Sunday, April 29, 2007

Rock Star Mailbag: Carabao English and Sablay na Comments Edition

Here at When Baduy Happens, we always have our interns reading our mail for us - including the emails we get from the Yahoo! Groups of our favorite bands. Yown nga lang, minsan sumasakit din ang ulo nila sa pagbabasa kasi hindi minsan nila masikmura ang baluktot na English ng ibang mga listers dito. Alam ninyo naman na sosyalin and well-educated ang mga interns na kinukuha namin dito, kaya VERY IMPORTANT sa kanila ang proper use ng English grammar. So, para hindi na sumakit ang ulo ng mga interns namin, ilalagay namin dito ang mga favorite letters namin... and by "favorite" we mean "yung talagang nagpapa-high blood sa amin sa sobrang pagka-ewan." Enjoy!


LETTER #1: NATUTULOG BA ANG DIYOS?

Good day !

Alam na naman siguro ng lahat na ka-(blank) si (band member) sa (blank).

At bilang isang (toot-toot) nito,he is then aware enough of the CHURCH's LAW-ang hindi pakikipagtipan sa sanlibutan. Kung alam nya lang na sobrang tinitingala siya ng maraming kapatid sa (name of church), at pangit yatang pakinggan kung totoong sila na nga ng close friend nyang (starlet)... sana lang (blank), maging handa ka sa mga consequences pag nagkataon... but if ever... wala na man talaga tayong magagawa mga mahal na kapwa (kagrupo) !

...ngunit kahit anong mangyari,,patuloy kang kasama sa mga panalangin namin [snip] you surely will meet someone, someone who doesnt just loves you when your naked... eheheheh! MAY OUR FAITH BE MORE CONCRETED.

*****

LETTER #2: CRIMES OF PASSION

i'll file cases against (same person as above)
the case are:
robbery(for stoling my heart)
illegal possession of cuteness

and (same as above) you are guilty
so you are hereby sentenced to LOVE ME FOREVER and dat's an ORDER!!!

***********

LETTER #3: SPEECHLESS

your new songs was awesome. Its a little bit more funkier and more sympathizers and [percussion instrument #1]!! wooohooo!!. . thats right!! my very very good comments [snip]

(Sablay na comment sa song #1): WOOOOWW!! awesome!! unique the only song with no
guitar playin" that i have ever known and with new [percussion instrument #1] and
[percussion instrument #2]!! Its just a touch of pure dance yo!

(Sige,inglisan pa to sa song #2): ...and i think its with a touch of U2 sound on the chorus part. It reminds me of a U2's song.

(Sablay na comment sa song #3): [Band] likes a song that they will mentioned all the subjects for that topic [snip].... ahaha the question is aswerable by a song.ahahaha!

(Concluding statement):
hope [band] would appreciate it and think of this as an acceptable comment because for me their is no negative comments bcoz its a deceiving songs.thanks!!

******

LETTER #4: MAALAALA MO KAYA?

Its been a long time...I was surprised to you guys. Cguro d nyo ako natatandaan, I was a classmate from [name of school]. And its very surprised that everybody up there rigth now! I am now here in [overseas for a certain amount of time],when I heard all of you guys unbelievable.I remember the days in highschool our 1st concert , we won at inter CHOIR competetion, ang cute cute nyo pa non. ang gwapo gwapo p ni [band member #1], [band member #2] ganun pa rin wlangpagkakaiba. cguro d nyo n natatandaan [snip]....Kakainggit kayo di hamak mas magaling akong kumanta s inyo.

GOD BLESS U ALL, AND KEEP UP THE GOOD WORKS...

When Baduy Happened to Philippine Politics,Part 4:Eat Your Pechay



PECHAY:ITANIM SA PASO!

'Nuff said.

