Thursday, January 25, 2007
Gretchen Barretto: A Tribute
ITO BA ANG BABAENG PINAGKAKAGULUHAN NINYO?!?!?!
Eh, kung iyan lang naman eh dapat nagsabi na kayo. Kasi ganito lang iyan dati...
At isa pa! Palagay ko ito yung style ni Tonyboy Cojuangco sa kanya eh...
Ito lang ang masasabi ko...
GRETA, ANO KA BA?!?!?!
Saturday, January 20, 2007
Bakeks' and Meimei's Video Okrayan A-Go-Go
This is the official director's cut of "Borrowed Time" by Cueshe.Please ignore this video entirely.
Our apologies to the authors of the blog Kristine and Luis Are Listening. Sorry to our friends Prince D and Conio Q, from whom we ripped off this BORROWED CONCEPT.
And here are the excerpts of our review of this video.Galing sa YM chat.
Meimei: "Wish I had more of this borrowed time" -RUBEN, SI MCOY ANG HINGIAN MO NIYAN.Hayan, kinulam kayo ng ONL kasi hindi mabuksan yung safe deposit box ninyo!
Bakeks: Dapat ang title ng single na ito ay BORROWED CONCEPTS.BORROWED JACKET. BORROWED RHYTHM.
Meimei: BORROWED HAIRDO.
Bakeks: BORROWED STYLE NG JACKET AT KUHA NI MCOY SA VIDEO NG "HANGGANG KAILAN". BORROWED GENDER DIN? HAHAHAHA
Meimei: BORROWED HOLSTER NG BARIL.Ibalik ninyo iyan kay Edu!
Bakeks: BORROWED TALAHIBAN C/O ONL AND BUNDOK C/O TAKE THAT!
Meimei: Kotse c/o Marie Jamora and Imago. Sana naligo sa clorox si Wincy pagkatapos.
Bakeks: AHAHAHAHA
Meimei: OO NGA, PINAKULAM NG ORANGE AND LEMONS ANG VIDEO NA ITO!Binaril na yung caja de yero pero hindi pa rin mabuksan
Bakeks: SYMBOLIC YAN.Sa kasarian nila.Na ayaw nilang buksan wahahahaha
Meimei: sabi ni Edu kailangan pa niya yung baril para patayin yung mga members ng Sandwich sa "DVDX"
Bakeks: Narewind yung video.TITIISIN KO NA NMAN ANG SIMULA
Meimei: DALIAN NINYO NGA! kailangan na ni Edu yung baril! At ni Ney para sa video ng "Umaasa"
Bakeks: BORROWED MARIE JAMORA PINAKITA PA SA UMPISA NA SYA ANG EDITOR.NAME DROPPING
Meimei: heto na! pasasabugin ng dinamita yung safe! BORROWED DOCUMENTS! Tumawag si Clive Owen, ibigay na daw ninyo yung mga dokumento para mai-shooting na yung INSIDE MAN 2
Bakeks: AHAHAHA SYMBOLIC YAN.PASASABUGIN ANG career.YOUR CAREER IS VERY EXPLOSIVE.TERRORIST!
Meimei: heheeh We're BLOWING UP all over the Philippines!makapagtimpla na nga ng cocoa. sabay init ng donatzzzz
Bakeks:Off na natin!Naaalibadbaran ako!
An Open Letter to Mo Twister
Dear Mo Twister:
We, the bloggers of When Baduy Happens, are disappointed in the quality of guests that you have invited for the “Forbidden Questions” segment in your morning radio show. Please consider our list of proposed future guests for Good Times below so you won’t have to resort to booking D-list hacks with nothing substantial to say come Wednesday morning. Labs, Bakeks and Meimei
PROPOSED GUEST: Rico Blanco
Why? Haller, this is a radio show on a music station! Dapat may mga tunay na musicians din kayo na guests! Nangako ka pa naman na kukunin mo si Rico pero si Hero Angeles ang binigay mo sa amin. Hell no, hindi puwede iyan!
How: Di ba may bagong album si Rico ngayon? Eh di kunwari promote niya yung Isang Ugat, Isang Dugo at You'll Be Safe Here sa show mo… on the condition na hindi mo siya kukulitin tungkol kay Bamboo or KC.
