Photo credit: Willard Cheng. |
Pagpasensyahan na po ninyo ang boyfriend ko. Pinaglihi po iyan sa kuwitis kaya malakas ang kanyang spark.
Photo credit: Willard Cheng. |
Also, hindi po ako ang pumili ng pantalon niya. Nag-LQ kami noong umagang iyon at sa sobrang intense ng away namin ay natapunan po ng kapeng barako yung bagong bili na dress pants niya galing sa Zara. Ewan ko kung bakit sinuot pa rin niya ito pero at least hindi po totoo yung chismis na nag-shorts siya sa Malacanang. Hindi na talaga mauulit ito, promise.
(...But, really, babe. We really need to talk about those pants. Ahem.)
By the way, pakisabi daw po kina Kris at Tito Boy na sorry daw kung hindi na-approve yung mga interview requests nila para sa kanya. Hindi lang kasi magkatugma yung schedule magmula noong nahigad po siya at nasiraan siya ng tiyan pagkatapos niyang kumain ng kwek-kwek. Pero thank you daw po doon sa cake galing sa Goldilocks kasi nagustuhan po iyon ng mga stunt doubles.
Pakisabi na din po doon sa Malacanang Press Corps na hindi talaga siya yung nakita nilang kumakanta sa YouTube. Puro stunt double din po iyon, maliban doon sa guesting niya kay Jimmy Fallon dahil ganoon naman talaga ang boses niya. Sayang lang talaga dahil "My Way" pa naman yung gusto niyang gamitin na sample.
Yun lang po,
Meimei