Friday, April 27, 2007

Ukrayan with the Stars

I will admit this much: I am a fan of the original US edition of Dancing with the Stars. There came a time na mas inaabangan ko pa ito kaysa sa American Idol. Concept pa lang, patok na:

1) Take a handful of B-list celebrities (yung mga tinatawag na "Laotian" sa Pilipinas)
2) Pair them off with professional ballroom dancers (hindi yung mga "commissioner" at "attorney" na nambibiktima ng mga matrona)
3) Put them through weeks and weeks of formal dance training
4) Watch as they try to pass off their pathetic shuffling as "dancing"
5) Ignore the judges' comments, because they don't really matter that much in the long run (kung tutuusin, pag pinagsabihan ka ba naman na "there is more romance between Rosie O'Donnell and Donald Trump" kaysa sa inyong dalawa ng partner mo eh hindi mo din didibdibin iyon, ano?)

Siguro kung wala ka sa Tate eh hindi mo talaga maiintindihan kung sinu-sino ang mga "stars" na naisama dito sa programang ito, which might diminish your enjoyment slightly. But that shouldn't take away from the super fantastic dance numbers, tulad nito...



Forget, for a moment, that Apolo Anton Ohno used to be a super hot Olympic athlete (speed skating, to be exact), and let's concentrate on that tiger costume for a minute. Ano ito, Lion King? O baka naman ito ang homage nila doon sa dance number ni Sacha Baron Cohen sa Madagascar, kasi pag napapanood ko ang video na ito parang naiimagine kong si Borat ang kumakanta.

But that's nothing kung ikukumpara mo sa All Time Ultimate Dancing With The Stars Moment starring none other than Drew "Yung Kapatid ni Nick na Kumakanta Din Pero Naunang Mag-Asawa" Lachey...

There. Are. No. WORDS.

Monday, April 16, 2007

Battle of the Reality Show Singing Sensayshauns: U2 Covers Edition

In this corner, Daughtry (as in Chris from last year's American Idol) with their cover of U2's "Sunday Bloody Sunday" from Pepsi Smash on Yahoo!




And in the other corner, MiG Ayesa (of last last year's Rock Star: INXS) and The Dawn (of the alternate-reality docudrama movie Tulad ng Dati) covering "Pride (In the Name of Love)" live at Araneta Coliseum when they opened for INXS with JD Fortune.

Tingnan natin kung sino'ng dakila at sino ang TUNAY NA BALIW (sorry) sa pag-cover nila ng mga Greatest Hits ng pinakamalupit na banda sa buong mundo. Game!

Sunday, April 15, 2007

Don Ho: 1930 - 2007



This post is dedicated to those of us who has ever used "Tiny Bubbles" for our first attempt at performing hula.

For many, no trip to Hawaii was complete without seeing his Waikiki show — a mix of songs, jokes, double entendres, Hawaii history and audience participation.


Shows usually started and ended with the same song, "Tiny Bubbles." Ho mostly hummed the song's swaying melody as the audience enthusiastically took over the familiar lyrics: "Tiny bubbles/in the wine/make me happy/make me feel fine."


"I hate that song," he often joked to the crowd. He said he performed it twice because "people my age can't remember if we did it or not."




It doesn't matter where you were on the debate of the commodification of Hawaii or the cheesiness of "tourist" culture: Don Ho was The Man. Rest in peace, Don.

Monday, April 9, 2007

When Baduy Happened to Philippine Politics,Part 3:ANAK NG P!

Ok,papakilala ko muna sa inyo ang ating politician for the day:Juan Miguel 'Mikey' Macapagal-Arroyo,37 years old.Representative,2nd District of Pampanga.

Oy kababayan ni Mark alias SAGING LANG ANG MAY PUSO! Lapid.Kaya naman pala shumowbiz din si Mr. Arroyo,ano?Appear!Tapos pareho sila ni Kris na pumasok sa showbiz na anak din ng Presidente?!?WOYOYOY!Na-link si Kris kay Saging,diba?Si Kris na pamangkin ni Dancing Queen?Si Kris na na-link din kay Binoe na endorser ni Goma?!?

Magkaka-kabit ang mga bituka nila.It's all coming back to me now...