Sample questions: “Would you be willing to participate in a Sharon Cuneta tribute album?” “Biggest diva moment you’ve ever had during a gig.” “Have you ever been propositioned by a gay groupie?”
PROPOSED GUEST: Basti Artadi
Why? I’m sure wala na talaga siyang ginagawa sa oras niya ngayong “retired” na (daw) siya. Mas kailangan pa nga niya ng outlet para sa kanyang mga repressed emotions, kung ako ang tatanungin mo.
How: OK sana kung puwede siyang solo. Pero mas mag-eenjoy kami kung isasabay mo si Basti kay Rico Blanco, a la Geneva and Rachel. Hindi lang laitan ng mga kapwa musikero, kundi pati laitan ng isa’t isa. RAKRAKAN NA!
Sample questions: Siyempre, dapat tanungin mo ‘yung tungkol sa “size” niya. Either sasagutin ka talaga niya ng derecho, or magwawala iyon on-air at mapipilitan kang putulin ‘yung Forbidden Questions pagkatapos ka niyang lecture-an tungkol sa integrity.
PROPOSED GUEST: Jennylyn Mercado
Why? Kayo na lang palagi ng babaeng ito ang palaging headline sa PEP kasi, eh. Pero mas sawa na kami sa pagmumukha ni Jennylyn kaysa sa hitsura mo. At least yung mga intriga at drama na kasangkot ka, mapapakinggan ng live sa radio…
How: Oh, please – tinanong mo pa? Check mo lang ang inbox ng email at cell mo. Sigurado kaming tumawag na iyon sa iyo para iyakan niya ang pagpapaka-epal ni Mark sa kanyang latest relationship with her latest why-does-she-bother-denying-dahil-obvious-naman-iyon-na-boyfriend.
Sample questions: “Given the chance to make your own sex video, who would you want to have as a partner?” “Have you ever dated, been linked to, or been courted by anyone who is NOT an actor?” “On a scale of 1 to 10, tell us how you would rate the way Mark Herras pumps it, rocks it, moves it, shakes it...”
PROPOSED GUEST: Billy Crawford
Why? Pagbigyan mo na – baka ito na ang career boost na hinahanap niya.
How: Minsan lang naman uuwi iyan sa Pinas, eh.
Sample questions: “Do people still call you Billy Joe?” “When was the last time you hung out with Justin Timberlake?” “Did you ever think, at any point in time, that there was something really, really weird about Michael Jackson?”
PROPOSED GUEST: Gretchen Barretto
Why? Sabi kasi ni Gretchen mananahimik na lang siya. Pero sabi din ni Gretchen baka magsulat din daw siya ng tell-all book. ANO BA TALAGA, GRETA?
How: Sabihin mo exclusive ito - solong-solo niya ang interview. Puwede niyang dalhin as many yayas, bodyguards, and Louis Vuitton luggage as she wants. Make sure there’s also room in the studio for the microwave oven!
Sample questions: “Who is the cheapest guy you’ve ever gone out with?” “On a scale from 1 to 10, rate Tony Boy in bed.” “What’s the best piece of advice that you can give to your daughter when she grows up?”
PROPOSED GUEST: Chokoleit
Why? Well, if this is the person who has the worst BO in showbiz (according to your guests), it’s about time you smelled it for yourself in person.
How: Call John Lapus or Rustom Padilla – di ba friends pa rin sila kahit tinira na nila yung bru sa show mo?
Sample questions: “What is your secret to maintaining good hygiene?” “Who in showbiz would you like to join in the shower?” “Okay, seriously – who do you think is gayer than you in show business?” (no points kung “Piolo” or “Sam Milby” ang sagot niya)
PROPOSED GUEST: Ruffa Gutierrez Bektas
Why? Philippines’ Next Top Model. Nuff said.
How: Ask Annabelle Rama first.
Sample questions: “Have you ever shopped at an ukay?” “What do Turkish men have that Pinoy men don’t?” "I am going to recite to you a list of all the women who have been romantically linked to your twin brothers. Tell us which animal comes to mind when we say these names..." Also, bonus points if she can still recite her catchphrase from the Hapee Toothpaste commercial.
