada - at sa sobrang kahihiyan ni Gretang Magarbo ay napilitan si Boy Abunda na magsalita para sa kanya.

  • Nalaman ko lang na may concert pala ang The Bloomfields dito sa Hawaii! YEHEY! One giant step in keeping Hawaii's Fil-Am community jologs-proof! (Note to Philippine Consulate: Next year puwede ba Bamboo at Sandwich naman?)

  • Napanood ko na ang video ng "SAGING LANG ANG MAY PUSO" Dance Remix (hee!)

  • Dismissed na ang mga libel cases between Dra. Belo at Losyanga... I mean, Rosanna Roces
  • Speaking of Dra. Belo, lumipat na si Kris sa Facial Care Center. Goodbye, regular Monday facial appointments with Hope-Ya-Like-It in Cubicle #69!

  • Nagbreak na sina Owen Wilson at Kate Hudson... which means may pag-asa na ang mga lola ninyo sa one and only na Butterscotch Stallion! Yum!

  • Patok sa takilya sa opening weekend ang Ocean's Thirteen! WOOT WOOT!

And that's not even counting the chismax I just heard tungkol sa pakikipagbreak nila Erik Santos at Rufa Mae Quinto. (Although, come to think about it, wala kaming pakialam - at kung akala ni Manay Erik na may pag-asa na siya kay Owen Wilson eh humanda siya sa amin!)

Pero aaminin ko din, busy na kami pareho. Hindi lang dahil sa trabaho namin, or sa sosyal life namin, kundi dahil sa marami kaming naisip na pakulo para sa aming mga "fans" (yes, all five of you) ng When Baduy Happens. Marami pa kaming mga celebrities na kailangang laitin. Marami pang mga chismis na kailangang usyusohin. Marami pang oras ng "research" na kailangang sayangin sa Letterman, Leno, Oprah, The Daily 10, Showbiz Central, The Buzz, Your Song, at iba't ibang mga palabas na nakakatunaw ng utak.

At siyempre pa, dito pa ninyo malalaman ang EXCLUSIVE HOT NEWS galing sa amin mismo na magla-launch na ang When Baduy Happens ng sarili naming skincare, fragrance, and cosmetics line! Hindi puwedeng matupad ang aming pangarap ng total world domination kung hindi namin tatapatan ang Bench at Ever Bilena sa kanilang market share!

Abangan na lang po ninyo ang mga balita namin dito. Luv ya, mean it!

Saturday, June 9, 2007

We'll Always Have Paris

Kagabi sabi ni Bakeks sa akin, "Let's write about Paris Hilton!" Eh ayoko naman kasi alam ko may naka-file na motion para ibalik yung hitad sa bilangguan at sabi ko na hihintayin ko na lang yung court date bago ako magsulat ng kung anu-ano.

Well, dumating ang court date kaninang umaga. At ito ang napagdesisyunan nila....

Paris Goes Directly Back to Jail (from E! Online)

Panalong-panalo pa nga yung picture na isinama nila sa news report eh. Kitang-kita na mas grabe pa siya kay Noynoy pag iniiyakan niya ang ermats niya.


Ang ganda nga ng napagdesisyunan eh - imbes na 23 days eh kailangan na niyang tapusin ang 45 days niya, walang reklamo, walang eklavu. Now the only challenge is to keep her there, no questions asked.

At yun lang ang masasabi ko.

Wednesday, June 6, 2007

How Not To Be Baduy:Ang Katulad Mong Walang Kabaduyan

Moonlane Gardens


Children,listen to me.On June 8 go to Odyssey Megamall at around 5 PM.Album launching ng Moonlane Gardens.Pagkatapos nun may after party sa Mugen Metrowalk.Free entrance.BRING YOUR OWN MONEY for beer and pulutan,that's if you are 18 years old and above.Bawal ang mga Microsoft o "user-friendly".Wag mag-inarte.Pumunta kung gusto talaga pumunta.Madaming paraan para makarating sa gig.

Ayos?Ayos!

Friday, June 1, 2007

When Baduy Apologizes

Recently nakilala ni Bakeks (sa wakas) ang isa sa mga walking targets namin dito sa When Baduy Happens. No, hindi si Gretchen, Ruffa, or lahat ng mga senatoriables na inapi namin. Actually, ang tinutukoy namin dito ay isa sa mga featured letter writers sa Rock Star Mailbag namin. Mabait naman siyang tao, pero hindi lang masyadong matalas sa English.

Kung ka-level siya nila Alma Moreno, Melanie Marquez, at Alyssa Alano sa kasikatan, magandang target na siya. Yun nga lang hindi eh, kasi tao lang siya. Hayan, nahihiya kami sa kanya.

On behalf of WBH, I would like to extend my deepest, heartfelt apologies.

*****

Speaking of apologies, nabalitaan namin dito na nasuspend daw si Tim Yap sa Inquirer kasi hindi niya talaga matiis na magsulat at hindi banggitin ang kanyang isang-katerbang mga raket na ginagawa niya pag hindi siya nagsusulat. Tim, darling - kung gusto mong ma-achieve ang goal mo ng world domination, hindi mo iyan ma-a-achieve kahit gawin ka pang Editor-in-Chief ng Inquirer. Bakit, akala mo ba masyado ka nang sikat para magkaroon ng account sa Blogger, MySpace, at Multiply? At least doon marami kang ma-uuto... um, I mean, mako-convince... na ikaw ang pinaka-astig na writer/ actor/ model/ entrepreneur/ designer/ journalist/ activist/ WHATEVER sa buong mundo at walang binatbat ang iba diyan sa iyo, gay or straight.

(Also, Tim? Siguro naiinggit ka lang kay Pete Wentz kasi naunahan ka na niyang mag-design ng damit para sa DKNY. At least si Pete, kahit lumalaki na ang ulo niya sa sobrang kasikatan eh nakikisalamuha pa rin siya sa mga great unwashed sa MySpace, ano? Ba't hindi mo na lang tularan iyan?)

Kaya: Tim Yap, this song is for you. Not because you're gay, ha... but if you listen long and hard enough, you'll realize that there are worse things in the world than just being bakla.