(Note from Mei: Napanood ko yung interview ni Mikey sa TOTOO TV with Maverick and Ariel. Sinabi niya na nakilala daw ni Mikey ang wife niya sa isang family reunion... which means na PINAKASALAN NI MIKEY ANG DISTANT COUSIN NIYA! Eeeeeeekkkkk!!!!! In the words of my dear Mahmah Mei, ang mga mayayaman talaga....)

Anyways,tumambay ako sa IMDb.com para hanapin ang filmography ni Presidential Son.Isa-isa nating himayin ang titles ng mga ito:

SABLAY KA NA,PASAWAY KA PA(2005) (as 'Mikey Arroyo')--- MIKEY ARROYO AS HIMSELF?YUNG TITLE KAYA EH PATAMA PARA SA KANYA?

MASAMANG UGAT(2003) (as Mikey Arroyo) .... Angelo ---NO COMMENT AKO DITO.BAKA MAGLAHO SI MANAY BAKEKS AT ANG KANYANG PAMILYA PAG MAY HINIRIT AKO.MASAMANG UGAT DAW TAPOS MIKEY ARROYO AS HIMSELF NA NAMAN.ULITIN KO LANG:MASAMANG UGAT?!?OMAYGASH.(*TINGIN SA PALIGID SABAY TAKLOB NG KUMOT AT PATAY NG ILAW*)



A.B. NORMAL COLLEGE (TODO NA 'YAN,KULANG PA YUN) (2003)( as Miguel)--- ITO YATA YUNG SISTER SCHOOL NG HARVARD UNIVERSITY SANTA ROSA.WHATTA TITLE.

WALANG IBA KUNDI IKAW (2002) (as Simon) ---FILL IN THE BLANKS NA LANG PO.
WALANG IBANG ______________ SA ELEKSYON KUNDI ________________
WALANG IBANG BABAE SI___________________ KUNDI _______________


DI KITA MA-REACH(2001)( as Ben) --

---GANYAN TALAGA ANG MGA DUGONG BUGHAW,HINDI MAABOT NG MASA.


MAHAL KITA KAHIT SINO KA PA (2001) (as Lt. Bernardo)
(Note from Meimei: Hehe nakakatawa yung fez ni Juday sa picture na ito! Kung puwede ko lang basahin ang iniisip niya... "Oy, Mikey, puwede ba? Magmumog ka nga muna ng Listerine, ano? Parang nasobrahan yata sa bawang yung sisig na kinain mo kanina! Hayyy, sana si Borgy Manotoc na lang ang ginawa ninyong ka-loveteam ko...")

SUPER IDOL (2001)( as Alfred) ---LAGI NA LANG MAY SUPER.

DI 'KO KAYANG TANGGAPIN (2000) ---ANG ANO?PAMILYA MO?
(Note from Head Intern Arthur: Ma'm Bakeks, pinatawag ko na ang mga bodyguards ninyo. Pinagsuot ko po sila ng Kevlar tulad ng order ninyo...)

LARGADO, IBABALIK KITA SA PINANGGALINGAN MO! (1999)
... aka Largado (Philippines: Tagalog title: short title)

Note from Office Driver Jopet: IBABALIK KITA SA PINANGGALINGAN MO? Ay, parang ito yung nangyari noong isang araw noong pinatawag ako nina Arthur at Marco kasi nakainom si Ma'm Bakeks ng.... (*sabay tago sa ilalim ng desk para hindi ma-resbak ng mga bodyguards*)

ANG BOYFRIEND KUNG PARI(1999) - Note from Head Intern Shaun: Hindi ako expert sa Catholic dogma and theology - hindi katulad ng mga kabarkada ni Meimei doon sa Hawaii - pero di ba bawal iyan? At kung hindi naman bawal eh di ba may mga theological and psychological complicashauns ang mga iyan? Kaya tuloy maraming nagdedemandahan sa simbahan! Shame, shame.