PROPOSED GUEST: Say Alonzo
Why? Para magkakilala na kayo sa wakas. So what kung hindi mo siya maalala at ayaw niyang mag-guest sa show mo? Sigurado kaming may HD para sa iyo ang babaeng iyon! (And no, we don't mean 'yung TV na high definition.)
How: Sabihin mo that you're willing to make it up to her and you will not ask her any more annoying questions about Sam Milby.
Sample questions: “Do you think you're sexy?” “Do you think I'm hot?” “Would you like to grab a coffee with me after this interview?”
Tuesday, January 16, 2007
Travelling in (Jologs) Style
Gosh!I didn't know that Hong Kong pala is so hip ang cool!Everything I saw there was so uber.Like na like ko talaga.Alam nyo naman how high my standards are.Of course!I'm a socialite,noh?Designer brands from head to toe ako.I was so excited that's why I took a lot of pictures.With my exquisite taste in clothes,men and burloloys alam ko you will like my snapshots naman.
People of the world,WELCOME TO MY TRAVEL DIARY!
I thought there were no more rats in Hong Kong because they want to eliminate the rodent nuisance cheber? Lagi na lang mayroong daga...
Hey, look, it's the 2007 Jologs Videoke Festival at Hong Kong Disneyland!
Left: Girl you know it's true! Ooooh, oooh, oooh, I love youuuu!!!
Right: 'Yan ang boyfriend ko, di ko ma-dig ang gusto. Siya ay in na in, nguni't out pa rin...
Yes, it's none other than the Pop Lola herself, Armida Siguion Reyna. My gaahhd, Tita Midz, WHAT DID YOU DO TO YOUR FACE? Baka naman Dra. Belo might make taray when she finds out that you had to go to Hong Kong for your emergency shot of Botox, ha?
Jackson Tape: Swabeng dumikit. Nagpapaalam pa. Jackson Tape: Ang tape na maporma!
Somebody told me kasi that Sacha Baron Cohen shops here...
Extra Ordinary Fruit Juice! It's the most fantastic, amazing, stupendous, exemplary, out-of-this-world juice EVER! Now with more opium!
(Meimei: And it tastes great with Crack Sandwich!)
Pooh Corner: tambayan ng mga pasaway
A scene from the movie Sex Toy Story - complete with kinky costumes and role playing!
People, I would LOOOOVE to stay and chat with you, but I have to go. There's this party kasi at the Polo Club and I have to make sosyal there. Next time I share with you more of my Hong Kong photos, ha? Meimei and I are still putting together the Part 2 kasi, eh. Baboosh!
The Reign of the Jukebox Kings
Nguni't kung ako ang tatanungin ninyo, the names that come to mind as Jukebox Kings ay ang mga walang-katulad na crooners from the '60s and '70s, tulad nila Victor Wood at Eddie Peregrina. Walang kupas talaga ang style nila, mga repapips! Alam na ninyo ang type na tinutukoy ko: mahaba-haba ang buhok, naka-sport jacket at wide-lapel dress shirt, emote na emote sa pagkanta ng mga love songs in both English and Tagalog (and other Pinoy dialects na rin). Think less "pogi rock" and more "Will Ferrell as Neil Diamond."
By now siguro alam na ninyo na masalimuot ang mga naging kapalaran ng mga Jukebox Kings sa paglaho ng kanilang kasikatan. (Kung hindi, tanungin lang ninyo ang mga matatandang mas nakaka-alam ng mga kuwentong iyan - wala na iyan sa scope ng blog na ito.) Nguni't alam ba ninyo na ang music ng mga Jukebox Kings ay sikat na sikat sa mga ibayong lupain? Hindi ako nagbibiro, mga kaibigan! Ang mga musikerong ito ay tunay na mga International Artists at kilala sa labas ng ating bansa.
Noong araw - as far back as the late '80s and early '90s - nauso ang pirated music sa Indonesia, at halos lahat ng mga music na binebenta sa mga tindahan sa Jakarta noon ay pirated copies, kaya kahit na anong plaka na gusto mo noon ay kokopyahin nila para sa iyo for a fee. Nagkataon din naman na noong araw na iyon ay patok na patok ang Filipino music sa mga record bars sa Jakarta -- at ang best-sellers nila ay ang greatest hits ng mga Jukebox Kings! Pumunta ka sa isang record bar, sabihin mo na naghahanap ka ng Filipino music, at nine times out of ten ay si Eddie Peregrina ang ibibigay nila sa iyo. Sabihin mong Pinoy ka at siguradong matutuwa sila dahil kababayan mo si Eddie Peregrina! Aba, matatantanan ka ba nila niyan? Kaya huwag ka nang umasa na makakuha ng mga albums ng The Dawn, Francis M, or kahit Introvoys sa mga record bars na iyon, dahil oras na umalis ka sa Pilipinas ay hindi na uubra ang pa-cool efek mo.
Noon ding panahon na iyon ay palaging may mga mission sa mga multi-national diplomatic and foreign aid organizations ang tatay ko at ang kaniyang mga kumpare na kapwang dalubhasa na taga-UP Los Banos. Kasama na din sa mga kumpareng iyon ang mga tatay ng mga kaibigan at kababata namin ni Bakeks. Dahil matter of national security ito (and by "national security" I actually mean "ayaw naming mapahiya ang mga friends namin") ay kailangan kong itago ang mga pangalan ng mga dalubhasang ito.
Long story short (with embellishments): Nagpunta daw sa isang record bar ang kumpare ni Pahpah Mei na si R. Mayroon siyang mga kasama na taga-Elbi din na tulad niya (now that I think of it, hindi yata nakasama ang erpats ko noon) at pumunta sila sa record bar dahil specialty daw sa tindahang iyon ang magbenta ng mga cassette tape ng Filipino recording artists. Kaya siyempre nagtanong siya.
Eddie Peregrina? Check. Lahat daw ng albums, nandoon, pati Greatest Hits.
Victor Wood? Check. Lahat din daw ng albums, nandoon, pati Greatest Hits.
Lahat ng OPM artists tinanong niya, mula Freddie Aguilar hanggang Fred Panopio. Pati na rin siguro Diomedes Maturan at Ruben Tagalog, tinanong. Sabi daw ng tindero, kahit anong Filipino songs, meron lahat. Kinulit nang kinulit ang tindero... hanggang sa tinanong ni Tito R ang Ten Million Rupiah Question:
"Do you have the greatest hits of [pangalan ng kumpare niya at kapwa dalubhasa na itatago natin sa pangalang Uncle D]?"
Natameme ang tindero. Pumasok sa back room. Maraming tinanong. Matagal ang paghihintay. Sa wakas, lumabas din ang tindero at ito ang sinagot:
"I'm sorry, but we are out of tapes by that artist... You come back next week, we will have that for you, yes?"
Every time na naririnig ko ang kuwentong ito, ang reaction ko ay hindi, Of course they don't have that, silly kundi Hanep! Ang galing ng record store na iyon! Lahat ng recording ng Filipino singers meron, kahit hindi pa nare-release ang album at kumakanta lang 'yung tao kapag nakainom! Hayan, naging running joke sa pamilya namin ang kuwentong ito. In fact, noong nagkita kami ng pamilya ng anak ni Uncle D dito sa Tate, ang unang tinanong ni Kuya doon sa panganay na apo ay "Hey, did you know that your Lolo used to be a best-selling recording artist in Indonesia?"
Ewan ko kung totoo pa rin ito ngayon, bagama't nagbago na ang lahat sa Indonesia in the last 20 or so years. Pero subukan pa rin ninyong gawin iyan pagpunta ninyo sa Jakarta or Bali - pumasok kayo sa isang record bar, sabihin ninyong Pinoy kayo, at banggitin lang ninyo ang mga pangalan ni Eddie Peregrina at Victor Wood. Tingnan lang ninyo kung hindi pa kayo papasukin doon na parang VIP. Palagay ninyo ba, makukuha ninyo iyan pag humingi kayo ng RiverMaya?
Thursday, January 11, 2007
Tagalog Movies for OPM Rockers, Vol. 1
Simulan na natin ito sa simulang-simula – sa mga walang kupas na double features, tulad ng mga sinehan sa probinsya. Gusto sana naming isipin na hindi na kailangan ng explanation para ma-gets mo yung joke… pero kung tutuusin, mabuti na’t meron para magka-alaman na.