ANG MATON AT ANG SHOWGIRL (1998) - Note from Head Intern Arthur: Saan kaya puwedeng maka-score ng "dibidi" nito? Gusto ko kasing magpadala ng kopya nito sa mga members ng Cueshe....

TAPATAN NG TAPANG(1997) (as Mikey Arroyo) --TAPATAN NG TAPANG NG APOG PATULAN ANG TF NG PELIKULANG ITO. TAPANG NG APOG
PARA I-PURSUE ANG SHOWBIZ AT ACTING CAREER!

AT BAKIT KAYA ANG LILIIT NG MGA LITRATO NG POSTERS NG PELIKULA SA INTERNET?Ito kaya ay dahil:

1. Maliit ang kinita ng mga pelikulang ito sa takilya
2. Hindi sila pinalabas ng matagal sa sinehan
3. Totoo nga ang conspiracy theory ko na mayroong [CENSORED BY THE MTRCB FOR UNSUITABLE CONTENT]
4. Kinahihiya nilang malaman ng ibang tao na may ganung klaseng pelikula
5. Walang may pakilalam sa mga pelikulang yun
6. ALL OF THE ABOVE

Saturday, April 7, 2007

When Baduy Happened to Philippine Politics, Part 2: Guilty Feet Have Got No Rhythm

Sabi sa akin ng tatay ko noon, pagdating sa business, walang kaibigan at walang kaaway - puro common interest lang. Kaya nga natatawa ako pag dumadating ang eleksyon dahil naglalabasan ang mga taong hindi natin inaasahan na magiging "magkapartner" sa ikabubuti ng bayan. Tulad ng dalawang ito...



Oy, pasalamat kayo at hindi ako nabilaukan habang pinapanood ko ito sa YouTube, ano? Keyboard + herbal tea + Richard Gomez campaign ad = guaranteed malfunction na hindi madaling mapaayos sa inyong suking Geek Squad.

And speaking of mga bagay na hindi madaling mapaayos, tingnan po natin ang One and Only Dancing Queen of the Philippine Senate...



Hay naku, Tessie, kahit mag-sorry ka pa nang mag-sorry eh parang naglalagay ka lang ng Band-Aid sa isang malaking sugat na hindi gumagaling. Pero if ever na feel ulit ni Tessie na magsayaw, may naisip ako na puwede niyang gamitin na kapartner. Lahat ng sayaw sa mundo kaya niya - chacha, tango, foxtrot, waltz, square dance, line dance, tinikling, singkil, pandango sa ilaw - basta hindi mo siya kinokontra. Heto siya sa kanyang bagong diskarte...



Heto ang tanong ko sa iyo, Tessie: Kung ikaw ang Presidente ng sarili mong bansa, pagkakatiwalaan mo ba ang sarili mo sa lalakeng ito? Thought so.

Friday, April 6, 2007

When Baduy Happened to Philippine Politics PART 1:ANG SAGING NI MARK LAPID...BOW

Isa lang ang masasabi ko:kung artista ako hindi ko papatulan ang script at dialogue na ito.Dyos ko naman,LALO NA KUNG POLITIKO DIN AKO ANO?My gulay,mas kadire pa ito sa campaign ad ng tatay nya pero kadire din yun...LEON GUEEERRREEERRROOOO...Nakakasuka.It runs in the family.Magtinda ka na lang ng chicharon!

Seriously,incumbent Governor Lapid,kasing olats ng pagpili nyo ng pelikula at script ang inyong political career.Sana mag-iba na lang ho kayo ng trabaho.Wasak na ho ang inyong showbiz career.Wag na ho kayong gumaya kay Mikey Arroyo na ookrayin din namin sa susunod na post.Kung mananalo po kayo sa eleksyon(noooooooo....),pwede bang tigilan nyo na gumawa ng mga ganitong klaseng pelikula?

Pilipinas,PAMPANGA,ITO BA ANG GOVERNOR NINYO?





ONE MORE TIME..WITH FEEELINGZZZZ...



Bahala na kayo kung iboboto nyo pa sya o hindi.