Sandwich: RELASHAUN (1982) d/w JOPET, JOPET… PAANO KA GINAWA? (1998)
We’re not saying na Vilmanians ang mga miyembro ng Sandwich. We’re just saying na napatawa lang talaga kami noong nakita namin ang mga titles na ito.
Radioactive Sago Project: Kapag Baboy ang Inutang (1985) d/w LOURD, BAKIT AKO PA? (1986)
Alam mo, Lourd, idol na idol na idol ka namin. Yun nga lang, sabi mo kasi gusto mo ng baboy…
Pupil: Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin (1987) d/w Sana’y Wala Nang Wakas (1986)
Tinatapos namin ang research sa article na ito noong inatake sa puso si Ely Buendia. Tol, life’s too short. Para sa ikabubuti ng puso’t diwa mo, magpagaling ka na.
Orange and Lemons: Nakawin Natin ang Bawa’t Sandali (1978) d/w Makahiya at Talahib (1976)
In other words, summary ito ng mga video ng “Yakap sa Dilim” at “Heaven Knows.”
Kamikazee: Marupok, Mapusok, Maharot (1978) d/w Ben Tumbling (1985)
Masyadong obvious ba?
Rocksteddy: Alyas Pogi (1990) d/w Sabik sa Halik (1995)
Kawawa naman si Teddy, lagi na lang dinededma. "Pahipo naman, pahawak naman..."
Bamboo: Ang Alamat ni Julian Makabayan (1979) d/w Bamboo Gods and Iron Men (1973)
Just in case na may duda pa rin kayo sa pagmamahal ni Mr. Francisco Manalac sa kanyang bayang tinubuan…
Hale: Bakit Bughaw ang Langit? (1981) d/w Matukso Kaya ang Anghel? (1984)
For the answer to these questions, panoorin lang ninyo ang video ng “Blue Sky" at masdan ninyo ang kagandahang-lalaki ni Champ. Tili, fangirls, TILI!
Parokya ni Edgar: Order to Kill (1985) d/w Espadang Patpat (1990)
See above, pero ipalit ninyo lang ang “The Ordertaker” para sa “Blue Sky” at ang pangalan ni Chito sa pangalan ni Champ. Tili, fangirls, TILI!
Chicosci: De Colores (1968) d/w Dugo ng Vampira (1971)
“VAMPIIIIIIIRES NEVERRRRR DIIIIIIIIIEEEE!!!” sabi daw ni Miggy… and neither does his eyeliner, apparently.
Callalily: Menor de Edad (1979) d/w Bilangin Mo ang Bituin sa Langit (1989)
Dear Kean: Cute ka nga, pero sa edad naming ito eh mukha pa rin kaming mga nanay mo. Sorry!
Spongecola: Ganda Babae, Gandang Lalake (1989) d/w Romeo Loves Juliet… But Their Families Hate Each Other! (1989)
It’s the only other logical explanation for the “Gemini” video.
Imago: Hoy, Mister, Ako ang Misis Mo (1976) d/w Matalino Man ang Matsing, Naiisahan Din (1980s)
See also: the video for “Ewan.”
Pedicab: Lo Waist Gang (1958) d/w Binata ang Daddy Ko (1977)
Mahilig din kasi sa masikip na lonta si Diego Mapa…
Dicta License: Ako ang Huhusga (1989) d/w Atorni Agaton: Abogado de Kampanilya (1960s)
Sana pumasa na sa Ateneo Law School si Pochoy!
Mano Mano: Bata Pa si Sabel (1981) d/w Mananayaw (1997)
“O, Neneeeee, ba’t hindi ka pa umuwi?”
Cueshe: Kumander Gringa (1986) d/w Yakapin Mo Ako, Lalaking Matapang (1981)
Does this recommendation have anything to do with the rumors about Jay Justiniani being, you know, ganoown (sabay talsik ng fingers)? Kailangan pa bang tanungin iyan?
Wednesday, January 10, 2007
Alaala ng That's Entertainment
Ang blog na ito ay produkto ng sandamakmak na oras sa YM at Gmail Talk.Dati-rati sa sketch pad lang kami gumagawa ng storya.Ngayon sa world wide web na.Palakpakan nyo naman kami.
Kasalanan ni Kuya Germs ang lahat.Nag-umpisa ang hilig ko sa jologs trivia dahil sa That's Entertainment.Ewan ko ba pero aliw na aliw talaga ako pag naalala ko yung show na yun.Kahit sino pwede maging artista!That's was the only show that does not discriminate.No minimum physical requirements.Walang care kung anak ng artista o napulot lang sa Tondo.Hindi kelangang may talent(bwahahaha!) basta game sumayaw ng "Gold" at mag-acting workshop araw-araw.Parang multi-level marketing 'tol.The more,the manyer.Ngayon wala ng kwenta ang mga variety shows at talent search.Lahat ng star at nanalo maputi,mukhang intsik,marunong na kumanta at magsayaw.On cue na ang mga luha.Naka-package na.Naturuan na ng magulang para maiahon sa kahirapan at maging artista.Ganun.Hindi na raw talent kumbaga.Isipin nyo kung naging reality show ang That's Entertainment.Sino kaya ang mananalo?
Two Saturdays ago natyempohan ko sa Master Showman ang celebration ng 21st anniversary ng That's.Kaya lang eh hindi ko nasimulan.Ang naabutan ko na lang eh sa huli nung nagsimula silang kumanta ng "Let There Be Peace on Earth".Si Smokey ang lead singer.Sising sisi ako.Once in a lifetime chance na makita ko silang lahat ulit.At malista ang mga pangalan nila.Kasi may binabalak akong project.Docu tungkol sa mga dating artista at arti-artistahan sa palabas na yun."Life After That's" ek-ek.Ganung efek.Malay natin baka mapansin ng Cinemalaya o Cinemanila katulad ba ng pelikula ng The Dawn.Bentang benta yun.Ang dami kayang closeted fans dyan sa tabi-tabi.Hoy hindi na uso maging pretentious.Sa roster pa lang ng artista ng That's baka maging top-selling VCD na yung magiging documentary ko.
Tumawag ako sa Broadway Centrum.Hindi ko kasi mahagilap si Kuya Germs.Hiningi ko na lang sa Broadway yung mga e-mail addresses nila.Baka sakaling makausap ko para mag-set ng interview.Nagulat ako ng malaman ko na may Yahoogroups account pala sila.Nakanang.In na in ah.Mapapadali ang buhay ko nito.
At dahil generous ako eto yung nakuha kong e-mail addresses***:
Angelica Jones: IMNOTGR@thatsalumni.org
Patricia Javier: formerlyknownasgenesis@thatsalumni.org
Sheryl Cruz: iloveu3xaday@thatsalumni.org
Lotlot de Leon: pasaway_ang_MIL_ko@thatsalumni.org
Ramon Christopher: hindipasawaysimamita@thatsalumni.org
Marilyn Villamayor: pamangkin_ng_superstar@thatsalumni.org
Chuckie Dreyfuss: hindinagbagobosesko@thatsalumni.org
Billy Crawford: hindiakonabadtouchniJacko@thatsalumni.org
Isko Moreno: adopted_by_germs@thatsalumni.org
Manilyn Reynes: asawa_ng_ulongpugotnaglalagot@thatsalumni.org
Benedict Aquino: sikat_ako_sabinichitosayesyesshow@thatsalumni.org
Jovit Moya: hudasnapulis_hipobatuta@thatsalumni.org
Fatima Alvir: sister_ni_mon@thatsalumni.org
Isabel Granada: kailanganq_trabaho@thatsalumni.org
Bien Garcia: boytiklop_pinasabogsapanday@thatsalumni.org
Kristina Paner: nasaan_ang_career_ko@thatsalumni.org
Jojo Alejar: yebah_imsocoolnow_nakausapkosiraims_nurockawards@thatsalumni.org / jojoalltheway_lugarnatahimikatmalamig@thatsalumni.org
Vina Morales: ididnotsleepwithborgy_iswear@thatsalumni.org/ fake_sampalan_satimezone@thatsalumni.org
Keempee de Leon: ididnotsleepwithgeneva_iswear_jologsfriendsko@thatsalumni.org
Bunny Paras: inanakan_ni_motwister@thatsalumni.org
Sharmaine Arnaiz: hilaw_na_sis-in-law_ni_mo@thatsalumni.org
Mutya Crisostomo: anakngorig_agentX44@thatsalumni.org
Reuben Manahan: hindikaminagkatuluyan_ni_isabel@thatsalumni.org
PJ Pascual: theartistcurrrentlyknownaspiolo@thatsalumni.org
Harlene Bautista: mrsniromnick@thatsalumni.org
Ara Mina/ Hazel Reyes: bestfriendniaiko_inagawkosipolosakapatidko@thatsalumni.org
Robert Ortega: anakngmarkangbungo@thatsalumni.org
Smokey Manaloto: anak_anakan_ni_pidol@thatsalumni.org
Joed Serrano: illegalproducer_sinapakdawnidaboy@thatsalumni.org
Carmina Villaroel: my_exhusband_is_gaygaygay@thatsalumni.org
Jean Garcia: ExNiGardo@thatsalumni.org
Jestoni Alarcon: huwagmongbuhayinangcareerko@thatsalumni.org
Dennis da Silva: derecho_sa_kalaboso@thatsalumni.org
Michael Jimenez: nepotism_works_at_GMA7@thatsalumni.org
***Utang na loob,wag nyong gamiting ito para sulatan sila!
Sa Piling Ng Mga Jologs
Nasa chat kami ng friend kong si Bakekang (longtime readers of Domesticity will know her as Evie) at pinag-uusapan namin, as usual, ang Pinoy pop culture trivia. Nasabi ko kasi na siguro magiging cool kung gumawa ng mga kanta ang mga favorite bands namin na parang mga titles ng mga lumang pelikula. Ewan ko kung paano nag-evolve ang usapan na iyon, pero ito ang tinype ko:
(Kung hindi ninyo nagets ang joke na ito, basahin lang ninyo ang lyrics ng "Sugod." At kung kailangan pa ninyo ng more detailed explanation tungkol diyan eh harangin na lang ninyo si Raimund Marasigan at Mike Dizon sa susunod na bar gig nila... sorry, mas maganda pa kasi ang mga paliwanag nila sa history ng mga pangalang iyan, hehe.)Sandwich: RELASHAUN tapos d/w JOPET, JOPET... PAANO KA GINAWA?
Hayun, punta kami sa Internet Movie Database at naghanap ng mga filmographies ng mga artista. Nagsimula kay Vilma, Nora, Sharon, at Maricel, tapos mga pelikula ni FPJ, Erap, Lito Lapid, Dolphy, Joey de Leon... hanggang nauwi sa page ni Eddie Garcia at biglang humirit si Bakeks:
Radioactive Sago Project: LO(U)RD, BAKIT AKO PA?Gusto ko sanang sabihin na dito nabuo ang concept ng When Baduy Happens, pero sa totoo lang ay matagal na naming binabalak na gawin ito. Hindi lang naman kami ang unang team blog na dedicated lang para sa mga jologs na gawain ng mga artista (see also: Go Fug Yourself). Nagkataon lang na every time na nag-uusap kami ni Bakeks ay palagi na lang nauuwi sa jologs pop trivia ang mga usapan namin, so we thought, Why not share the message with the rest of the world?
Walang jologs na ligtas sa pagiging target ng blog na ito... pero at least ang kaibahan namin kay Mo Twister eh hindi kami interesado sa intrigahan at husgahan. (Come to think of it, pati si Mo Twister ay puwede na rin naming i-target dito...) Ang gusto lang naming gawin ay pagtripan ang mga baduy na nangyari sa buhay nila: mga loveteams na hindi dapat nangyari, mga pelikula/ kanta/music video na kailangan nilang pagsisihan, at siyempre ang pagpapatuloy ng kanilang delusion na sikat pa rin sila at interesado pa rin ang publiko sa kanilang mga ginagawa. (Gretchen Barretto, we are looking straight at you.) Of course, hindi lang naman mga Pilipino ang mahihilig sa baduy, kaya from time to time titingnan din namin ang mga jologs from other countries, lalo na sa States at sa Europe kung saan akala ng mga tao ay may taste talaga sila.
To sum it up: Walang personalan, mga repapips - laugh trip lang.
EDITED 01/16/2006 to add that this blog would not be possible without the help of our hard-working interns (like these two) who help us wade through page after page of jologs material on the Internet. WOOOO!!!!